(Aphrodite’s POV)
“Aphrodite Jean Coran, sa oras na may nangyari sayong masama, tandaan mo, may emergency dial ang phone mo.” Pagbibilin sa akin ng Ate Asha ko sa akin.
“Opo, ate. Saka, ‘wag kang mag-alala. Magiging safe naman ako siguro dun no. Lalo na kasama ko naman si Jayson.”
“Naku, safe? Eh paano na lang pag kunwari may nanholdap sa inyo, anong gagawin niya? Hahahmpasin ng clutch bag yung holdaper o kaya sasabunutan?”
“Aba, sobra ka Ate ha. Kahit naman bakla ako, alam ko naman magjudo no. Tinuruan ata ako ng aking pudrabells.” Pangiti namang sabi ni Jayson.
“Ashana Hera, may balak ka bang paalisin yang mga kapatid mo o dito na lang sila sa bahay?” Tanong naman ni Kuya Sean na asawa ni ate habang nakatayo sa harap ng kotse.
“Hoy, Sean Erick, ‘wag na wag mokong tinatawag sa buong pangalan ko, ha.(Irap) Siya, sige, mag-iingat kayo ha. Jayson, ingat sa pagmamaneho.” Saka ako niyakap ni Ate.
Hi, guys. Ako nga pala si Aphrodite Jean Coran o mas kilala bilang Aphie, 19, 5’2’’, at higit sa lahat, mahilig kumain.
Kasama ko ngayon si Jayson Paul Gonzales Coran. Ang aking butihing pinsan at papunta na kami sa Batangas for a summer job since nilipat na nila ang school year opening sa August at hindi na muna ako nagsummer classes kaya parang 4 months din akong mababakante. Kaya niyaya na lang ako ni Jayson na mag-apply for summer job.
At nakahanap kami sa isang sports club sa Batangas. Sa Elite Men’s Club.
Sa club na ito, since “Men” ang nakalagay, lalaki lang talaga ang members. Pero di basta bastang lalaki. Lalaki na may kaya sa buhay, investments, charm, talent at kung anu-ano pang qualifications of an elite man. If you guys are familiar with the “Stallion Riding Club”, parang ganun dito. The difference is, sa EMC, car and motor sports, water sports and business works ang makikita niyo dito. Kasama na ang pamamalakad sa isang malawak na hacienda, terrain at hotels dito.
Speaking of which, maya-maya lang eh makakatapak na rin ako doon. Pero sa ngayon, ibababa ko muna itong mga gamit ko at ipapasok sa loob ng bahay kung saan kami magste-stay ni Jayson.
“Jayson, kanino ba talagang bahay to?” Tanong ko sa kanya na mukhang tuwang-tuwa.
“Kina Sheena nga. Sa isang pinsan ko, yung nasa States na ngayon. Sabi niya, since may bawas sa sweldo kung sa apartments ng club tayo magste-stay, dito na lang daw. Si Fe lang naman ata andito eh.”
“Ah.” I replied with a big smile on.
“Anyare ‘teh sa mukha mo? Ba’t ganyan ngiti mo?” He asked.
“HMMM. Wala lang.” Natatawa kong sabi.
“Ano nga? Para kang ewan. Sabihin mo na.”
“Kasi It will be just us. Walang baby, pwede tayong mag-ingay. Wala si Ate, pwede nating kainin lahat ng gusto natin at magsound-trip ng kahit anong oras.” Nakangiti kong sabi.
“Weird.”Sabi niya naman sa akin.
“Fe, mamaya na lang ang chikka ha, kelangan na naming pumunta ng club at baka malate pa kami.”Sabi ulit ni Jayson.
“Ah, sige, sige.” Sagot naman ni Fe.
Then we stormed out the house and rode down to the club.
“Elite Men’s Club Touchdown.” Sabay naming sabi ni Jayson habang kumukuha ng letrato sa gate neto.
BINABASA MO ANG
The One Who Marked My Heart
Romance"Love, for all we know is the root of life and happiness. It's a piece of heaven here on earth. And I'm happy that I have found you."-Aphrodite