Always

13 2 2
                                    

Nandito ako ngayon sa isang tabi sa studio ng showtime para manood ng prod niya. Ilang taon na rin noong huling kita ko sa kanya. Ilang taon na ang nakalipas pero mahal ko parin siya.

***

Biglang naghiyawan ang mga tao sensyales na sila na ang sasayaw. Agad niyang nakuha ang atensyon ko. Matangkad. Maputi. Magaling sumayaw. Walang kupas. Walang nagbago sa isang Ryle Santiago. Ganoon na ganoon parin simula ng lisanin ko ang bansang to. Hindi talaga nawawala ang galing niya sa pagsayaw.

***

Nang matapos ang sayaw nila ay agad rin akong umalis. Hindi ko namalayan na may sumunod pala sa akin. Binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang sa may humigit sa akin papunta sa isang silid.

"Ano ba!" sigaw ko rito.

"Jade, namiss kita" mahina niyang bulong sabay yakap sa akin.

"Ryle kailangan ko ng umalis. Baka may makakita pa sa atin."  sabi ko sabay kalas sa yakap niya ngunit masyadong mahigpit ang pagakakayap niya sa akin.

"Ayoko. Jade miss na miss kita. Namimiss ko ang yakap mo. Namimiss ko ang pangungulit mo. Namimiss ko ang bawat sigaw mo sa malayo kapag nagpeperform ako. Namimiss ko ang lahat sayo." damn this guy he's the sweetest. Paano ba ako makakatanggi sa lalaking to? Sa hindi inaasahan ay may mga luha na palang lumalabas sa mata ko.

"I'm sorry Ryle alam mo naman diba? Artista ka at fan mo nalang ako"mahinang sabi ko rito.

"No Jade, kaya kong gawin ang lahat makasama ka lang." sabi niya ng may biglang pumasok sa silid kung nasaan kami. At dahil sa gulat ay bigla kong naitulak si Ryle.

"Jade iha kailan ka pa umuwi? Kamusta ang lolo mo? Hmm may hindi kayo sinasabi ni Ryle saakin ha?" biglang sabi ni Tita Charo. Si Tita Charo ang pumasok kanina. Si tita Charo ay isa sa pinagkakatiwalaaan ng aking lolo sa pagmamanage ng Tv Network namin.

"Kanina lang tita. Mabuti na ang kalagayan ni lolo and andito ako para manood ng showtime" kalmadong sagot ko rito. Parang gulat na gulat naman si Ryle sa inasal ko at kung bakit parang matagal na kaming magkakilala ni tita.

"Ikaw ang tagapagmana?"tanong ni Ryle.

"She is. Pero anong meron sa inyong dalawa?" sabi ni tita sa kanya.

"We are no-"naputol naman ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Ryle.

"She's my girl." nakangiting sambit ni Ryle. Damn this guy.

"Oh kaya pala. Don't worry gusto ko kayo para sa isa't isa. Ryle pwede ka ng umalis ako na bahala alam ko naman na namiss mo siya" sabi ni tita na parang kinikilig. Hindi na ako nakapagsalita at hinila ako ni Ryle papunta sa parking lot at pinasakay sa kotse niya.

"Jade hindi akong magsasawang sabihin sayo na mahal kita. I love you, Always." sabi niya. Paano ba ako makakahindi sa lalaking to? Ang rupok rupok ko pagdating sa kanya. Mahal na mahal ko talaga siya.

"I love you too Ryle, Always." sagot ko.
***
Makalipas ang isang linggo ay biglang sumabog ang balita tungkol sa relasyon namin ni ryle dahil sa isang chismosang make up artist. Ang akala ko ay itatanggi niya ako sa harap ng media ngunit nagkamali ako. Proud na proud pa siya sa isang interview na ipakilala ako. Halos ikwento niya na ang lahat ng tungkol sa kung paano naging kami at paano kami nagkakilala. Minsan parang gusto ko nalang siyang sabunotan dahil sa pinagsasabi niya.

I will ALWAYS support and love him.

Always (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon