Simula

8 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***********************************

Simula

First year college na ako bukas. Excited ako na kinakabahan dahil unang pagkakataong walang maghahatid-sundo sa aking papunta sa school at pauwi sa bahay.

"Why are you still awake, nak?" tanong ni Mama na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako nang naglakad siya papunta sa kama at umupo. "Tell me, Nak, what's making you wide awake at this hour?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko. "Nak, bukas na ang start ng klase mo. Do you want to look stress and haggard on your first day?" Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Syempre ayaw ko po, Ma. It's like you're telling me I'll become ugly coz I'm still awake at 12 midnight. May curfew na po pala ang kagandahan ko parang Cinderella lang ang peg?" Natawa si Mommy at napatawa na rin ako. "Ma, can you just drop me to school tomorrow, please? Dati naman po hinahatid-sundo niyo ako diba? Simula Elementary hanggang High School yun na po ang routine natin. Hindi niyo po ba yun mamimiss?" sabi ko sa malambing na tono.

"Nak you know I can't drop you. I wish I could do the usual too kasi alam ko na I'll definitely miss the drive lalo na yung mga kwento mo. Pero hindi na kasi pwede ngayon Nak kasi conflict na. If only Henry is here hindi ka na sana nahihirapan." sabi ni Mama na nagpainis sa akin.

"Ma please stop mentioning that man! We don't need him in our lives. Kung yung pag-iinarte ko ang rason para makasama siya, I'd rather commute." sabi ko sa matigas na boses.

Henry is my dad. Mama married him when she was 19. Kakagraduate niya lang sa college and it was their 4th anniversary nang inalok siya nito na magpakasal. She was not pregnant pero dahil mahal na mahal niya nang sobra si Henry ay pumayag siya to tie the knot.

Nalungkot si Mama sa outburst ko. "I'm sorry, Ma. Ayaw ko lang po na marining yung name niya kaya ganun ang reaksyon ko." hingi ko ng tawad sa kanya.

Siguro kapag ibang tao ang nakarinig ng pangalan ng Dad nila, they would jump for joy. Pero hindi ako sila, hindi ako magagalak o matutuwa rather I wish him gone. I want him out of our lives. He's the only man Mama loved at siya rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Mama. Na until now hoping pa rin si Mama na babalik ang hudas na yon.

"Sige Ma matutulog na po ako at parang ayaw ko po nung sinabi niyo. Gusto ko fresh ang beauty ko bukas." sabi kong nakangiti to lighten the atmosphere at least. Tumayo si Mama at humiga na ako. "Goodnight, nak." sabi niya as she bent to kiss my head and leave.

Kahit anong baliktad ko ng higa ay hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko kung paano ako pupunta sa school bukas. Bagong lipat lang kami rito sa Luzuriaga. Nirelocate kasi si Mama rito dahil kailangan sa trabaho niya. Tinuruan ako ni Mama magcommute nitong mga nagdaan linggo para hindi ako maging ignorante sa bagay na'yan. Nasanay kasi akong hinahatid-sundo ni Mama sa school simula elementary hanggang high school. Iisang paaralan lang naman ang pinapasukan ko at on the way lang din sa office ni Mama. Hindi rin sagabal ang oras kasi parehas ang time in at time out namin, 8am to 5pm. Ngayong college na ako ay iba na ang school na papasukan ko at ibang oras na rin ang time in at time out ko every other day. MW 10am-7pm, TTH 11am-8pm, at Friday 9am-5pm naman.

Bukas... bagong paaralan, bagong kapaligiran, bagong makakasalamuha. Mayroon kaya akong magiging kaibigan?

Umidlip na lamang ako at hinayaang dumaloy ang isipan sa mga pwedeng mangyari bukas habang naghihintay na dalawin ako ng antok. Bahala na ito bukas.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon