PANAGINIP LANG PALA

15 0 0
                                    

PANAGINIP LANG PALA

SHORT STORY

Written by: thechicks21

*****************

Si Althea, 10 taong gulang. Katulad din ng ibang bata, may pangarap rin sya sa buhay. Pangarap nya maging artista. May likas na talento si Althea na ikinatutuwa naman ng mag asawa at mga kamag-anak. Magaling ito umarte, sumayaw at kumanta. Kaya dahil sa naririnig nyang mga komplimento, lagi nyang sinasabi sa mommy at daddy nya na gusto nyang magpa-audition. Pero dahil busy ang mommy at daddy nya, lagi nalang nya maririnig ang...

"anak, nestime nalang ha? Busy pa kasi sila mommy at daddy sa trabaho eh. Para sayo rin naman 'to ang ginagawa namin. Para sa future mo." pag eexplain ng mommy ni Althea.

At dahil sa mabait at masunuring bata si Althea, pumayag sya na ipagliban muna ang pag a'audition at isantabi lang muna ang pangarap nya. Kahit bata palang ito, ay marunong ng umitindi sa mga ginagawa at sinasabi ng mga magulang.

Ganun din ang mga magulang nya. Hindi naging mahirap sa mag asawa ang pagpapalaki at pag aalaga sa anak nila. Dahil sa likas na mabait at masunurin na, ay matalino pa. Kaya mahal na mahal nila ito.

isang Araw, may nagsisigaw sa isang kanto na hindi naman kalayuan sa kanila.

"shooting! shooting! shooting!"

At dahil sa ang lakas ng pagkasigaw nung tao, narinig naman ito ni Althea na nag dadrawing at tumayo. At dahil ang yaya lang nya ang kasama nya na kasalukuyang nag luluto ng tanghalian nila, ay malaya syang nakalabas ng bahay. Pagkalabas nya ng gate, nakita nya ang taong nag sisigaw kanina sa isang tindahan at may kinakausap ito. Sa di kalayuan, may nakita syang mga tao na nag aactingan at mga gamit katulad nalang ng camera, ilaw, mga tent at kung ano-ano pa.

Napangiti naman na abot tenga si Althea sa nakita nya at nasabi sa sarili nyang...

"shooting!"

kumaripas sya ng takbo sa bahay nila para makapag bihis at makapag ayos.

'matutupad na ang mga pangarap ko' nasabi nya nalang sa sarili.

Pagkatpos nyang makapag ayos, bumaba na sya ng kwarto nya at pumunta ulit sa kung saan nagaganap ang shootingan.

Pagkarating nya sa mismong ganapan ng shootingan, ang daming taong nanunuod. At dahil hindi makita ni Althea dahil sa mga taong nanunuod at kasing tass ng daddy nya, ay hindi nya maabot at makita.

Naiinis na sya dahil sa mga tao. Kaya gumawa sya ng paraan para makapunta dun sa set.

Tinabig nya ang mga tao at nakipagsiksikan sya dun.

"excuse me po! excuse me! excuse po!" at hanggang sa makarating sya dun.

Napasigaw sya dahil sa excitement at nagulat ang lahat sa ginawa nya.

"direk!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

natahimik ang lahat. Napalingon naman sakanya ang direktor. At nakita ni Althea ang mukha ng direktor na parang hindi maipinta. Kaya nag pa kyut nalang sya sa direktor. Dahil sa magaling umarte si Althea, nag iba ang ekspresyon ng direktor. Nag paka Professional ito sa harap ng mga tao at pati na rin kay Althea. Nilapitan nya ang bata.

"oh? anong maipaglilingkod ko sayo hija?" nakangiting tanong ng direktor. habang ang mga kamay ay nasa likod nya.

Napangiti naman ng malapad si Althea dahil pinansin na sya ng direktor. Ito na ang oras nya para matupad na ang kanyang mga pangarap.

"eh, gusto ko po sanang maging artista." nahihiya nyang sabi.

nawala ang hiya nya ng marinig nyang tumatawa ang direktor.

"HAHAHAHA!! gusto mong maging artista? Ang bata bata mo pa hija hindi kapa pwedeng mag artista."

"eh, marunong naman po akong umarte, sumayaw at kumanta!" proud pa nyang sabi.

Parang na entertain naman ang direktor sa kanya.

"hmm..." nakalagay ang kamay nya sa baba nya na parang nag iisip. "sige, patunayan mo nga."

Umayos si Althea ng tayo at humarap sa mga tao including direk.

"sa kantahan, talo si...." nakalagay rin ang mga kamay sa baba nya. na parang nag iisip. "Jessa Zaragoza!" at kumanta sya ng hit na hit na kanta ni Jessa. 'parang di ko yata kaya'

~Bakit ka pa nakita? Bakit pa na kilala?

Kung ang puso ko ay iiwan mo lang at sasaktan

Kung siya'y higit sa akin

Naro'n man ang pagdaramdam

Ito ay aking kakayanin~

Pagkatapos nyang kumanta agad namang nagpalakpakan ang mga tao.

"magaling! magaling! magaling!"habang nagpapalakpak ang direktor.

"sa sayawan, talo si..." ganun parin ginawa nya, nag isip isip.. "Charlene Gonzales" at sumayaw sya habang kinakanta ang kantang 'pearly shell'

~pearly shells, from the ocean..

shining in the sun, covering up the shore..

when i see them, my heart tells me that i love you..

more than all, the little pearly shells~

Nagpalakpakang muli ang mga tao. Ganun din ang direktor.

"magaling! magaling! magaling!"

"at higit sa lahat; sa artehan, talo si.......... Judy Ann Santos!"

umarte sya at may tumulong luha sa mga mata nya..

"Nandito ka palang bata ka! hala uwi! uwi! uwi!"

"hindi na ako uuwi sa pamamahay mo!! hindi mo ako tunay na anak!! patawad! patawad!" sinaksak nya ang nanay nya. Nagulat sya sa ginawa nyang pagsaksak sa nanay nya.. "haaaa!!!!!!!!! Nakapatay ako ng tao! nakapatay ako ng tao! dios ko panginoon tulungan nyo po ako!! nay!!!! gumising po kayo!! inay!!! gumising po kayo" naiiyak nyang sabi..

pinilit ng ina nya na idilat ang mga mata at makita ang anak nya kahit namimilipit na ito sa sakit..

nagsalita ito..

"a--anak.. P--patawarin mo ako.. p--patawarin mo ako na inilihim ko lahat sayo.. a--ayoko lang m--mawala ka s--sakin.. k--kaya ko nagawa y---yun.. m--mahal na mahal kita anak.. m--mahal na maha----------------------------l"nawalan na ng buahy ang nanay nya..

napailing lang sya na para bang hindi makapaniwala sa nangyari..

Umiyak sya habang nakakalong ang insa sa mga braso nyang duguan..

Niyakap nya ito..

"inay!!gumising po kayo! inay!!! gumising po kayo!!!!!!"

**********

"althea.. anak?? gising na.. tanghali na at may pasok kapa.." ginising sya ng mommy nya..

Bumangon naman ito at nag inat.. Kinusot kusot nya ang mga mata nya..

nang maka recover sa pagkagising, agad nyang sinabi.....

"hayy.... PANAGINIP LANG PALA..."

********

THANK YOU SA MGA BUMASA NITO. SANA NAGUSTUHAN NYO..

'til nextime.. ^o^

- thechicks21

XOXO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANAGINIP LANG PALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon