Ang unang Pagtapak

13 0 0
                                    

As Viella took a step on a extravagant façade, she extremely gasped and it appears to her lovely face the happiness she felt that time. Di niya inakalang mapapanalunan niya ang bonggang palaro ng kanyang amo sa tinatrabahuan niya kompanya. Di makapaniwalang sa wakas ay makakakuha siya ng gano'ng premyo.

Viella Montejoreda, isang baguhang employada bilang call center agent. Masyado pang sariwa sa isip niya kung pa'no niya nilisan ang pamilya upang magtrabaho sa lungsod. Hindi man payag ang mga magulang niyang makikipagsapalaran siya sa siyudad, kung saan di niya kabisado ang pasikot-sikot nito, walang nagawa ang mga ito kundi payagan siya bumiyahe paroon. Katwiran niya'y, "Para din naman sa inyo 'to, 'nay, 'tay."

The Receptionist welcomed her with a warm smile, and she smiled back.
"Hi, I'm Viella Montejoreda. Ako pala yung winner sa promo ng Sentimiento Operating Company," she smiled widely as she show her the cheque to the receptionist.
"Oh hello, Miss Montejoreda. We're glad that your company chose us to be part of your partnership in your company. Have great sleep and please enjoy your winning day!" At tumalikod sa kanya ang receptionist saglit at mabilis na dinampot ang malapit na telepono nito.

Biglang may malakas na hangin ang dumampi sa batok niya at pinanlamigan siya hanggang sa kaibuturan niya. Something odd has happened to her. She grabbed her cellphone and took shots in every corners of the hotel. Nakailang shots siya nang  biglang may nahagip ng kanyang paningin. Isang misteryosong bulto sa gilid sa may madilim na pasilyo.

Napakurap siya ng dalawang beses at ibinaling niya ang kanyang mata sa pasilyong yun. Ngunit pagtingin niyang muli ay wala na ito.

All she felt that time was odd and eerie but she won't miss that opportunity to find what's behind in that corridor. She took a few step going in that direction but suddenly someone grabs her hand.
"Bawal po dyan, Miss," ani ng isang binata na animo'y empleyado ng hotel na yun.
"Masyadong restricted ang pasilyong 'yan, Miss. Kung ako sa inyo, 'wag ka ng bumalak na pumunta dyan."

She came up with a thought of rebellion. Tutal, 1 week yung pagstay niya sa hotel na 'yun, gagamitin niya ang mga araw para tuklasin ang misteryosong pasilyong iyon.

She quickly gave an odd smile to the guy.

"Ah, ganun ba?" ani niya.

And before she took a step right back to where she up to, she took one glance in that gloomy corridor and it sends chill to her system as she stares longly.

Kinuha nung lalaki ang bagahe niya at sinundan niya ito patungo sa elevator papuntang suite niya.

"Miss, next time wag na wag mong pupuntahan ang lugar na 'yun. Please lang." Biglang sabi nung lalaki sa kanya.

"Ha? Bakit? Ano bang meron dun?" Inosenteng tanong niya.

"Basta. Matagal ng inabandona ang bahaging yun ng hotel." Sagot nitong nakakapagdagdag ng kuryusidad sa sistema niya.

Tumango nalang siya at paglipss ng ilang mahabang minuto, bumukas na ang pinto ng elevator. Hinatid siya ng lalaki sa kanyang suite.

Room 435.

Biglang napatanga ang lalaki at napatingin sa kanya na nanlalaki nitong mga mata. Mabilis siya nitong iniwan pagkatapos nitong inilipag sa sahig ang dala niyang bagahe.

Nilingon siyang saglit ng lalaki at iminutawi ang salitang ikinabahala niya.

"Mag-ingat ka." Ani nitong nagbibigay ng tindig-balahibo sa katawan niya.

Binuksan niya ang kanyang loob at tumambad sa kanya ang kwartong malamig. At isinara niya ang pinto kaagad.

Inihiga niya ang kanyang sarili sa malambot nitong kutson.

At napahimbing siya ng tulog. Dala ng pagod.
At kuryusidad.

Durian HotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon