Coffee Shop

13 0 0
                                    



People say, "we found love when we least expected it." And I believe in that quote. But sometimes, things don't go the way we want it to be.



It was a fine morning, a perfect time to grab some coffee before starting a busy day. I am currently working as a barista at the coffee shop near in my neighbourhood. I have this job since I graduated college two years ago. I love this job just as much as I love coffee. I love the smell of coffee; it makes me calm my nerves.



Every day, napupuno ang coffee shop mostly ng mga estudyante, since malapit lamang ito sa isang sikat na unibersidad. They spent most of their time studying and reviewing here, bukod sa napaka relaxing ang place, best seller pa ang siniserve naming coffee. Ang environment pa ng kinatatayuan ng aming coffeeshop ay di gaanong magulo kaya nakakapagfocus talaga ang mga estudyante sa pag-aaral. Karamihan sa mga guests naming ay law students. Naghahanda sila sa nalalapit na naming bar exams. Kahit malayo pa ang pinanggalingan ay talaga namang dinadayo pa rin.



We served an unlimited brewed coffee na talagang gusting gusto ng mga guest. We also have an Espresso, Americano, Iced Coffees, Frappes, fruit shakes and pastries na talaga naming swak na swak sa panlasa nila. Bukod sa masarap na, affordable pa kaya binabalik balikan pa.



I was currently cleaning nang may dumating na guest at lumapit na sa counter. Huminto muna ako sa aking ginagawa para makuha ang oorderin ng bagong dating.



"Good morning, Sir. Welcome po." Bati ko habang kinukuha ang order slip at pen ko mula sa bulsa ko. Nang inangat ko ang aking paningin ay napatulala ako. Oh my gosh! Artista ba ito? Di ko mapigilang hindi mapatulala sa lalaking kaharap ko. Tinitigan ko siya habang seryoso siyang nakatingin sa menu at namimili. Tisoy ito, chinito, may kakapalan ang kilay, may mapupulang labi, medyo may katangusan ang ilong, di gaanong katangkaran pero sakto lang sa height ko, in short, perfect. Mas nakakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang suot nitong salamin. Napaiwas agad ako ng tingin at nagkunwaring abala nang mag-angat siya ng paningin sa akin.



"ummm, miss. Isang refillable coffee at isang isang slice nitong sansrival," sabi niya habang nakatingin ulit sa menu. I wrote down his orders immediately on my order slip.



"May I have your name, sir?" I asked. I love this part of my job. 'Isama niyo na rin po yung cellphone number niyo.' Dagdag ko sa kaloob looban ko.



"For what?" he asked. 'para alam ko po kung anong pangalan ang ilalagay ko sa marriage contract natin. Charooooot!' Focus, Jemina! I scolded myself.



" For reference, sir."



" Hmmm. . . Michael." I wrote down his name and I looked at him again. Inulit kong muli ang kaniyang order in case lang baka may na missed out ako.



"what's your name?" he asked nang tanungin ko siya kung wala na siyang idadagdag pa. shookt! Is this the start of something new?



" Jemina, sir." Nahihiya kong sagot. Syempre, dalagang Filipina tayo e.



" Drop the sir, you can call me, Michael." Inilahad niya ang kanyang kamay, asking for a hand shake and then he smiled that made my insides turn upside down. Wow, first name basis na kami agad ha. The moment na tinanggap ko ang pakikipagkamay niya ay tila nagliwanag ang buong paligid ko and this may sound very cheesy but I can see hearts everywhere. Everything seems in a slow motion. " You have a nice name," he complimented. Agad ko namanag naramdaman ang pamumula ng aking mga pisngi.



"Thanks." I answered.



" I'll find myself a table first. Sarapan mo ang pagtimpla sa kape ko ha," he said bago niya lisanin ang counter. Paano ko titimplahin pa ito e brewed coffee ang inorder mo? Kung Café Latte o cappuccino ang inorder mo edi sana nagawan ko pa ng art diba. Nilagyan ko pa ng isang malaking heart yun.





Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon