"Mahirap magkagusto sa taong alam mong wala kang kasiguraduhan." Yan ang bulong ko sa sarili ko.
May gusto akong babae, i think 3 years ko na rin siyang nagugustuhan, pero hindi ko kayang umamin ng feelings ko sa kanya. At ngayon ay ang graduation namin. Eto na ang huling araw na makikita ko siya. Feeling ko, dapat ko na ring sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Pero paano? Hindi pa ako rin ako handa sa magiging response niya.
Paano kung magalit siya? Paano kung layuan niya ako? At paano kung masaktan lang ako... Hindi ko kaya yun. Huminga ako ng malalim at dapat akong maging matapang. "HULING ARAW NA NANG PAGKIKITA NAMIN NG BABAENG MAHAL KO." Bulong ko sa aking sarili.
Agad ko siyang nilapitan at kinausap.
"Jessy... may sasabihin... i mean... may aaminin pala ako sayo." Sabi ko sa kanya.
"Ano... ano yun?" Mahinang sagot niya.
"May... May gusto kasi... ako sayo" Nakayuko ako habang sinabi ko sa kanya ang mga bagay na 'yon.
"Talaga?" Nagulat siya
"OO. Tatlong taon na akong may gusto sayo ehh.." Wika ko.
Bigla siyang naiyak sa mga sinabi ko sa kanya. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at agad ko itong binigay sa kanya. Hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak. At bigla siyang nagsalita.
"Bakit ngayon lang... kung kailan mag-hihiwalay na tayo." Wika niya
Bigla akong nagtaka sa mga sinabi niya at agad akong nagulat sa mga susunod niyang sinabi.
"Gusto din kasi kita eh... noon pa." Bulong ni Jessy.
---
Niyakap ko siya na parang hindi na kami maghihiwalay pa. Niyakap niya rin ako ng napaka higpit. At sa tingin ko... Ito na ang huli naming pagkikita.
Nagpaalam ako sa kanya...
---
Kinabukasan. Habang nag f-facebook ako ay bigla kong nakita ang post niya na aalis na sila papuntang New York. 5 Years silang mawawala. Nadurog ang puso ko matapos 'kong mabasa ang mga bagay na yon.
Kaya matapos nang bagay na 'yon ay nagmadali akong pumunta sa airport. Umaasang makikita ko siya hanggang sa huling pagkakataon.
Lumingon ako sa buong paligid at nakita ko siya sa loob. Papasok din dapat ako sa loob ng gusali pero hindi na ako pinayagan. Nagmaka-awa ako sa mga security guards pero hindi parin ako nakapasok sa loob.
Isinigaw ko nalang ang pangalan niya. "JESSYYYYYYYYYY!"
Bigla siyang lumingon sakin at tumakbo siya pabalik.
Pero hindi na siya pinayagang lumabas pa, kaya sa salamin ko na lamang siya tinignan. Hinawakan ko ang napaka lamig na salamin at maging siya ay hinawakan din ito. Ang salamin na 'yon ang pagitan naming dalawa.
At iyon na ang huling araw na nakita ko siya...
---
Halos buong buhay akong naghintay sa kanya. Ang limang taon ang naging sampung taon. At bukas ay babalik na siya...
Sana naaalala parin niya ako.
At makalipas ng ilang araw pang paghihintay sa kanya ay muli ko na ulit siyang nasilayan sa personal. Ang ganda niya...
At bigla niya akong niyakap...
Hindi pala ako habang buhay na masasaktan. Hindi ako habang buhay na mag-hihintay. At pinatunayan yun ni Jessy. Pinatunayan niyang WALANG FOREVER!
----THE END----
HAHAHAHAHAHA! Yun lang po yung pinaglalaban ko sa story na 'to. #WalangForeverrrrr!!! XD
BINABASA MO ANG
Walang Forever
Short StoryWalang Forever, Patatas meron :---( #ShortStoryCollection Written By: Lee Rafael