Chapter 1

49.9K 848 2
                                    


CHAPTER ONE

"S-SIR?"

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Amanda. Mine? Hindi alam ng dalaga kung ano ang dapat isipin nang mga oras na iyon. She knows for a fact that Dale Anton is a well-known ladies' man. Babaero ang karaniwang paglalarawan ng marami rito kasunod ng salitang "guwapo."

"Don't you like it? Hmm... Let's change it to..." Umupo ang binata sa kanyang swivel chair at ipinatong ang baba sa kanyang kamay na kasalukuyang nakapatong sa kanyang mesa. "Let's change it to... be my playmate?" nakangisi pang pahayag nito.

Napasinghap at pagkaraa'y napanganga si Amanda sa sinabi ng kanyang boss. Sumasakit ang ulo niya sa mga sinasabi nito. Animo walang respeto sa babae. Kung hindi niya siguro boss ang kaharap ay kanina pa niya ito sinampal. Ngunit nawala ang galit na iyon nang makita niya ang bahagyang pag-usli ng nguso ng binata. Agad niyang iniling ang ulo na animo tinatanggal ang mga bagay na naiisip niya.

"S-Sir, sekretarya po ang trabahong pinasok ko rito, hindi po... hindi po ang..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Hindi niya magawang makuha ang salita. Ngunit napatigil siya nang makitang sumilay ang ngiti sa mukha ni Dale.

"I know. I know you won't accept it, but I am giving you a chance." Ngumiti ito pagkatapos ay malambing na sinabi ang palayaw niya. "Think about it first."

Hindi alam ni Amanda kung paano napako ang tingin niya sa mga labi ng binata. Animo nanghihipnotismo ang mga labing iyon. It was as if every word that came out of his mouth is a curse that she could never escape from—an indeed sweet kind of curse. She unconsciously shook her head again to erase the picture of him kissing her sweet soft lips in his head.

Madiin ang pagkakatitig ng dalawa sa isa't isa nang biglang may tumikhim mula sa pintuan. Agad na napaayos ang pareho at sabay na hinarap ang taong iyon. Nang makita ang bisita ay agad kumabog ang puso ni Amanda. Mabilis niyang naalala ang mga nangyari kanina at natatakot siya na baka mahalata iyon ng ginang.

"Good morning, Mrs. Fortallejo," bati niya sa bisita na walang iba kundi si Sara Jane Fortallejo, ang ina ng kanyang amo.

Tumango ito sa kanya at ngumiti bago bumaling sa anak na papalapit.

"Hey, Mom!" ani ng binata.

Agad namang napailing ang ginang at sarkastikong sumagot sa anak na may kasama pang pag-irap. "Hey, son!"

Ayaw ng ginang ang paraan ng pagbati ng anak sa kanya. It's as if he's talking to someone else but not to his mom. Matapos nilang magbeso ay muling hinarap ng ginang si Amanda.

"Amanda! I was looking for you outside. I want you to come with me!" nakangiti at magiliw na paanyaya ng ginang.

"Mom! Saan mo na naman dadalhin ang sekretarya ko?!" Bakas sa tono ni Dale ang himig ng pagbibiro, ngunit hindi naman mawaksi sa tainga ni Amanda ang himig ng pagkainis.

'Na naman' dahil sa apat na buwan niyang pagtatrabaho ay madalas siyang hilahin ng ginang mula sa trabaho para isama sa kung saan.

"Parang nagiging hobby mo nang gawing PA ang sekretarya ko, huh?!" dagdag pa ng binata.

"Whatever, son!" saglit na baling ng ginang kay Dale bago muling tumingin kay Amanda. "Let's go shopping!" excited na sabi nito.

"Naku, Ma'am, I'm afraid I have to say no to that today," saad ni Amanda nang may malungkot na ngiti sa mukha. "I have a lot of work to do, Ma'am."

Kung may iba sigurong makakakita sa kanila ay pagkakamalan siyang PA ng ginang at hindi sekretarya ng CEO.

Napa-pout ang ginang na ikinatawa ni Amanda. Para pa rin talaga itong bata. Kung titingnan mo ang ginang na ito ay hindi mo aakalaing may twenty-three years old ng anak.

His Secretary [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon