01

223 20 12
                                    

TELL ME YOU LOVE ME

Napairap nalang ako nang makitang papalapit sa direksiyon ko si Zach.

"Tell me you love me."

Napailing nalang ako. Ilang linggo nang ganito ang eksena.

"Stop bugging me," sagot ko sabay alis.

---

"Tell me you love me," pangungulit na naman ni Zach.

Napahawak ako sa noo ko at napapikit. Kailan ba siya titigil? Baliw ata siya.

"Pwede ba? 'Wag ako, okay?"

"Ikaw gusto ko e," sagot niya sabay nguso.

"Hindi kita gusto."

---

Ilang buwan na ganun pa rin ang ekesena.

"Tell me you love me," bulong ni Zach.

"Shhh. 'Wag ka ngang maingay nasa library tayo." Inis na sabi ko.

"Hindi naman ako maingay ah. Nag-iingay ba ako masyado diyan sa puso mo? Sorry na, mahal," pang-aasar niya.

"Huwag ako ang pagtripan mo. Hindi ako interesado sa'yo."

---

Nakita ko na naman siyang papasok sa room namin.

"Kailan mo ba ako titigi--" Napahinto ako sa dapat na sasabihin ko ng sa kaklase kong babae siya lumapit.

Okay. Medyo pahiya ako. Ano bang pakialam ko?

---

Akala ko titigilan na niya ako pero . . .

"Tell me you love me."

Ayan na naman siya.

"Hindi ako nagsasabi ng mga salitang hindi ko naman nararamdaman. Doon ka na kay Andrea. Wala kang makukuha sa'kin. Hindi mo ako maloloko."

"Are you jealous?" tanong niya.

"Of course not. No way."

"Ay oo nga pala hindi mo ako gusto." Ngumiti siya sabay alis.

Problema nun?

---

Halos dalawang buwan na ang nakakalipas hindi na ulit siya nagparamdam. Hindi niya na ako kinukulit. I miss him. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya na natutuwa ako sa pang-aasar niya. Am I falling for him?

---

I sighed. Where the hell is he? Damn. I miss him.

Agad kong pinulot ang nalaglag na papel ng buksan ko ang locker ko.

Binuksan ko agad ang papel.

'Tell me you love me'

Napatingin ako sa paligid. Wala siya.

"Drew! Asan si Zach?" tanong ko ng makita ang pinsan niya.

"Nasa hospital siya, hindi mo alam?"

"Saang hospital?"

Agad akong pumunta sa hospital na sinabi ng pinsan ni Zach.

"Miss? Saan po ang room ni Zachary Santos?"

"Room 102 po, Ma'am."

Tumakbo agad sa papunta sa Room 102.

---

"Z-zach?"

Agad tumulo ang luha ko ng makita ang buong katawan ni Zach na nakataklob ng puting kumot.

"Bakit ka n-namatay? W-wala ng baliw m-mangungulit sa'kin. I m-miss you, Zach. Bumangon ka diyan. Hindi ko pa nasasabing mahal kita e. P-please wake up."

Umiyak lang ako nang umiyak habang yakap-yakap siya. Huli na ang lahat. Wala na. Wala na siya.

"S-Sorry sa pagtataboy ko sa'yo. God knows kung paano mo n-napapasaya ang araw ko. M-mahal kita, Zach."

"Miss, pakihinaan naman boses mo abot hanggang sa Room 102." Napahinto ako sa pag-iyak ng marinig ko ang boses ng isang lalaki malapit sa pinto.

"Ano bang pake-- Zach?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Zach.

"Sabi ko na nga ba boses mo 'yun e. Tss. Bakit ang ingay mo saka bakit mo tinatawag na Zach 'yan?" tanong niya.

Napalayo agad ako sa katawan na nakahiga.

"Anong room 'to?"

"Room 103."

"Damn. Nakakahiya." Bulong ko.

"Don't tell me akala mo ako 'yang patay na 'yan. Pft. Saka mo lang pala sasabihing mahal mo ako kapag patay na ako?"

"H-Hindi ah. Sinabi ko bang mahal kita?"

"Narinig ko kaya lahat, Mahal. Sabihin mo nga ulit," sabi niya at lumapit sa akin.

"Ayaw ko nga."

"Sasabihin mo o hahalikan kita?"

"Ha? Wala nga kasi akong si--" Napahinto ako ng halikan niya ako.

"Tell me you love me," seryosong sabi niya.

Tumulo ang luha ko at niyakap siya.

"I love you, Zachary Santos. Mahal kita."

"I love you, too."

---

After two months naghiwalay sila kasi walang forever.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon