V1

18 0 0
                                    

LUCINE

Paglabas ko ng campus ay agad akong tumawag ng taxi at saka pumunta sa hilaga kung saan nakatayo ang nag iisang campus ng mga bampira. Ang Heatherford Academy, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pag dating ko doon. Dapat muna bang humanap muna ako matitirhan?

"Manong may malapit na apartment po ba sa Heatherford Academy?" Wika ko napatingin naman sa akin ang driver.

"Iha, mag aaral ka ba sa eskwelahan na iyon? Hindi mo ba narinig ang mga balita sa eskwelahan na iyon?" Wika ng driver bigla tuloy akong nagtaka.

"Pede nyo po bang sabihin sa akin?"

"Iha, wag mong sayangin ang buhay mo. Lahat ba ng kabataan ngayon katulad mo? Lahat ng nakakakita sa Heatheford Academy gustong mag aral doon, pero matapos ang ilang taon walang lumalabas na estudyante miski ang mga nagsi graduate wala. Ang usap usapan ay ang mga kabataang gustong pumasok doon ay kinakain nila." Biglang huminto ang driver. "Ito ang pinaka malapit na apartment sa Heatherford, nakita mo ang daan na yan? Diretsuhin mo yan at makikita mo ang mala mansion na eskwelahan."

Lumabas na ako at saka nag paalam, Heatherford Academy bakit kailangan ko kayong kausapin? Ano ang meron kayo na dapat kong ayusin? Anong kasalanan ang nagawa nyo? Bago ako pumunta sa Heatherford ay humanap muna ako ng apartment na matitirhan ko ng isang araw. Naisip kong maglagay ng contact lense at  saka nag salamin para hindi gaanong ma-expose ang mata ko. Alam kong mag iiba ang kulay nito kapag sumapit na ang birthday ko ang araw na magkakaroon ako ng mga kakayahan na katulad ng sa ina ko.

Kapag nalaman nila na ako ang nasa propesiya alam kong may gagawin sila sa akin. Ang dapat ko munang gawin ay pumasok bilang estudyante sa Heatherford isang babae na walang alam sa mga nangyayari. Habang nag aayos ako ng gamit ay tumunog ang phone ko at rumihistro ang pangalan ng mga magulang ko. Teka kanina pa sila tumatawag? Bakit hindi ko man lang naramdaman? Alam kong sesermunan lang nila ako kaya maganda pang hindi ko muna sagutin ang mga tawag nila.

Lumabas muna ako para maglibot libot at mangalap tungkol sa Heatherford napansin ko ang isang park na medyo malapit sa apartment ko. Pag upo ko sa bench ay agad kong nilabas ang phone ko at saka sinearch sa google kung anong itsura ng Heatherford. Well, as far as I know sa mga kabataan ngayon ay kaibigan na nila si Google. Pag labas ng mga resulta ay naalala ko ang sinabi ng taxi driver, isang magandang mansion na kahit sino ay gugustuhing pumasok.

"Curious about Heatherford?" Wika ng isang babae. "I'm Prof. Li Anwen."

"I'm Lucine Ca- Salceda." Wika ko sorry tita Selene for using your surname. "Did you know Heatherford Academy?"

"Why? Do you want to study there?" Wika ni Prof. Li, kapag sinabi ko na gusto ko sasabihin nya kaya?

"Yes, I just want to know more about that school."

"You're quite interesting. Well, most of the teenager here wants to study in Heatherford. But, Heatherford have a secret so every person who enter and study there are become- oh I'm late bye." Wika nya napatulala naman ako sa kanya buti na lang ay agad kong nahawakan ang kamay nya kaya nasabi ko ang gusto kong sabihin.

"They become vampire, right?"

"Do you really think that those myths are really exist?" Wika nya at saka  tuluyang umalis. Napatingin naman ako sa mga kabataan na abala sa mga kaibigan nila. Do they really make the students a vampire?

They use those teenager to make their population grow, but I'm curious if Prof. Li believes about vampires. Dahil sa nangyari ay bumalik na lang ako sa apartment ko, pag higa ko sa kama ay bigla kong naalala ang marka sa dibdib ko. Napansin ko na hindi ito umiilaw, naisipan kong lumapit sa Heatherford para makita kung ano ang mangyayari sa marka. Gaya ng inaasahan ko, umilaw ito habang papalayo ako sa eskwelahan ay nawawala ang liwanag nito. Bumili ako ng bandage para takpan ito bukas at sa mga susunod kong araw sa Heatherford.




■□■□■□■□■□


Pagsapit ng umaga ay doon ako pumunta sa Heatherford, pagdating ko ay hinarang ako ng isang guard. Tinignan muna nya ako na parang inaalam kung sino ako pagkatapos ay pumunta ito sa pwesto nya at saka kinuha ang telepono. Nagulat ako sa mga narinig ko dahilan para mapatingin ako sa guard at saka sa Heatherford Academy. Isang eskwelahan na gumagamit ng Latin?


"Young Miss, just wait here." Wika nya at saka nya ako binantayan.


"Quid latine loqui non habeat?" (Translated: Why they have to speak in Latin?)  Wika ko napatingin naman sa akin ang guard na tila nagulat ng marinig nya ang sinabi ko.

"Do you understand latin?" Wika nya na ikinatango ko naman, naisip kong magandang dahilan ito para mas lalo akong makapasok.

"Nag aral po ako ng Latin dahil ang balita po sa labas ay ang lengwahe na ginagamit dito ay latin." Wika ko at saka naman tumango ang guard. Pagkatapos ay may dumating na babae, mukha syang bata pero base sa amoy nya isa syang bampira.

"Esne certus illa velit studere hic?" (Translated: Are you sure she wants to study here?) Wika nya napatingin naman sa akin ang guard, nagulat ako ng mag salita ito sa isip nya.

"Tell her." Wika ng isip nya pero hindi ko pinahalata na naririnig ko at nababasa ang nasa isip nya na katulad din nila ako.

"Nos paenitet, Domina mea vere volo ut hie studere." (Translates: Sorry, Madam I really want to study here.) Wika ko dahilan para mapatingin sa akin ang babae na medyo gulat na gulat.

"Quis es?" (Translated: Who are you?) Wika nya sabay lapit sa akin.



"Lucine Salceda nomen meum." (Translated: My name is Lucine Salceda.) Pagpapakilala ko sa kanya.


Matapos kong magpakilala sa kanya ay tinignan nya ako ng mabuti na parang kinikilatis kung sino ako. Nang mapansin na walang kakaiba ay agad nya akong dinala sa headmaster office para isulat ang pangalan ko. Habang naglalakad papunta sa office ay napansin ko ang magandang imahe ng Heatherford. Kung pakakatitigan mo mukha itong kastilyo na nag mukhang mansion sobrang ganda.

The ProphecyWhere stories live. Discover now