First kiss sana!

29 0 0
                                    

Naghihintay si jessica ng elevator... Yung tatlo sa apat na elevator ay nasa ibaba pa lahat. Nasa 20th floor ang accounting office at may inutos ang secretary ng CEO. Kung maglalakad siya pababa baka lalong siyang matagalan. Kailangan niyang bumalik agad kasi malapit na oras na malilinis na naman siya.

12 floor...going down

5 floor... Going up

Ground floor... Going up

Yung ang mga floor kung nasaan ang elevator. Yung isang elevator.. Para lang sa mga VIP kaya bawala siya gumamit.

Patingin-tingin lang siya sa mga numbers sa elevator.

"J-jessica!" Narining niya ang medyo familiar na boses na tumawag sa kanya.

hindi napansin na lumabas si carlo sa opsina ng ama. Lumingon siya dito.

"A-ano po yun, sir?" Bakit ba parang kinakabahan siya pag nasa harap niya ang lalaking to!

Itakot ka lang sa kanya... Sabi niya sa kanyang sarili. Sobrang lakas kasi ng appeal ng lalaking 'to! Sabi naman ng kanyang isip.

"jessica, right?" Paniniguro ni carlo.

"Opo sir..." Tango niya habang lumingon ulit sa mga elevator. Bat ang tagal ninyo. Kausap niya sa elevator sa kanyang isip.

"Sabay ka na sa akin. Pababa narin ako!" Sabi ni carlo pero parang nag.uutos narin.

"Ai wag na po, sir!" Mariing iling niya. Mas lalo siyang kakabahan kung kasabay niya ito sa elevator.

"I dont take no answer! Halika ka na! Stop wasting my time!!" Utos ni carlo saka pinindot ang private elevator. Pagbukas ay agad itong sumakay.

Hindi parin makagalaw si jessica sa kanyang kinatatayuan. Pano ba 'to? Tanong niya sa kanya sarili.

"Ano ba, jessica!" Parang galit na naman na sabi ni carlo. Salubong na kilay nito pero gwapo parin tignan.

"O-po... Opo.. Sir.." Wala na siyang choice pero ang sumakay sa VIP elevator.

"Sasakay ka rin naman pala! Dami mo pang arte!" Sabi ni Carlo sa kanya habang sumandal sa wall ng elevator habang hini.head to foot siya.

Pasado po ba ako, sir? Tanong niya sa kanyang sarili. Pero mas mabuti ng itikom nalang niya ang kanyang bibig.

Pero nagulat siya ng may inilabas si carlo sa kanya bulsa. Isang susi!

Akala niya ay susi ng kotse nito pero nagulat siya ng ipasok nito ang susi sa keyhole ng elevator at tumigil ang elevator.

"Sir???" Gulat na sambit niya at tumingin dito.

"Malapit na 20th floor eh! Ayaw ko pang lumabas ka!" Sabi nito. Nasa 25th floor pa kasi sila.

"B-Bakit po, S-Sir?" Natatakot na tanong niya dito.

"Nakakabadshot ka kaninang umaga! Ikaw palang babaeng tumanggi sa utos ko!" Sabi ni carlo na tila gagalit na lumapit sa kanya.

Akala ni jessica nakalimutan ng amo ang pagsagot and pagtanggi niya dito.

"S-sorry po,sir... Pasensiya na po..." Natatakot na sabi ni jessica at napasandal na siya sa wall ng elevator kasi palapit narin si carlo. "S-sir, hindi na po mauulit. Sorry na po."

Hinawakan niyang mabuti ang mga document na ipinadala ni mam zeny sa kanya. Baka mabitawan pa niya ay hindi niya malaman ang arrangement or sequence ng mga documents.

Inilagay ni carlo ang dalawang kamay sa wall ng elevator na tila naging preso si jessica. Sobrang lapit nito sa kanya at naamoy na niya pabango nito.

Hahalikan ba siya ni carlo? Parang katulad sa mga movie na nakikita niya? Naku po! First time niya! First kiss niya!

Sobrang lapit ba ng mukha ni carlo ay agad na ipinikit niya ang kanyang mga mata. Yun kasi nakikita niya sa TV yung mga bidang babae ay nakapikit ay hinihintay mahalikan ng bidang lalake.

Ilang dangal nalang mukha ni carlo sa mukha niya. Alam niya kasi nararamdaman niya hinga nito sa kanyang mukha.

Hinihintay niya na mahalikan nito. Oo takot nga siya dito pero ngayon parang ok lang sa kanya halikan siya. Gwapo

naman ito parang sa kanang unang halik.

Mga ilang segundo siya naghintay para ilapat ng sir carlo niya ang labi nito sa kanya labi pero hindi ito gumalaw. Parang nakatitig lang ito sa kanya.

Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at nakasalubong nito ang mga magagandang mata ni carlo.

Parang nagulat pa si carlo at agad na lumayo sa kanya. Ipinasok nito ang susi sa keyhole ng elevator ay umandar na pababa ang sinasakyan nila!

"K-kung ano nagyari kani-kanina lang. Wag na wag mo ipagsasabi yun! Kung hindi malilintikan ka sa akin!" Mariing sabi ni carlo na hindi na tumingin sa kanya ulit.

"O-opo sir..." Sabi niya ay umayos sa kanyang pagkakatayo.

"Sisiguradohin ko mawawalan ka ng trabaho once may nakaalam! Naiintindihan mo?!" Banta ulit ni carlo sa kanya.

"O-opo s-sir..." Sagot niya at nagdasal na sana 20th floor na.

Ilang minuto, Bumukas na ang elevator sa 20th floor. Mabuti nalang at iilang lang ako mga taong nahihintay sa tatlong elevator.

Kaya nagulat ang mga yun na lumabas siya sa VIP elevator at kasama pa niya ang may.ari ng MS.

"M-mauna na po ako s-sir!" Halos na pabulong niyang paalam dito. At lumabas na sa elevator. Inayos niya ang file na dala-dala kasi.

Pagkalabas niya ay agad na nag.close yung elevator.

"Aba... Sosyal ka ngayon Ica huh! Sa VIP elevator ka na sumasakay." "Ica" ang tawag sa kanya ng mga empleyado dun except kay mam zeny na full name. Kantiyaw ng isang empleyadong nakakita sa kanila ni carlo sa elevator.

"At kasama po ang anak ng may-ari huh!" Dagdag pa ng isang.

"Swerte mo naman, Ica! Sana ako nalang yun!"

"Naku po! Kayo talaga.. Wala po yun! Nandiyan ba si madam sa loob?" Pag-ibang usapan niya.

Tumango ang mga ito at timing naman bumukas na ang elevator at sumakay na ang mga ito.

Ano ba nagyayari kay sir carlo? Katatakot naman siya kasama pero sayang naman hindi niya ako hinalikan. Medyo na pangiti pa niyang sabi at pumAsok na sa opisina para ibigay ang mga documents.

Hate to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon