Isha P.O.V
Hays, bat ba kasi umulan ng super duper mega lakas!. Tapos nag kataon pang wala akong panangga sa ulan grabe.
Uwian na at nandito ako ngayon sa waiting shed kasama ang mga estudyante na wala ding dalang payong.
Wala naman kasi ako pwedeng gamitin para may matawagan ako samin wala akong cp o anuman na pwedeng gamitin.
Ang tanging dala ko lang kasi ang gamit ko.
Habang tumatagal lalong lumalakas at lalong tumatagal paunti unti na ang mga estudyante dito.
Hay! bakit ba kasi ang lakas lakas ng ulan. Hindi marunong makisama setbu! plus na marami akong dalang materials para sa group project namin.
Syempre sino paba gagawa nito ako lang naman. kasi lahat ata ng babae sa school na pinapasukan ko ang aarte siguro kasama narin sa pamumuhay nila mayayaman kasi.
Nag tataka kayo kung bakit nakakapasok ako dito. Dahil scholar ako dito.
Nung una ayokong pumasok dito dahil alam ko na kung anong mangyayari saakin pag pumasok ako. Pero mapilit kasi ang mama ko para daw kasi sa kinabukasan ko ito.
ay mag papakilala muna ako!
Ako nga pala si Isha Mae Dela Rosa. 15 years old
sabi nila ang panget ko daw at ang baho pa mukhang dukha at walang pinag aralan. Syempre pinag handaan ko na yan bago ako pumasok dito.
Nag aaral pala ako sa Hustone Academy.
Sabi naman ni mama wag daw ako pa apekto lahat daw kasi ng sinasabi nila hindi raw totoo
HAHAHAHA supportive talaga mama ko no!
Simula bata pa ako hindi ko na nakita ang papa ko dahil daw nung pinanganak daw ako iniwan na daw kami ni mama. Wala akong kapatid at si mama lang ang kasama ko simula bata pa ako.
Si mama nag titinda tinda lang sa palengke at nag lalabada sabi niya kasi pag iipunan niya daw ang pag aaral ko sa collage para makahanap daw ako ng magandang trabaho.
Hay ang drama ko na HAHAHAHA
ay hindi kona ata namalayan wala na pala akong kasama dito at super lakas pa ng ulan.
Hay siguro nag aalala na si mama :((
gusto ko man tumakbo na pero may dala akong materials at kung mabasa ito ako ang pag babayarin ng mga ka grupo ko.
Alam niyo naman nawala akong pera pambayad dito.....
Beep!!!
" ay! " shete naman oh! yung mga bond paper at iba pang mga material sheteeeee :O
Wah! naputikan pati tong kaisang isa kong uniform
Bwiset malaman ko lang kung kaninong sasakyan yung naka putik sakin papatayin ko talaga! haist.!
" Hoy manong " tok tok tok!
tapos pag ka baba ng bintana.........
tutuloy........
-------------------------------------
A/N.
Hope you like it. just comment your reaction :)
God bless! :)

BINABASA MO ANG
The Shining Star
Teen FictionBituwin. Sila ang tumulong para makita ko siya. Natuto akong mag mahal mag sakripisyo, masaktan, umiyak at mag bago. Natuto ring lumaban at mag mahal uli. - Isha