Panliligaw 1

114 0 0
                                    

Isang malungkot na mukha ang sumalubong sa'kin paglabas ko ng classroom.

"Basted ako."

Dalawang salita. Isang pangungusap. Sapat na para ipaliwanag kung bakit tulad nung namatay 'yung alaga niyang si Goldie na isang goldfish ay lukot ang mukha niya at bagsak ang mga balikat niya.

BASTED. Kapag nanligaw ka tapos 'di ka sinagot. Kapag may gusto ka na sinopla ka nung nagpaparamdam ka pa lang. Kapag nilayuan ka niya nang malaman niya 'yung feelings mo.

BASTED. 'Yan 'yung buong puso mo binigay mong buong-buo. May kasama pang flowers at chocolates, love letters, pagiging instant alalay, bodyguard, at shoulder to cry on at isang malaking EFFORT! Tapos takte! Tinanggap niyang lahat 'yan maliban dun sa puso mo. Hindi pa nakuntento, tinapak-tapakan, dinurog, binugbog at hinulog muna sa asido bago binalik sa'yo!

BASTED. One word pero kinatatakutan ng lahat ng naglakas loob manligaw, inaayawan ng mga torpe, nararanasan ng mga lalaki, panangga ng mga babae.

"Ay puta!"

Dali-dali niya 'kong hinila palayo sa bulto ng mga estudyanteng nagmamadaling palayo sa classroom. Dinala niya 'ko sa dulo ng corridor kung saan walang tao.

"Tang-ina ba't ka nagmumura? Sabing 'di bagay sa mga babae ang nagmumura, eh!"

"Eh crema de futa naman kasi 'yang nililigawan mo? Tang-ina, anim na buwan kang pinaghintay ta's basted? Aba'y mag-enumerate ng paasa lista ko siya sa number 1!"

 

Anim na buwan. Ganun katagal pinaghintay 'tong bestfriend ko.Nakaka-high blood na ako pa mismo ang kumumbinsi sa kanya na ligawan na 'yung taong gusto niya, ako pa 'yung tumulong mag-ipon ng lakas ng loob, tapos gan'to?

"Maghunos-dili ka nga. Ako 'yung binasted dito, best."  Ginulo niya pa ng dalawang kamay ang dati nang magulo niyang buhok. Nakakunot ang kanyang noo at halos maningkit ang kanyang mga mata. Mas nagmukha siyang stressed ngayon kumpara kanina nung sinalubong niya 'ko sa pinto ng classroom.

"Kaya nga gan'to 'ko magreact, eh! Ikaw 'yung binasted! Anong gusto mo, maging masaya 'ko na pinaasa 'yung bestfriend ko? Wala silang karapatan na saktan ka. Aba, makikipagsuntukan talaga 'ko."

Tapos boom! Bigla na lang nagliwanag 'yung mukha niya. Umaliwas pagkatapos ng sentence na ibinagsak ko.

"Tang-ina, kung ganyan ka palagi, araw-araw na lang akong magpapabasted."

 

"'Lul! Ako lang may karapatang manakit sa'yo kaya ayokong may ibang gumagawa nun."

 

"Oo na. Labyutu. Tara kain tayo, libre ko."

Hindi pa man ako nakakasagot ay nakaakbay na siya sa'kin. Para lang akong bata na hindi alam kung saan ang punta at nagpapatangay sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BASTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon