This chapter is dedicated to @geckho for supporting this story:) Thankyou! Enjoy reading! :)
_________________BASTE
"What's happening here?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I know it's her. That very familiar voice. Dahan dahan akong lumingon. And there, the woman I have missed. The only reason why I came here. The woman I love.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya ng makita ako. Ako naman parang natuod sa kinatatayuan ko.
"B-Baste" She murmured.
With that I run unto her and hug her tight. Isang linggo. Pero parang taon na. Sobrang namiss ko siya.
"I miss you so much" I said and suddenly tears started rolling down my face.
Matagal kami sa ganong posisyon ng tinawag kami ng dalawa. Kahit na hindi siya gumanti sa yakap ko ay sobrang saya ko parin na makita siya.
Pinahid ko ang mga luha ko bago ako kumalas ng yakap. Napapansin ko, this past few days, nagiging iyakin ako. Pinagpatuloy namin ang almusal.
"Apo, bakit hindi mo ipasyal si Baste? Tutal, unang beses niyang makapunta dito eh" bukas ni Lolo sa usapan saka kumindat sa akin. Napatawa naman tuloy ako. Kaya nakatikim ako ng masamang tingin galing Kay Jaecee.
"Lolo, hindi naman po siya magtatagal dito. Uuwi na nga siya mamaya. Di ba?" Nagbabantang tingin ang ibinigay nito sa akin. Parang isang maling sagot ko lang mananagot ako.
"Ay hindi apo, she'll stay, hanggang fiesta." Nakangiting sagot ni lolo kaya naman ay lumawak ang ngiti ko.
"Bakit?!" Hestirikal na tanong nito.
"Anong bakit? Syempre inimbita namin siya. Sayang naman ang byinahe niya mula Maynila, kung aalis lang din agad. Bakit hindi hanggang fiesta? Tutal malapit na din naman, 2 weeks from now, fiesta na. Para naman maexperience nitong si Baste kung gaano masaya ang fiesta dito sa atin." Si Lola naman ngayon.
Mamaya magpapasalamat ako sa pag back up nila sa akin.
"Salamat po L--"
"Fine! But she will not be staying here" Putol nito sa sasabihin ko.
Grabe, hindi man lang talaga niya ako pinatapos magsalita?
"No apo. She will be staying here. Whether you like it or not. And that's final" Si Lolo ulit.
Syempre kailangan ko magkunwari. Konting drama din Baste.
"Ah Lo, La. Sige na ho, maghahanap nalang ho ako ng pwedeng mastayhan, may mga malalapit naman ho sigurong hotel dito" Sabi ko dito.
"Mabuti pa nga" bulong ng isa na rinig na rinig naman.
"Jaecee! Ganyan ka ba pinalaki ni Jerome? Makukutusan ko talaga yung tatay mo pag nagkataon" Pagalit ni Lola Kay Jaecee.
"Sorry La, pero kas--"
"No buts lady, she will be staying here. May bakanteng kwarto pa naman. Yung katabi ng kwarto mo. Baste, apo, dalhin mo nalang yung gamit mo sa taas ha? Katabi ng kwarto ni Jaejae. Jaejae, samahan mo siya" Utos ni Lolo.
"Opo. Salamat ho Lolo, Lola" Pasasalamat ko.
Napipilitang tumayo si Jaecee. Saka umakyat sa taas. Yes po, may ikalawang palapag po ang bamboo house na 'to. Sinundan ko siya hanggang sa huminto kami sa isang kwarto. Nakabusangot na binuksan niya ito.
"Pasok" Malamig na turan nito.
"Ganyan mo ba ako I'welcome? Hindi mo man lang ba naappreciate ang pagpunta ko dito? Hindi mo man lang ba ako namiss?" Nakangusong tanong ko.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.