Dreams Do Come True [One Shot]

4.2K 98 7
                                    

[One Shot]

Set your goals, make your dreams come true!

Hindi masamang mangarap. Libre lang 'yan, walang bayad. Tandaan mo, minsan na lang may libre sa mundo kaya 'wag mo ng sayangin pa. This is not a story, nor a short one. Let's simply state that this is a slice of a preach and advice from your feeling angelic author.

Sa totoo lang bigla lang ang pagsulat ko nito. I was about to sleep when I suddenly feel like I want to get somewhere, fulfill my dreams right here, right now. Oo alam ko parang baliw lang dahil sino ba naman ang makakatupad ng mga pangarap sa isang iglap lang? Loka loka talaga ako. So what I did was I stood up and look for my pen and stick notes. Isinulat ko doon lahat ng gusto kong gawin sa buhay, lahat ng lugar na gusto kong puntahan, and some inspiring phrases, and then I posted it on my wall. Gusto kong laging nakikita ang papel na puno ng mga pangarap ko. Dahil yata sa kakapanood ko ng fantasy movies ay feeling ko, papel iyon na naglalaman ng aking future life mula sa isang libro ng propesiya. Lol.

After I wrote my dreams on a paper, I opened my laptop and asked google how am I supposed to fulfill all my dreams? Sinagot naman niya ako ng 'sang katerbang quotes.  

I'm not saying that you must dream big. Instead, you should dream high. Kailangan mong mangarap. Hindi habang buhay nand'yan ang mga magulang mo para gabayan ka. Hindi sa bawat araw ay may kaibigan ka na matatakbuhan para tulungan ka. All you need in life is yourself. Sarili mo lang ang makakatulong at maaasahan mo.

HIndi por que mahirap ka, hindi ka na pwedeng mangarap ng mataas. HIndi por que mahina ka, matatakot ka ng umangat. Hindi por que minsan ka ng bumagsak, aayaw ka na. Lahat ng 'yan ay dahilan lamang kung bakit kailangan mong bigyan ng magandang kinabukasan ang sarili mo. Kung mahirap ka, gamitin mo ang mga pangarap mo para guminhawa ka sa buhay. Kung mahina ka, gawin mo itong sandata para lumakas. At kung minsan ka ng bumagsak, maging aral sana sa 'yo iyon at muli kang bumangon at magpatuloy. Tandaan mo, libre lang 'yan forever. Walang expiration date hanggang sa matupad mo sila. Depende na lang kung pinreserve mo sila ng bonggang bongga. Kasalanan mo na yun.

Kagaya ng isang institusyon, have your own Vision, Mission, and Goals. Magkaroon ka ng Vision para sa future mo. Hayaan mo ang sarili mong mag-daydream ng mga bagay na gusto mong mangyari sa buhay hanggang sa makita mo ang sarili mo sa vision na 'yon. Meditate deeply, pray, and ask God. Simulan mo ang pagtupad ng mga pangarap mo sa umpisa. Hindi mo namamalayan, nasa susunod na hakbang ka na at magpapatuloy pa hanggang sa unti unti mo na itong naaabot. Magkaroon ka ng positibong pag-iisip, which will propel you down the road to success. Don't surrender to negative assumptions. Walang imposible sa taong may dedikasyon at tiwala sa sarili. 

Ang pangarap kasi, hindi lang siya basta ideya na bigla mo na lang naisip para maging matagumpay. Isa itong paraan kung saan ginigising tayo sa katotohanan na kaya pa nating mag-evolve. Oo, alam kong parang pokemon lang pero yun yung pinaka purpose nun eh. It awakens our desire to do all that we can to be more than what we are.

Don't just be a dreamer. Be a fighter. H'wag mong hayaang manatiling pangarap lamang ang mga pangarap mo.  Life is too short for us to waste time. Remember that time is gold. Hindi yan nabibili at napapabalik. Ang paniniwala at kagustuhan mo ang siya lamang nag-uugnay sa 'yo sa mga pangarap mo. H'wag mong pangarapin ang buhay mo, mabuhay ka sa mismong pangarap mo. Fighting! God is with you. 

Good night! 'till my next preach, folks.

***

Dreams Do Come True [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon