They say pain changes people. Whether it’s for the good or for the worse, we don’t know. But one thing I do know, is that’s the truth.
Tahimik akong nakaupo sa loob ng kotse ni Helen. Nakatingin sa labas ng bintana. Malakas ang pagpatak ng ulan. Mukhang nakikisabay pa sa nararamdaman ko ngayon. And right now, I feel like shit.
“Hey, it gets better.”, narinig kong sabi ni Helen.
Lumingon ako rito. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. I smiled weakly.
“Thanks Len.”, sabi ko rito. Trying to fight the tears that are threatening to fall.
Muli akong bumaling sa labas ng bintana.
Pagkatapos ng ilang minuto ay narating namin ang bahay namin. Bahay namin ni Luke. Well, at least for the next 24 hours. Hindi ako masokista para tumira sa iisang bahay kasama ang boyfriend kong manloloko.
Bago ako bumaba ng sasakyan ay nagpaalam muna ako kay Helen. She gave me a hug. I badly needed that.
“Thanks Len. I’ll text you when I get to the hotel.”, sabi ko rito.
“Are you sure you’ll be alright?”, nag-aalala nitong tanong.
“Yeah, don’t worry about me.”
She hesitated for a moment but still nodded and drove away after giving me another hug.
Dali-dali akong umakyat at kumuha ng ilang piraso ng damit. I wasn’t about to sleep here knowing that anytime, he will walk through that door. No. I won’t. Agad akong tumawag sa hotel na pag-aari ng pinsan ko.
Doon na muna ako titira pansamantala.
Kinuha ko susi ng kotse ko sa may drawer ko at agad isinara ang bahay.
Nang makarating ako sa hotel ay agad akong nakita ng pinsan ko.
“Mark!”, tawag sa akin ng pinsan kong si Rhoi. Dali itong pumunta kung saan ako at niyakap ako.
“Missed me?”, I asked
“I heard about what happened. Helen called me. Kaya pumunta ako agad rito.”, he said.