Good morning sir!

124 1 0
                                    

BUSY na busy si jessica sa paglilinis ng office ni Mr. Jose Montemayor, yung ang daily routine niya. Gumising siya nga maaga as early as 3am para makapunta sa Montemayor Suites. Dapat kasi before 4am nandun na siya sa building to clean the top floor. Sa kanya kasi nakatoka yung buong 28th floor including the CEO's office pati narin office ng mga staff dun.

Dati natatakot pa siya pagpunta dun kasi siya lang mag.isa parati. Pero nasanay nalang and kumakanta nalang siya para mawala takot niya. Hindi naman maganda boses niya but yun lang ang way para hindi siya matakot sa opsinang nililinis niya.

"Annie batumbakal na taga.frisco... lagi nalang nasa disco..." kantang sigaw niya habang nagma.mop sa puting tiles ng office ni Mr. Montemayor. Malinis naman ang office pero nasanay na siyang araw-araw maglinis. Organized pa ang office ng CEO kaya walang masyadong problema.

Kumekembot pa siya while singing the Annie Batumbakal, talagang feel na feel niyang mag.concert.

Nakatalikod siya sa door kaya hindi niya napansin bumukas iyon. Nakagulat nalang siyang may bigla pumalakpak sa kanyang likuran.

"Ai anak ng bakaaa!" Gulat na nasabi niya saka agad na agad lumingon kung sino yung pumapalakpak.

"Ok palang sumayaw ang janitress dito sa MS ah! Galing mo kumembot, pangit lang ng boses!" Sabi tawa at nagsimulang maglakad pupunta sa table ng CEO.

"Ai pasensiya na po, Sir Carlo... ai Good morning po pala!" Alam ni jessica na namumula na mukha niya sabi yakap sa stick ng mop na dala niya. Nahuli siyang nagwawala ng unico hijo ang may-ari ng MS.

Ang aga naman nito gwapong to... sabi ni jessica sa sarili habang nakatitig sa gwapong mukha ng amo. Tumingin siya sa kanyang mumurahing relo. Alas singko pa pala ng umaga. Ano kaya ginagawa ng lalaking to dito. Ang agang-aga pa.

Sa tagal na niyang nagta-trabaho dun, yung ang unang beses niya nakita ang lalaki sa opsina na daddy nito.

Bakit kaya??? Nagdududang tanong niya sa sarili. Pero hindi niya napansin na nakatutok parin siya sa gwapong amo.

"Sumayaw ka nga ulit!" Natatawang utos ni Carlo sa kanya. At umupo sa executive chair ng ama.

"Naku wag na po... ah labas na po ako sir Carlo... maglilinis pa po ako sa labas. Good morning po ulit."

"Hoi inutusan kitang sumayaw... gusto mo mawalan ng trabaho?" Banta ni Carlo sa kanya. Napansin niya medyo lasing si Carlo. Namumugay pa mga mata nito. Galing pa siguro to sa gimik at dumeritso lang dito sa MS.

"H-Hindi naman po sir... kaya lang malapit na po masidatingan yung mga empleyado ninyo. Hindi ko pa po nalilinis ang cubicle nila."

"Anak ako ng may-ari ng kompanyang ito. At sino ka ba para mangatwiran sa akin huh! Janitress ka lang. Taga.linis! Para namin ang napapakain sa'yo!" Sigaw ni Carlo sa kanya. Naiiyak na siya sa takot. Parang galit na galit na talaga ang anak ng amo niya. "Hoi taga.linis wag na huwag kang iiyak sa harapan ko at talagang malilintikan ka sa akin! Labas! Labas!"

Agad na tumakbo si jessica palabas ng opsina ng CEO na takot na takot. Agad siyang dumiretso sa CR para dun umiyak baka bigla lumabaa pa si Carlo sa office ng daddy nito at makita na naman siya.

Hate to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon