02-10
Good Bois
3:15 p.m.
JC:
Boss JT kailan mo ba kasi liligawan si sister in law ?
JT:
Ewan ko?
Bigla na lang ba sinasabi yon?
Gusto ko na rin kaya lang hindi ko alam paano sasabihin
Miko:
Ginagawa yon tol
Frio:
Ano yang ginagawa niyo? Landian lang ganon?
JC:
Oo parang kayo ni Pau
Miko:
HAHAHAHAHAHAHAHAH
JT:
Ano gagawin ko?
Miko:
Ganito, kausapin mo
Frio:
Sabihin mo liligawan mo na siya
JC:
Tapos magpaalam ka sa Lola niya
JC:
Saka kay Ate Auds
Miko:
Tapos umpog mo ulo mo
JC:
HAHAHAH tangina ka
Wala ka talagang bilang sa mundo
JT:
Bobo ka Miko, ikaw iuumpog ko
Miko:
Pero naisip ko lang ah
Okay naman na kahit walang ligaw eMutual naman kayo eh
Kahit itanong mo na lang kung pwede kayo na
JC:
HAHAHAHAHAH tol wag mo na antayin na si Adi pa magtanong sayo
Halata namang gusto na niya kayong magka-label
Frio:
Nakakahiya ka na kay sister in law
JC:
Siya na nga unang umamin eh
Ano siya na lahat ng kilos ?
Miko:
Ano sa inuman ka lang may ambag?
JT:
Tangina niyo mga kupal kayo