V3

2 0 0
                                    

LUCINE

Pagdating ko sa isang malaking puno ay umakyat ako at saka tinanaw ang maliwanag na buwan, hindi ko mapigilan ang hindi umiyak pinunasan ko ang mga mata ko bago nagsalita.

"Ina, kaarawan ko na po bukas at hindi ko kayo kasama."

"Wag kang mag alala magiging masaya ang kaarawan mo bukas. Mag iingat ka lagi mag pahinga ka na." Wika nya at saka ako bumaba ng puno para bumalik sa dorm dumaan ako sa mga nag aaway pag daan ko sa kanila ay biglang bumangga sa akin ang isang babae pagkatapos ay iba ang tingin nya at saka nya ako hinarap sa kaaway nya. Ano ang ibig nyang sabihin?

"Ito ang ilalaban ko kapag natalo ka akin na si Darin kapag natalo ako sayo na si Darin." Wika ng babae ibig sabihin nag aaway lang sila para sa isang lalaki.

"Teka bat ako?" Wika ko bigla namang sumugod ang kaaway nya na nailagan ko naman agad salamat kay Tristan at sa aking magulang ay marunong akong lumaban para protektahan ang sarili ko, nang makahanap ako ng tyempo ay pinakita ko ang kulay ng mga mata ko sa kanya na ikinatakot nya.

"Tanggap ko ng talo ako." Wika nya niyakap naman ako ng babaeng bumangga sa akin.

"Ayiieehh salamat, ako nga pala si Jessica Yao." Pagpapakilala nya. "Ang nakaaway natin ay si Beth Tyler."

"I'm Lucine Salceda." Wika ko. "Sino si Darin at bakit nyo sya pinag aawayan?"

"Ako si Darin Stewart." Wika ng isang lalaki sa likod ko. Nang harapin ko ito ay nakaramdam na naman ako ng malakas na presensya. Galing kaya sa kanya ang presensya sa iyon? "Ako si Prince Darin Stewart Heatherford."

"I'm Lucine Salceda." Wika ko. Tumakbo naman papalapit sa kanya si Jessica at saka kumapit na akala mo linta. Buti na lang at wala dito si Tristan baka sakaling magkaroon pa ako ng kaagaw. "I'm just a commoner. Kaya maaari na po ba akong mauna at para makapagpahinga?"

"Yes Lucine. Thank you." Wika ni Jessica at saka naman na ako umalis.

Habang naglalakad ako palayo sa kanila ay ramdam ko ang titig ni Darin sa likod ko, Stewart? Hill? Ang alam ko ay si Annika lang ang adopted child ni King James, ano naman si Darin? Pag dating ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama at saka pinagmasdan ang kisame dahil hindi maalis sa isip ko sina Darin at Annika. Sa kakaisip ko ay pumipikit pikit na ang mga mata ko kaya umayos na ako ng higa at saka na natulog.




□■□■□■□■□■

Paggising ko kinaumagahan ay agad akong nag ayos para sa una kong klase, sinundo ako ni Annika baka daw kasi hindi ko pa alam ang papunta sa room. Pagdating namin doon ay kanya kanyang upo ang lahat umupo kami ni Annika sa bandang likuran. Habang naghihintay kami sa guro namin ay napansin ko na kasama namin sa room sina Darin, Jessica at Beth. Pansin ko naman ang maamong mukha ni Beth kapag tumitingin sa akin, bakit ba maraming natatakot kapag pinapakita ko ang tunay na kulay ng mga mata ko.

"Let's Start!" Wika ng isang babae na kakapasok lang pag harap nya ay nagulat ako. "Let's first welcome your new classmate. I'm your homeroom teacher I'm Prof. Li Anwen and also I'm the incharge nurse here."

"I'm Lucine Salceda." Wika ko. Pagkatapos ay umupo na ako at saka nakinig na kay Prof. Li

Hindi ko aakalain na dito pala sya nagtatrabaho pero paano sya nakakalabas? Hindi ko naintindihan ang pinag aralan namin ngayong buong umaga dahil sa mga iniisip ko. Paglabas namin ng room ay maraming babae ang nagtitilian na nagtatakbuhan nag uunahan hindi para sa canteen kundi sa bagong dating may bagong pumasok na naman daw sa Heatherford naisipan kong tignan kung sino. Paglapit ko ay napatunganga ako sa nakita ko hindi ko alam kung ano ang reaksyon na gagawin ko, maraming babae ang nakapaikot sa kanya at gaya ng inaasahan unang nakakapit sa kanya si Jessica at Beth. Habang hindi ko naman makita si Darin, unti unting lumalapit sa akin ang lalaki hanggang sa yakapin ako nito hindi ko naman mapigilan ang luha ko.

