Chapter 10 - Decisions

12 0 0
                                    

"Bakit ka nandito, Winston?" tanong ni Jackie

"May sasabihin ako sa iyo." sabi ni Winston

"Ano?" tanong ni Jackie 

"Jackie, alam ko na ang lahat. Alam ko na, na niloloko lang ako ni Emily. Nabuntis pala siya ng di ko alam. Ibig sabihin may iba siyang lalaki na gusto kaya pala hindi siya nakikipagbati sa akin." sabi ni Winston

"Buti alam mo na Winston ang lahat at iyon lang ba ang intensyon mo dito?" tanong ni Jackie

"Gusto ko na tayong magbalikan bilang magkasintahan. Jackie, narealize ko na dapat hindi ko na dapat ginawa sa iyo iyon. Hindi na dapat ako nagmahal ng iba kasi alam ko ng may mahal pang iba si Emily at napansin ko iyon dahil may anak na siya. Jackie, hinhiling ko sa iyo na magbalikan na tayo?" tanong ni Winston

"Tinatanggap ko ang alok mo Winston na magbalikan tayo.  Matagal na kitang pinatawad sa ginawa mo sa akin." sabi ni Jackie

NAGKABALIKAN NA NGA SINA JACKIE AT WINSTON NGUNIT SI EMILY AY MALUNGKOT ANG NARARAMDAMAN NGAYON.

"Yolanda, tatanggapin ko na ang batang ito kahit hindi bukal sa loob ko na tanggapin ito. Wala naman akong magagawa e. Masama naman kung ipapalaglag ko itong bata. Masama rin kapag pinanganak ko na ito tapos ipapaampon ko lang sa iba. Ipaparamdam ko na lang sa anak ko kahit wala siyang tatay ay ipaparanas ko ang pagiging isang mabuting ina sa kanya." sabi ni Emily

"Maganda ang naging desisyon mo, Emily. Kahit hindi bukal sa loob mo na tanggapin yang bata, tatanggapin  mo pa rin iyan kahit anong mangyari. Saludo ako sa iyo Pinsan kahit masama ang pinanggalingan ng batang iyan." sabi ni Yolanda

"Yolanda, handa ko nang patawarin si Winston ngayon na minahal ko at minahal ako." sabi ni Emily

"Kung ano man ang naging away niyo, tapusin niyo na iyan at humingi ka na ng tawad sa kanya o di kaya tanggapin mo na ang paghingi niya sa iyo ng tawad." sabi ni Yolanda

"Sige pupuntahan ko na siya." sabi ni Emily

LUMABAS NA SI WINSTON AT JACKIE PAPUNTA SA BAHAY NI WINSTON AT PUMUNTA DIN SI EMILY SA BAHAY NI WINSTON. SA PAGPUNTA NI EMILY SA BAHAY NI WINSTON AY NAKITA NIYANG MAGKAAKBAY SI WINSTON AT JACKIE AT SIYA AY NAIYAK. 

Sabihin mo sa akin kailan mali ang pagibig

Kailangan bang masaktan pa ating mga damdamin

Yakapin mo ako oh hagkan mo akong muli

Wag kang bibitiw sabay nating lalakbayin ang langit

Ano ang magiging reaksyon ni Emily sa kanyang nakita? Ano ang mangyayari sa love story ni Winston at Jackie? Malaman pa kaya ni Winston ang katotohanan tungkol sa pagbubuntis ni Emily?

Abangan ang susunod na mangyayari sa Chapter 11 - Live Together


You Are My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon