"Walang hiya ka!"
"Lumapit ka."
"Ayoko! Umalis ka!" Paiyak na sabi ng babae.
Biglang sumugod ang lalaki patungo sa direksyon ng kinatatayuan ng babae.
"H'wag kang lumapit sa'king hayop ka!" Tili nitong matinis kaya napatakip ng tenga ang lalaki dahilan upang madagdagan ang iritasyon nito para sa babae.Subalit parang baliw lang itong ngumisi sa kanya at sinugod siya nito dala ang makintab nitong patalim at sinaksak.
"Ahhhhhhhhhhhh!!!"
Naalimpungatan si Viella sa masamang panaginip. Napatingin siya sa mismong orasan.
3:33 A.M.
Bumilis ang tibok ng puso at hingal na hingal na binangon ang sarili pabalikwas sa kama. Umalis siya at tumungo sa kusina upang uminom ng tubig.
Biglang naisip niya kung ano ba ang kahulugan ng panaginip niyang iyon.
Natatakot na 'ko. Unang araw ko pa nga lang dito. Ani ng isip niya.
Ibinalik niya ang kanyang sarili sa kama at itinuloy ang nabitin nitong tulog.
------------------------------------------------
Tanghali na nang bumangon si Viella at bigla niyang naulinigan ang paulit-ulit na ingay ng doorbell.
"Ma'am! Room service po!" Anang lalaki sa labas.
"Hala! Anong oras na ba?!" Gulat siyang napatingin sa bedside table at tinitigan ang orasang nandoon.
10:58 A.M.
Mabilis siyang napabalikwas ng bangon at tinungo ang pintuan. Wala sa sariling binuksan ang pinto na hindi man lang nakapag-ayos.
"Late morning, Ma'am. Pasensiya na po sa pagdisturbo sa mahimbing nyong tulog pero kailangan ko po talagang ihatid 'to sa inyo." Ngumiti ito sa kanya habang inaabot niya ang binigay nitong pagkain sa tray.
Sunny-side-up egg.
Orange juice.
Fried rice.
Bacon and hotdog.Naglalaway na siyang napatingin sa pagkain. Kung bakit kase di siya kumain kagabi bago umusad sa hotel na 'to. Excited kasi.
"Thank you po!"
"Danville." Abot nitong kamay sa kanya.
"Viella, nice to meet you." Sabay abot niya sa kamay nitl at nginitian niya ito ng matamis.
"Um, Viella, wala ka bang naramdamang kakaiba sa kwartong ito?" Tunog sa bawat binitiwang salita nito ang takot.
"May napanaginipan ako kaninang madaling araw. Mga bandang 3 A.M. Di ko nga lang matandaan yung ibang nangyari." Ani niya.
At bigla siyang pinanlamigan na nagbigay sa kanya ng tindig-balahibo habang inaalala ang mga napanaginipan niya kaninang madaling araw.
"Kumain ka na muna, Viella, baka lumamig na naman yang pagkain mo. Ininit ko pa yan kanina." Sabi nito sa kanya.
"Ay, salamat, Danville." Sagot niya.
"Mag-ingat ka palagi, Viella." Natunugan niya ang pag-alala sa boses nito.
Napakunot ang noo sa alaalang kagabi pa siya nito sinabihan ng katagang nagbigay sa kanya ng katanungan sa paligid niya.
Tumalikod na ito sa kanya at kaagad niyang sinara ang kanyang pinto. Tinungo niya ang kusina at nilapag ang food tray sa lamesita.
Bigla siyang kinabahan nang napagawi ang tingin niya sa nakaawang na pinto ng kanyang kwarto. Takot niyang tinitigan ang madilim nitong karimlan.
Dahan-dahan niyang tinungo ang kwartong iyon at nilapit ang sarili sa kababalaghang nangyari sa kwarto.
Bumalot sa pagkatao niya ang takot at kaba nang makita niyang may bakas ng dugo ang doorknob ng pintuang iyon. Kinilabutan siya sa kanyang nakita.
At nandilim bigla ang kanyang paningin.
BINABASA MO ANG
Durian Hotel
Mystery / ThrillerA short story. Meet Viella Montejoreda. Salubungin siya ng malamultong palakpak!