"Tristan!" Sigaw ko at saka sya niyakap ng mahigpit. "Akala ko hindi na kita makikita."

"Happy Birthday. Sana maging happy ang day mo." Wika nya tumango naman ako at saka sya niyakap ng mahigpit. Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa umeksena si Annika.

"Magkakilala kayo?" Wika ni Annika.

"Yes, this beautiful girl is my girlfriend and soon to be my fiancee." Wika ni Tristan nagulat naman ang nasa paligid namin. "Nang malaman ko na pumasok sya dito ay pumasok narin ako."

Kahit papano ay sumaya ang kaarawan ko nagulat ako ng bigla akong halikan ni Tristan sa harap ng lahat, alam kong namumula na ako kaya isinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib nya. "I also have another surprise." Wika nya sa akin at saka pinabasa ang iniabot nyang letter. Ang nakasulat ay walang may alam kung sino ang itinakda na papatay kay King James. Ang alam lang ng lahat ay may papatay kay King James pero walang may alam kung sino tanging ang marka lang ang palatandaan nila. Ang marka sa dibdib ko, buti na lang ay lagi ko itong tinatakpan at nilalagyan ng kung ano ano para magmukhang wala akong marka.

"Annika! Darin! Pinapatawag kayo ni King James may bisita ang Heatherford mga bisita na hindi inaasahan." Wika ng babaeng sumalubong sa akin kahapon.

Marami paring tao sa gitna ng Heatherford dahil sa open area ito at maluwag. Nakayakap parin ako kay Tristan habang patuloy sa sya sa pagtapik sa likod ko, namiss ko ang amoy at presensya ng lalaking ito.

"Sino kaya yung bisita?" Rinig kong pinag uusapan ng lahat. Hanggang sa pina ayos kami at pinaharap sa stage nakita ko si King James dahilan para manikip ang dibdib ko napahawak naman ako kay Tristan.

Nang makita nya na nakahawak ako sa marka ko ay agad nya akong hinalikan, ang bigat ng dibdib ko ay unti unting nawawala. Napatingin ako sa kanya at saka ko nakita ang isang matamis nyang ngiti.

"I would like to welcome our unexpected guest. King Devin Adrian Grayson and Queen Scarlett Astrid Cabrel." Wika ni King James bigla naman akong napatingin sa dalawang tao na nasa stage.

"Run." Wika ni Tristan. Hinalikan ko ito at saka nagtatakbo paakyat sa stage. Nagulat ang lahat ng makita nila ako ng yakapin ko ang mga magulang ko, hindi ko alam kung bakit pero iyak lang ako ng iyak. Nanaginip ba ako? Sana hindi na ako gumising pa.

"Happy Birthday our little princess." Wika ng aking ama at saka nya ako hinalikan sa noo. Mahigpit ko silang niyakap na parang wala ng bukas. "Next time kung aalis ka mag sabi ka para hindi na namin ginagawa ang ganito."

"Sorry po kung umalis ako." Wika ko. Pagkatapos ay umayos ako at hinarap ang mga estudyante.

"This is Princess Lucine Cabrel our daughter from Cabrel Academy." Wika ng aking ina. Gulat naman ang napansin ko sa mga nakakakilala sa akin, hindi sila makapaniwala na isa pala akong prinsesa mas lalo kayong magugulat kapag nalaman nyo na ako ang itinakda ang nakasaad sa propesiya.

Bababa na sana kami ng stage ng bigla akong nahilo nasalo naman agad ako ni King Devin. Nagtinginan ang dalawa at saka lumapit ang aking ina kay King James may sinabi sya dahilan para tumango ang hari.

"Everyone, masasaksihan nyo ang matagal nyo ng gustong makita ang pagpapakita ni Luna at ang pagkakaroon ng kakaibang lakas ng prinsesa." Wika ni King James.


Napansin ko ang liwanag sa harap ko ang pagiiba ng kulay ng buwan, at ang pag iiba ng mga mata ng magulang ko. Hinawakan nila ang kamay ko at saka lumabas sa aking ama ang mga tinik ng rosas habang liwanag naman ang lumabas sa aking ina. Ang isang braso ko ay lumiliwanag habang ang isa ay nag sisimulang dumugo hindi ko alam ang gagawin ko kaya sumigaw ako ng sumigaw. Hanggang sa unti unting nilalamon ng liwanag ang mga tinik ng rosas na lumalabas sa aking ama.

The ProphecyWhere stories live. Discover now