"DA KAWAWA IS ME"
Ako: Yuki, namimiss ko na si Ming. Nasaan na ba siya?
Yuki: Ako ba pinagloloko mo ha? Eh araw-araw mo nga nakikita si Ming eh.
Ako: Nasaan nga!
Yuki: Nandoon sa kusina!
Ako: Gabi na nasa kusina pa? Ano ginagawa? Hala baka kainin niya lahat ng mga chocolates ko doon sa ref!
Yuki: Oh sige, kunin mo! ILAGAY MO SA TABI MO LAHAT NG MGA CHOCOLATES MO PARA HINDI NIYA KAININ! LAHAT AH, LAHAT KUNIN MO! ITABI MO SA PAGTULOG MO! ISAKSAK MO PA SA BAGA MO EH.
Ako: -_________________- Kukunin ko talaga!
Yuki: Ilagay mo sa loob ng damit mo para malamigan ka! Lagi ka na lang nag-iinit! Ako ang kinakalabit mo!
Ako: Hindi ah!
Yuki: Oh, sige.. ILAGAY MO SA ILALIM ng kama mo!
Ming: HOY! ANG INGAY NIYO! ANO PO BA YAN HA? anong nangyayari?
Ako: Ming, kung kakain ka ng chocolates... tirhan mo ako ah.
Ming: Hala? Naubos ko na po kuya Ej. ^_____^v"
Yuki: Buti nga :p
Ming: So, ngayon niyo lang po sinabi na tirhan po kita.. may natira pa naman po eh.
Ako: Ok good, good..
Ming: Kaso hindi na chocolates..
Ako: Anong klase?
Ming: Balat ng chocolates ^______________^v"
Ako: Anak ng pus----
Yuki: Sige, subukan mong ituloy! Makakatikim ka sa akin ng sapak de gulat.
Ako: Anak ng puse, puse.. Ano ba yung puse, Yuki? hehehe, di ko alam yun eh..
Ming: Bleeeeeeeeeeh! :p
Ako: Humanda ka lang sa akin bukas..
Yuki: Anong humanda? Si Ming, humanda sa'yo? At bakit, aber? Gusto mo bang ikaw ipanghanda ko?
Ako: Sabi ko, tara na't matulog. :3 Pwede ba akong yumakap? ^_^
Yuki: Hindi! yakapin mo yang unan mo!
Ako: Patanday na lang?
Yuki: Gusto mong ipatong ko yung paa ko sa mukha mo?
Ako: Pakiss na lang? Good Night Kiss..
Yuki: Ej, malapit lang naman ang pader. Halos pagtayo mo nga makakaharap mo na agad eh. Yan pwede kayong maghalikan kahit anong oras.
Ako: Eh gusto ko sa'yoeh.
Yuki: Gusto mo talaga?
Ako: Yiiiiiiiiiiiiieeeee ^_^"
Yuki: Di nga? Gusto mo talaga? :)
Ako: Sige sige...
Yuki: Eh kung palayasin kita sa tabi ko at sa sala ka matulog? -_-