"Na-alala mo pa ba noong sinagot mo ako?"tanong ko sakanya habang pinag-mamasdan ang mga bituin sa langit.

"Oo naman,sinong hindi makakaalala doon eh kumanta ka—"hindi na natapos ni aira ang gusto niyang sabihin ng simulan kong kantahin ang liriko ng kanta—ang lagi niyang pinapatugtog noong panahong meron pang matatawag na kami.

"Ngumiti K-kahit na napipilitan."Kakasimula palang ng pag kanta ko ngunit yung boses ko ay garalgal na. Iba't ibang alala ang pumapasok sa isipan ko, mga pinagsamahan at pinagdaanan namin.

"Kahit pa sinasadya."

"C-calyx uma—"

"Mo a-akong masaktan p-paminsan-minsan"Hindi kona natapos ang kanta, dahil naging emosyonal na ako—at tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Aira!! bakit hindi nalang kasi ako! "sigaw ko sakanya pero nabigo ako, iba na ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. Hindi katulad ng dati na may kislap ngayon ay—awa nalang.


"Calyx..hindi na pwede... at kailangan mong tanggapin!" Sa oras na to nakatayo na siya at diretsong nakatingin sa akin.

"N-nahihirapan a-ako.. "sabi ko habang pinupunasan ang mga luha at tumayo na.

"Mas nahihirapan ako sayo..."may panunuyang sabi sa akin ni aira habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko,at iyon ang pinaka ayaw ko—ang basta basta nalang kalimutan ang lahat.

"H-ha? ikaw nahihirapan? sakin? P-paano? diba sating dalawa ikaw ang nagloko!"sigaw ko habang duro ko siya sa muka, alam kong nahihirapan siya pero hindi siya nasasaktan dahil

"H-hindi mo naman ako m-mahal, simula p-palang noong u-una.. "Hindi na siya nakasagot sa huli kong sinabi, dumistansya nalang ako at humawak sa railings.

Tumingin nalang ako sa kalangitan habang pinapakinggan ang masasakit na salitang binibitawan niya.

"Calyx tanggapin mo nalang!ayoko na! "

"Wag mong sasabihing ayaw mo na, dahil sa simula't sapul  ayaw mo naman talaga."Malamig kong tugon sakanya bago ko siya tinitigan sa mata.

"Yun naman pala eh!!alam mong ayoko sayo! kaya wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo!"tila mga matutulis na bagay ang sinasabi niya sakin—tagos ito sa puso ko.





"Pasensya n-na.. Sige tatanggapin ko.. n-nalang. "

"Iiwasan na kita, hahayaan na k-kita sa lahat. Hindi na a-ako maghahabol,pasenya na. "Habang sinasabi ko ang mga katagang 'yon parang dinudurog ang puso ko. Hindi ako sanay sa mga salitang sinasabi ko, hindi ako sanay na makita niya akong ganito—umiiyak, durog.

Siguro ito nga ang tama, ang tanggapin nalang ang lahat,dahil ang meron kami ay tapos na. Ang nobela namin kung saan puno ng mga kasiyahan puno ng maraming pinagsamahan ay matatapos na dito.

Tumango lang sa akin si aira, at hindi na niya ako pinansin—ni maski magpaalam.

Siguro hindi niya na ako mahal— hindi niya ako minahal.

Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman
Sa isang marikit na alaala'y
Pangitaing kay ganda
Sana nga'y pagbigyan
Na ng tadhana
Bawat sandali na lang

"H-hindi kita makakalimutan.. "huling sinabi ko at pumikit bago damhin ang malamig na ihip ng hangin.

NobelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon