Prologue

69.2K 1.1K 31
                                    

HIS SECRETARY
by Elise Mae (NTLDLVFRHM)

PROLOGUE

"AMANDA, come here. Right now."

Napapitlag si Amanda nang marinig ang isang malumanay ngunit maawtoridad na tinig mula sa gilid ng kanyang lamesa kung saan naroon ang kanyang intercom. Agad na bumaling ang kanyang mga mata sa nakasaradong pinto sa kanyang harap.

Mabilis niyang inayos ang sarili. Ngayon niya pa lamang narinig ang ganoong tinig ng kanyang amo. Bagaman kinakabog ng kaba ang kanyang dibdib ay mabilis siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Bago pa man siya makarating sa harap ng pinto ay sinuri muna niya ang sarili.

Maayos ang pagkakahapit ng kanyang corporate attire. Hinuhubog nito nang mabuti ang kanyang katawan. Kumokorte rito ang may-kabilugan niyang pang-upo at di-kalaparang balakang.

Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang kumatok. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nauna niyang narinig ang tinig nito bago pa man lumapat ang kanyang kamao sa pinto.

"Come in," utos nito na mas lalong ikinakabog ng puso ni Amanda.

Marahan niyang binuksan ang pinto dahilan upang unti-unti niyang masilayan ang bulto ng isang lalaking nakatalikod at nakatanaw sa abalang siyudad. Muli siyang napalunok na animo isang linggo na siyang hindi nakakainom. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya makuhang masanay sa presensiya ng kanyang boss.

Matangkad ito at maputi, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata at higit sa lahat, may mga labing ikahihimatay ng kababaihan sa oras na ngumiti. Tipikal na prince charming sa kuwentong may happily ever after. Ngunit, para sa babae ay hindi lamang ito basta isang karakter sa isang love story. Something tells her that this man can love more than any other. Iyong tipo ng lalaking kung magmahal ay napakalalim.

"Get a grip, Miss Smith." Muli siyang kinabog ng takot nang marinig iyon.

Amanda, umayos ka! bulong ng kanyang isip. Agad siyang yumuko sa takot na salubungin ang tingin ng boss.

"Have a seat," muling saad nito na nananatiling nakaharap ang likod sa kanya. Walang dalawang sabing umupo si Amanda sa silyang nakalaan para sa mga bisita. Pinagdaop niya ang kanyang mga palad at tinitingan ang mga iyon. Wala siyang matandaang kasalanan na nagawa noong mga nakaraang araw.

Muling napapitlag si Amanda nang marinig ang pagtikhim ng lalaki sa kanyang gilid. Wala sa sariling nilingon niya ito. Sa pagkakataong iyon ay nakaharap na ito sa kanya. Nakapatong ang dalawang braso nito sa lamesa habang sapo-sapo ang baba.

Blangko ang ekspresyon ng mga mata nitong nakatitig sa kanya. Muling naghabulan ang mga daga sa kanyang dibdib dahilan upang makaramdam si Amanda ng kaba at hiya.

"I have something very important that I would like to discuss with you," saad ng malalim na boses nito. Muling napalunok si Amanda nang sunod-sunod, ramdam niyang hindi ito normal na araw at may mali sa mga nangyayari.

Sa apat na buwan niyang pagtatrabaho para sa binata ay ngayon lamang siya nito ipinatawag at kinausap nang ganoon. Hind na siya muling sumagot pa at hinintay na lamang ang susunod nitong sasabihin.

"Open this," maikling sabi ng binata.

Napatingin si Amanda sa isang brown folder na inilapag sa kanyang harap. Nanginginig ang kamay na inabot niya iyon at inilapag sa puwestong mas malapit sa kanya. Wala sa sariling nasabi niya ang salitang nakaimprenta sa harap.

CEO's Secretary: Confidential.

Shit, ang tangi niyang naibulong.

His Secretary [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon