Her POV
I was silently waiting for a chance. Mabuti na lamang ay di ako masyadong pansinin mula sa tinataguan ko. I'am hunting my prey for today. Inihanda ko na Ang aking palaso. Palaso na gawa sa silver at may halong lason. Mula sa sanga Ng puno ay tanaw na tanaw ko Ang aking target. Hanggang ngayon ay di nya ako naaamoy. Salamat sa chemical na ginamit ko para di nya maamoy Ang tulad ko. Nang aakmang aalis na sya ay kaagad Kong binitawan Ang palaso.
Tumalon kaagad ako pababa nang makitang natumba na ito. Kaagad syang umangil nang Makita ako. Kita ko Ang dalawang pangil nito. Kahit nanghihina na sya ay may gana pa syang angilan ako. Poor wolf mamatay ka na ngayon. Nginisihan ko Lang sya at kaagad na binaril. Umalingawngaw sa gubat na ito Ang putok ny baril ko.
Nilisan ko na Ang Lugar na iyon. I'm in the middle of the jungle of Ignis. Isa ito sa gubat na kinatatakutang pasukin Ng mga ito. Tirahan ito Ng mga mababangis na hayop. Isa dito Ang mga ligaw na lobo. Rogue Kung tawagin. Mga lobong walang pack. Pumapatay ako Ng mga lobong nananakit nang mga Tao. Pero di ako pumapatay Ng mga inosenteng lobo.
Inaamin ko Isa akong Huntress at tungkulin ko Ang tapusin Ang mga lahi Ng lobo. Pero may naguudyok Sakin na di halat ay patayin ko. Sinabi samin na masasama sila na dapat silang ubusin pero iba ako ayokong pumatay Ng mga lobo na Wala namang ginawa sa mga taong katulad ko.
Bumalik na ako sa mga kasamahan ko. Pagdating ko ay may isang lobo Ang nasa harapan Nila. Dahil sa panghihina ay unti unti itong naging Tao. Namangha Ang mga kasamahan ko nang Makita Ang anyo nito. Isa itong babae,babaeng lobo.
"Buhay pa ba sya?" Tanong ko nang makalapit ako.
"Oo,humihinga pa yata" sagot Ni Jess.
"Sabing tapusin na natin eh" naiinis na Sabi ni Karl.
"Tumigil Kayo" asik ni Coleen.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"Nakita namin sya kanina inaatake ng isang rogue, tinulungan namin sya pero tinamaan sya nang baril Ni Karl" sagot Ni Jess.
"Eh lalapitan ka eh alangan namang pabayaan kitang sakmalin Nyan" Sabi ni Karl.
"Hindi nya ako sasaktan ramdam ko yon" Sabi ni Jess at binuhat Ang babae.
"Isa parin syang lobo Jess,masasama sila pare pareho Lang sila Kaya bitiwan mo Yan" galit na Sabi ni Karl.
"Enough" matigas Kong Sabi.
"Please Era,ipaubaya nyo na sya Sakin pangako walang makakaalam tungkol sa kanya itatago ko sya" Kita ko Ang pagmamakaawa Ni Jess Sakin.
Di ko alam Ang nararamdaman nya o Kung ano Ang balak nya. May pakiramdam akong naintindihan ko sya bakit Kaya? Bumuntong hininga ako at tinanguan sya. Nakatingin sakin Ang iba pa naming mga kasama.
"Salamat" nakangiting Sabi nya at sinakay sa van Ang walang Malay na babae.
"Sigurado ka ba dyan Era?" Tanong Ni Coleen.
"Nararamdaman Kong di sya mapanganib" tipid Kong sagot.
"Tsk nahihibang na Kayo" nailing na Sabi ni Karl at sumakay na Rin sa van.
Naabutan namin sa loob si Jess na ginagamot Ang babae. Ingat na ingat sya na animoy isang babasaging crystal Ang babae. Iba din Ang titig nito sa babae. Maya Maya ay napabuntong hininga sya.
"Era,magpafile ako Ng leave Kaya Kayo munang tatlo Ang sasabak sa mga mission,Ang daming pumapasok sa utak ko naguguluhan ako kailangan Kong magpahinga muna" Sabi ni Jess.
"Kung Yan Ang gusto mo,Kaya mo Yan Alam Kong malalagpasan mo Yan" Sabi ko at umupo sa upuan ko. I'm so tired.
"Isasama mo ba sya?" Napamulat ako dahil sa tanong Ni Coleen.
"Yes walang pwedeng makaalam tungkol sa kanya maliban sating apat hanggang di pa sya gumagaling" seryosong sagot nya.
"Maaasahan ko Naman Kayo diba?" Tanong nya samin.
"Kahit hibang ka susuportahan Kita kaibigan Kita eh" sagot Ni Karl na nasa driver seat.
"Wag Kang mag aalala walang makakaalam" nakangiting Sabi Ni Coleen.
"Sure" Sabi ko at pumikit na hanggang sa nilamon na ako Ng dilim.
ANg lahat ay nagtipon tipon sa loob ng meeting room. Nasa loob Ang mga pinakamagaling na mga Hunter sa kasalukuyang henerasyon. Nakaupo lang ako at nakikinig sa nagsasalita. Kahit nabobored na ako ay pinilit ko paring makinig.
"Ignis Forest is now cleared thanks to the team of Ms. Greyson" nabaling sakin Ang tingin Ng marami.
"May nakarating saking balita na may mga ligaw na namang lobo Ang namataan sa gubat Dew,ayon sa ulat ay mayroong sinalakay ang mga ito isang pamilyang nagpipicnic sa Lugar na ikinamatay ng padre de pamilya"
Napakuyom na Lang ako Ng kamao. Isa na namang mga inosenteng buhay Ang nawala. Nagsinghapan Ang lahat dahil sa narinig. Galit na galit Ang mga Tao dito sa loob.
"Tolentino,Ang grupo mo Ang inaatasan ko sa kasong ito" utos Ng headmaster. Too bad it is not my team.
Nag assign Ang headmaster ng mga grupong magpapatrolya o di kaya ipapadala nya sa mga mission. Naghihintay ako Kung saan nya kami ilalagay.
"Ms. Greyson together with Mr. Hoax Kayo Ang maglelead sa clearing operation sa isang bayan na nasa pagitan ng distrito ng Holland at Neon" napataas ako Ng tingin nang marinig iyon.
"Kaya na Po namin yon sir kahit walang tulong" mayabang na Sabi Ng lalaking kaharap ko.
"Alam ko pero ito Ang decision ko Wala Kang magagawa Doon" pinal na Sabi Ng headmaster na ikinangisi ko.
Huwag Kang mayabang gago at baka bigwasan Kita. Ang grupo Ni Hoax Ang pinakanaiisan ko. Napakayabang at competition talaga Ang tingin nya sa bawat mission. Mortal na kaaway talaga ang tingin nya sa sakin.
Lumabas na Ang lahat mula sa meeting. Pagkalabas ko ay sinalubong kaagad ako ni Hoax.
"Tsk wag Kang pakampante matatalo din Kita at sisiguraduhin Kong ako Ang makakakuha non" galit na Sabi nya sakin at tinalikuran ako.
Ano bang problema nin?Nakakunot Ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Napailing na Lang ako. Baliw na talaga Ang isang iyon. Umalis na din ako at pumasok sa kwarto ko dito sa headquarter.
BINABASA MO ANG
Moonlight:The Awakening of the Pure Blood
FantasyMoonlight is the other world in the other dimension of this world. Human doesn't know anything about that world. They believe that it is just a fiction. But what if they found out that there's another world? Nagkaroon Ng digmaan sa Moonlight world...