Prologue

4.7K 90 9
                                    

Prologue.

SERYOSO? A-absent ka na naman sa trabaho, Trisha? Pang-ilan mo na ba 'to, ha?!

I chuckled. “Sige na, Honey? Promise, sa susunod, isang linggo akong buong araw na magtatrabaho sa cafe mo. Just let me skip today, please?”

Narinig kong marahas siyang nagbuga ng hangin. “Trish, mabait akong tao, alam mo 'yan. Pero 'wag mo naman sanang abusuhin ang kabaitan ko! Hindi dahil sa kaibigan kita ay hahayaan na kitang gumaniyan. Unfair sa ibang employees!

While she was talking, I peeked my head out of the window. Umaambon na sa labas, anytime soon ay babagsak na ang ulan. I should bring an umbrella.

Nilipat ko sa kaliwang taenga ko ang cellphone para maabot ko ang bag kong nasa kaliwa ko. “Alam mo ba? Nakita ko si Dylan kahapon.”

Natahimik siya sa kabilang linya. Napangisi naman ako. Ang dali niya lang talaga ma-blackmail.

Talaga? Saan? Anong ginagawa niya? Sinong kasama niya? Trisha, tell me this instant!

“I'll tell you if you let me skip work today. Bukas, pagbalik ko diyan, ikukuwento ko sa 'yo, detail by detail. Call?”

She groaned and I could imagine her pouting. “You're blackmailing me!

“I am negotiating,” pagtatama ko. “Ano? Gusto mo ba? O hindi?”

In my imagination, mas lalong humaba ang nguso niya kaya mahina akong natawa.

Fine!” She finally surrendered. “Pero ngayong araw lang, ah? Stick to your words, work 24 hours starting next week at ibalita mo sa akin si Dylan!

“Sure. By, Honey. Love you!” Ako na ang nagbaba ng tawag.

May narinig akong marahang kalabog mula sa kusina kaya mabilis akong lumakad papunta ro'n. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Mama lang pala 'yon. May hinahanap siya sa cabinet ng kusina.

“Kailangan kong magluto ng kare-kare ngayon dahil uuwi na ang papa mo. Paborito ng papa mo ang kare-kare...” she mumbled while rummaging the cabinet, looking for ingredients.

My heart sanked while observing her move around with a smile. Halatang excited na nga siyang magluto ng kare-kare na paborito ni... Papa.

She's been like that  since that day. Kung hindi siya pupuntang kusina para magluto ng kare-kare, aayusin niya naman at paplantsahin nang paulit-ulit ang office uniform ni Papa. Naaawa na ako kay Mama pero hindi ko pa rin siya magawang iwan.

Humugot ako ng malalim na hinga. I forced a smile and walked towards the table. Humawak ako sa upuan habang pinagmamasdan siyang kinikiskis ang steel wool sa kawali.

“Ma, aalis na po ako, ah? Si Aling Ninita na po ang magbabantay sa inyo rito. Mamayang gabi pa ako makakabalik,” paalam ko. Pero mukhang hindi ako narinig ni Mama o sadyang hindi niya lang ako pinansin.

Nang napaharap siya sa direksyon ko dahil nasa tapat ko ang kaniyang plato, napahinto siya sa pagsasalita sa kaniyang sarili at napaangat ng tingin sa akin.

Broken Strings || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon