chapter 1

9 0 0
                                    

Nakakainis naman tong magsyota na to, sa harap kopa naglandian.

 

Nandito kasi ako sa parke ng subdivision na tinitirhan namin.

 

Naiinis kasi ako kapag nakakakita ako ng magsyota, ewan ko kung bakit, basta alam ko nakakainis.

 

Sabi ko ko kasi non sa sarili ko na ayaw kong magkaron ng karelasyon. Takot kasi ako, takot akong umibig, takot akong masaktan. Lahat naman kasi ng lalaki mang iiwan, lahat sila mangloloko lang, kaya ayoko, kaya takot ako.

 

Ako nga pala si Abegail Navarro, Abby ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Nandito ako ngayon sa daan, daan papuntang langit.

 

Hahah, siyempre biro lang yun. Andito talaga ako sa daan, pauwi na kasi ako eh, nakakainis kasi yung magsyota nayun eh, kasira ng moment.

 

15 years old. Fourth year student na ako. Nag-aaral sa Padilla University. Bunso sa dalawang magkapatid, simple at makulit na babae. At NBSB (No Boyfriend Since Birth)

 

Pagkarating ko sa bahay walang tao. Nag grocery siguro si mama! Si kuya Jasper naman, ayun nakipagdate nanaman kay ate Steph. Simula kasi ng naging sila,tumino nayan si kuya. Naging stick-to-one ang peg niya. Si papa naman nasa states inaasikaso yung company namin dun.

 

Pumunta muna ako sa kwarto, dahil wala naman akong magawa sa sala. Binuksan ko yung laptop ko. Ni log-in ko muna yung account ko sa twitter at facebook. Pero wala eh, ganun parin bored parin ako. Pinatay ko yung laptop, saka ako humiga at pumikit.

 

 

Hayyyy. Nandito ako ngayon sa sala, nanunuod ng conjuring na palabas.

 

Nagulat ako ng bigla akong nakarinig ng malakas na kalabog galing sa second floor. Kinabahan tuloy ako, eh wala naman akong kasama dito dahil umalis si mama at si kuya.Paakyat palang ako sa hagdan ng makarinig ako ng ungol ng sanggol na bata. Kinilabutan tuloy ako.

 

Pag akyat ko ng second floor namin, sa bandang dulo ko naririnig yung ingay. Dun sa guest room sa tabi ng kwarto ko. Pumunta ako sa tapat nung kwarto, kung san ko narinig yung ingay. Siyete tumatayo lahat ng balahibo ko dahil sa takot. Pagbukas ko nang pinto, may bigla nalang nagtakip ng ilong ko ng panyo na may amoy. Nang hindi ko na makayanan ay unti-unti akong nahilo at napapikit dahil sa sobrang hilo. 

 

 

 

 

 

Bigla naman akong napaupo sa kama, unti unti akong bumalik sa katinuan ng malaman kong panaginip lang pala lahat nang yun.

 

Tiningnan ko yung oras, 6:00 na pala! Malelate nako pag hindi pa ako nag-ayos. Unang araw pa naman ng pasukan ngayon.

 

Agad-agad akong naligo at nagbihis. Pag baba ko, saktong nakita ko si mama at si kuya na kumakain.

 

“Oh anak, kumain ka muna, baka malipasan ka ng gutom niyan!” sabi ni mama nang mapansin niyang nagmamadali na ako.

 

“Hindi napo ma! Malelate napo kasi ako eh, sa school nalang po. Bye na mama.“sabi ko kay mama sabay halik sa pisngi niya.

 

“Bye kuya!” sabay wave sa kanila ng babye.

 

6:55 na nang makarating ako sa P.U, halos kakaunti nalang ang mga estudyanteng nasa labas. Halos lahat kasi ng mga estudyante nasa klase na nila.

 

Tumakbo ako papunta sa klase ko, nang biglang may bumangga saking lalaki, at bigla akong napaupo sa sahig. Aysuuuss inday ka, kung minamalas kanga naman talaga uh-oh!

 

“Ano bayan! Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha?“ inis na sabi ko sa lalaking nakabungguan ko.

 

“Anong ako? Eh ikaw nga diyan and takbo ng takbo, at hindi tumitingin sa dinadaanan mo eh!” sabi niya habang inaayos ko ang sarili ko at ang mga gamit kong nahulog.

 

Aba aba, kung hindi lang talaga ako nagmamadali makakatikim to sakin eh. Inirapan ko nalang siya, at saka umalis ng walang sinasabi.

 

Pagpasok ko sa room, nanahimik lahat ng mga estudyante.

 

“Ms. Navarro! Late sa unang araw ng klase? Anung kaartehan yan? Paki explain!” sabi ni Sir Alvarez.

 

Eh ikaw sir? Anung kadramahan yan ha? Sabi ko sa sarili ko. May PMS yata tong lalaking to eh, ang aga-aga tapos ang init ng ulo niya.

 

“Ah…eh!”  yun lang ang masabi ko. Ewan ko ba kung bakit, bwisit kasi yung lalaki nayun eh.

 

“Ahh...Ehh? Ihh...Ohh...Uhh? Ms. Navarro hindi ko sinabing banggitin mo ang mga patinig nayan. Tinatanung ko kung bakit ka late?” pamimilosopo niya saakin. At dahil dun nagtawan ang buong klase, yung iba namang mga babae nagbubulungan.

Yung totoo? Trip bako nitong teacher nato. Kainis!

 

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. ASUNGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon