Sino ang nakaka alam tungkol sa Ang Alamat ng Cute dito?? Sa mga hindi nakaka alam,eto basahin niyo:
Ako: Alam mo ba kung ano yung alamat ng cute??
Ikaw: Hinde eh. Ano??
Ako: Maghanda ka muna ng merienda baka kasi gutumon tayo sa haba ng ikukwento ko sayo eh.
Ikaw: Ahh,ganun bah?? Cge,sandali lang.
Lumakad ka para kumuha ng merienda at maya-maya eh bumalik ka na na may dalang sangkatutak na mga pagkain.
Ikaw: Oh,eto na. Maari mo ng simulan.
Kumuha muna ako ng pagkain at kumain, uminom na rin ako ng pepsi para hindi matuyo ang aking lalamunan.
Ako: Maari na ba akong magsimula?
Ikaw: Kanina pa.
Ako: Nagsimula Ang Alamat ng Cute ng isang araw,ipinanganak ka at doon nagtatapos ang kwento natin tungkol sa Alamat ng Cute.
Ikaw: Naks!! hihihi. Short but Sweet!! Pinakuha mo pa ako ng snacks ah.
Kinilig ka pa talaga ah. Tumayo muna ako bago nagsalita.
Ako: Tuwang-tuwa ka naman?! Tandaan ang alamat ay isang kathang-isip lamang o malayo sa katotohanan.
Ikaw: Walangggg Hiyaaaa kaa!!
Pinagbabato mo ako ng mga pagkain na dinala mo kanina mabuti nlang at nagsanay ako ng mabuti sa pagsasalo kaya nasasalo ko lahat ng mga tinapon mo at alam ko na ganyan rin magiging reaction mo tulad ng iba kaya tumayo na ako para anumang oras eh makakatakbo na ako palayo sayo. hahahaha!!
Ako: Maraming salamat sa pakikinig sa aking kwento at salamat rin sa mga pagkain!! Paalam!! Hanggang sa susunod! Sa uulitin!!
At tuluyan na akong tumakbo palayo sayo.
Oh ngayon,alam nyo na bah??
At ito,payong kapatid lang. Kung inaakala mong sa dinami dami ng kahulugan ng salitang CUTE eh sa salamin mo lang pala makikita ang tunay na kahulugan nito. Ay naku! Isang napakalaking pagkakamali! Dahil makikita mo lamang ang tunay na kahulugan nito pag ako ang kaharap mo! =D

BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Cute {one shot}
HumorAlam mo ba Ang Alamat ng Cute?? Kung hindi pa, eh ano pang hinihintay mo i click mo na yung start reading ng sa ganun malaman mo naman. At sa mga nakaka alam na,naku basahin nyo ito baka mali yung una nyong nabasa.