FAN GIRL. Ano ba sa tingin nyo ang isang Fan Girl? Kung ako ang tatanungin isa itong paghanga sa taong hindi ka naman kilala. Yung tipong Minahal mo ng sobra sobra pero di ka pa pala nya nakikita. Oo, inaamin ko isa rin akong fan girl. Pero hindi ko inaasahan na mamahalin at gugustuhin ko ng sobra ang iniidolo ko. Alam kong marami rin ang katulad ko. Ako yung tipo ng babae na kahit saang sulok ng mundo sya mag mall show ay pupuntahan ko. Oo Obsessed ako sa iniidolo ko.
ISANG ARAW.
Meron siyang mall show sa Pampanga. At kahit dito ako sa QC nakatira ay pinilit kong puntahan iyon. Bibili ako ng VIP ticket para sa unahan makaupo. Ngunit sa kasamaang palad naubos na raw ito. Hindi ako nanghinayang na pumunta ako dito, kahit nga sa pinakahuli ako pumwesto ay okay lang. Makita ko lang kasi sya, masayang masaya na ako. Ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko ang Idol ko. Marahil ay sa napaka gwapo nito at sobrang bait sa mga fans nya. Dumating na nga rin sa puntong Nakipag away ako sa mga Haters nya,. Naiinis ako sa kanila kasi ayaw nila sa iniidolo ko. Pero may halong tuwa kasi mas nag eeffort sila mag edit ng mga pictures kesa sa mga fans. Isa rin siguro sa nagustuhan ko sa lalaking yun ay yung hindi siya nagpapaapekto sa mga bashers nya, sa halip ay tuwang tuwa pa sya rito dahil iniisip nya na mas sumisikat sya dahil sa mga may ayaw sa kanya.
Nagsimula na yung mall show at nagsimula ng magtilian ang mga kababaihan. Ayun! Nakita ko na sya. Tuwang tuwa ako kasi ang lapad ng ngiti nya! Mas lalo akong natuwa nung huminto ang tingin nya saakin. Sa sobrang tuwa ko naisigaw ko ang mga katagang "I LOVE YOU ASAWA KO!"
Alam kong kahihiyan ang ginawa ko ngunit di ko na mapigilan ang aking sarili. Pagkasabi ko nun ay nagtinginan lahat ng tao saakin. Pulang pula ako sa mga oras na yun. Marahil sa kahihiyan o sa kilig na dama ko.
Nakita kong palapit ng palapit saakin ang aking iniidolo. Nakatingin sya sa banda ko. Tinignan ko sa likod ko kung may tao at marami ngang tao.; Gusto kong isipin na ako ang pupuntahan nya at hindi sa bandang likuran ko. Gusto kong itigil ang oras. Guso ko syang yakapin ng mahigpit at sabihing akin lang sya. Ngunit nagkamali ako. Akala ko ako na yung lalapitan nya. Yung magandang babae pala sa likuran ko. Sobrang nalungkot ako ng mga panahong iyon. Umalis na ako sa aking pwesto at napag desisyunan ng umuwi. Mag gagabi na rin kasi at sa sobrang lungkot ko na rin.
Pagdating ko sa aming bahay iyak nako ng iyak. Tinanong pa ako ng aking nanay kung bakit ako naiiyak. Hindi ko sya sinagot at tumuloy sa aking kwarto. Nagsulat ako sa pirasong papel at Kumuha ng kutsilyo. Alam kong mali ang gagawin ko. Alam kong mababaw ako. Pero masisisi nyo ba ako kung bakit minahal ko sya ng todo? Nagmamahal lang naman ako, pero sa taong hindi ako gusto.
Sinimulan ko ng laslasin ang kamay ko. Sinisiguro kong mamamatay ako. Naaawa ako kay nanay pero mas gusto ko ng mamatay. Nanjan naman ang aking mga kapatid na syang magbabantay kay nanay. Oo alam ko! Masyado akong mababaw. Wala akong magagawa, buo na ang desisyon ko.
Tumutulo na ang dugo sa kaliwa kong kamay. Hiniwa ko muli at saka sinugat ang kanang kamay. Nahihilo na ako at ska nagdidilim ang paningin. Sa aking huling sandali nakita ko ang Mukha ng aking iniidolo. Napangiti akong saglit at tuluyan ng namatay.