Diary Entry #3

16 2 1
                                    

June 10, 2004

Isang normal na araw lang sana ulit. Sana nga naging isang normal na araw na lang ito ulit.😒

Yung bida bida kong seatmate, nagdala ng malaking jumbo na lapis. Mahaba ito at mataba. Sa unang tingin nakakainggit ito.

Pero naisip ko ang hirap pala nitong ipangsulat. Mas gusto ko ang lapis ko.

Pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko yung dalang higanteng lapis nung bida bida kong katabi.

Nakakainis dahil nadadali ako nung mga tuwang-tuwa kong kaklase.

Pero dahil mahiyain ako at tahimik hindi ko na lang sila pinapansin. Hindi ko na lang sila pinansin.😑

Tapos bigla na lang natusok ng walang kwentang lapis ang kanang mata ko dahil itinaas ito nung bida bida kong kaklase.

Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!

Lumapit si ma'am tapos nakita na lang niya akong naiyak. Sino ba naman hindi maiiyak sa sakit🤕

Isinusumpa ko yung kaklase kong iyon! Isinusumpa ko talaga siya!

Isinusumpa ko yung kaklase kong iyon! Isinusumpa ko talaga siya!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
D'Ordinaryong Buhay EstudyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon