Im Stephie Agustine. Simpleng babae, mabait? (sabi nila), mahinhin, mahiyain, at napaka-baba ng tingin sa sarili. Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi ko kayang nag mamataas. Siguro kailangan ko ng taong mag papakita sakin ng tunay na ako. Yung mapapalabas niya lahat ng kawalanghiyaan ko sa katawan.
"Hoy, bakit tahimik ka nanaman. Alam mo kahit minsan lang, makisama ka naman samin. Para madagdagan yang confidence mo." sabi ni Roy, bakla kong kaibigan.
"Ano ka ba, alam mo namang ganito na talaga ako mula nang ipanganak ako diba?" natatawa kong sagot.
"Hay naku besh, bahala kana sa buhay mo."
"Bumalik kana sa upuan mo, nandyan na si maam oh." pananaboy ko sa kanya.
Pag dating ni Mrs. Rose nagsipag balikan na ang lahat sa upuan nila. Kasabay ng pagpasok niya ay ang paglaki ng mga mata ko. Walanghiya naman kasi, kasama niya si Miko. Ang crush ko.
"Ok class, mag mula ngayon dito na mamamalagi sa sectiong ito si Miko." ngumiti lang si Miko samin at tsaka pinaupo siya ni maam sa bakanteng upuan. Ang problema yung katabing upuan ko lang ang natitirang bakante.
Hindi ako lumilingon sa kanya hanggang maaari dahil nahihiya talaga ako. Alam kong hindi niya alam na crush ko siya pero, nakakahiya parin. Natapos ang klase ng hindi ko siya nililingon. Para akong naging estatwa sa isang araw. Pagka-alis ng teacher namin agad akong nag ligpit at dali-daling lumabas sa room. Narinig ko pang tinawag ako ni Troy pero hindi ko na siya nilingon.
"Stephie!!!! Teka lang." sigaw ng isang napaka pamilyar na boses. Bigla akong napahinto dahil don. Marami na akong iniisip na kasalanan na ginawa ko sa kanya ngayong araw. Baka singilin niya ako ng hindi ko manlang alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya. Nag papanic na talaga ako dahil malapit na siyang makalapit sakin.Nagulat nalang ako ng hawakan niya ako bigla kaya mabilis na winaksi ko ang kamay niya. Nanlaki ang mata niya sa naging reaksiyon ko.
"Hala, sorry. Sorry talaga, hindi ko sinasadyang gawin yun. Nagulat lang talaga ako. Pasensiya na talaga." mabilis na pag hingi ko ng tawad at yumuko sahil sa hiya.
"Hahaha, Ayos lang yun. Kanina ko pa nga napapansin na ilap ka sakin." nakangiti niyang saad.
"Basta, pasensiya na talaga. Hindi ko talaga gustong gawin yun."
"Okay na nga yun. Huwag kang mag alala. Tsaka ito nga pala, naiwan mo." sabay bigay niya ng notebook ko na naiwan ko pala sa upuan ko dahil sa kakamadali.
"S-salamat, n-naiwan ko pala" mahinang saad ko. Nakakahiya talaga ang katangahan ko.
"Wala yun, pauwi ka na ba?"
"Auuuhh, o-oo p-pauwi na nga ako."
"Gusto mo ba sama....." pinutol ko na agad ang sasabihin niya."Naku!!! Hindi na kailangan. Nag mamadali narin ako eh. Sige aalis na ako." dali-dali akong tumalikod at mabilis na lumabas sa gate. Naka hinga lang ako ng maluwag ng maka labas na talaga ako sa gate.
"Naku Stephie yang katangahan mo pweding wag dalas-dalasan. Naku kung meron lang contest sa school ng katangahan nanalo kana." mahinang saad ko sa sarili.
"Eh pano naman kasi, sa lahat ng pweding maging bakanting upuan dun pa sa tabi ko. Nakaka-inis lang talaga, ano ba yan! Tapos ikaw naman Stephie may pahiya-hiya ka pang nalalaman hindi niya naman alam na crush mo siya. Haaaayyysssss!! Ano ba kasi tong problema sayo Stephie!!!" mahinang sigaw ko sa sarili ko sabay sabunot sa buhok ko. Eh dahil nga sa tanga ako at kinakausap ko ang sarili ko na parang baliw, pinagtitinginan na pala ako ng mga estudyanting nadadaanan ko. Ayan napag kamalan ka pang baliw. Tumakbo nalang ako papunta sa bahay dahil walking distance lang naman ang layo nito sa school.
BINABASA MO ANG
You're Undeniably Gorgeous (one Shot)
Teen FictionKwento ito ng babaeng mababa ang tingin sa sarili. Lalo na kung ang pag uusapan ay ang taglay na ganda niya. Sa anong paraan kaya mababago ang paningin niya sa kanyang sarili. Tunghayan niyo ang kanyang kwento. Ps: one shot po ito. At ito po ang pi...