Her Mother's Side

134 3 2
                                    

Tatawagin ko na sana ang aking anak. Bakit ganoon na lang ang aking nararamdaman. Nakakaramdam ako ng takot sa mga oras na iyon marahil siguro ay pagod lang ako.

]

Umakyat ako sa taas upang tawagin si Jane ngunit naka lock ang pinto nito. Kumatok ako ng kumatok hanggang sa mapagod na ako. Ngunit wala pa ring sagot. Naghihintay ako na sumigaw sya ng malakas ganun naman lagi kapag kinakatok ko siya. Nag aalala na ako kaya kinuha ko ang susi sa baba. Halos masubsob ang aking mukha sa sahig pero wala akong pakialam dahil ako'y kinakabahan. Pagkabukas ko ng pinto halos di ako makagalaw. Ang aking anak nakahiga at hindi gumagalaw. Nakita ko ang dugo sa bedseet ng kanyang kama. Maluha luha akong tinignan kung ano ang nangyari. Iniharap ko sya saakin at lalo akong napaiyak, nakangiti kasi ito na para bang tulog lang. Sa lamesa sa kanyang silid nakita kong may papel, binasa ko iyon at napahagulgol ako sa lungkot at sakit.

Dear Mama,

Pasensya na po kung ginawa ko ito, sobra po kasing sakit ang nararamdaman ko. Nay alam kong mababaw lang ito pero para sakin po ang lalim lalim nito. Mahal na mahal po kita higit pa sa inaakala mo. Pasensya  na po kung minsan kung gabi na ako nakakauwi, pinupuntahan ko lang po kasi ang mall show ng aking iniidolo. Nay wag nyo po akong ililibing hanggat hindi sya pumupunta. Gusto ko po kasing malaman nya na merong Jane na nagmamahal at iniidolo sya. Maraming salamat nay sa pagbibigay ng pera, dahil sa perang ibinibigay nyo nakakapunta ako kung nasaan sya. Nay, pakisabi sakanya na mahal na mahal ko sya. Mamahalin ko sya kahit sa kabilang buhay pa. Nay, babantayan ko po kayong dalawa.  Mahal na mahal kita nay. Mahal na mahal kita.

Ang bawat letra sa Sulat ng aking anak ay mahalaga. Bakit nya ito nagawa saakin! Bakit??!!

ISANG LINGGO ANG LUMIPAS

Anak hindi ko parin matanggap. Masakit pa rin. Dumating na pala yung iniidolo mo kanina. Ang gwapo pala sobra. Anak kung nandito ka, siguro ay naglulupasay ka sa kilig. Alam mo ba na tumagal sya dito ng dalawang oras para lang mabantayan ka??? Anak, sana nandito ka pa. Hinalikan ka pa nga nya sa iyong noo. Wala raw syang paki kung magkasakiyt sya dahil sa amoy mo. Pinabasa ko nga pala yung sulat mo at natuwa sya daahil sya parin daw ang iniisip mo sa mga huling sandali mo. Alam mo anak kilala ka raw nya. Kasi raw walang araw daw na Lumiban ka sa mga Mall show nya. Anak, mag ingat ka jan. Magpapakasal pa kayo jan. Sana maging masaya ka na. Mahal na Mahal kita.

P.S: Woooh! Sana nagustuhan nyo!! Don't forget to leave a comment. Thank you!!  ♥

Being A Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon