So ayon nga ano! Palagi naman sa 1st day nagsisimula ang mga chapters bat di tayo makiuso!
Cay's POV
Ayon na nga 1st day of skol namen at grade 9 na ako. Itago nyo nalang ako sa pangalan na Cay charot. My name is Cay Dano single and ready to mingle. Nag-aaral sa isang Institute at private, mahal tuition may aircon HAHAAHA.Ngayong grade 9 lang nagka-aircon kasi sobrong inet. Pero ang totoo eh kaya lang naman nag-aircon eh dahil ang dami ng lumilipat ng school na galing samin bukod kasi sa mainit di pa magaling ang mga nagtuturo, dahil mga dalaga at binata bago palang. Pero bawi naman sa mga itsura.
Nandito pa ako ngayon sa amin hindi pa ako nakakapasok. 6:30 na pero ako'y nakatanga pa. 7:00 ang time namin pero hindi pa ako nakakaligo. Nakakatamad kasi hehe papasok na naman, sabi kasi nila grade 9 daw ang pinakamahirap sa lahat.
"maligo kana tanghali na unang araw ng pasukan late ka!"
Kuya ko pala yon umagang umaga nagbubunganga parang bading. Hayyssssssss makaligo na nga.
Pagtapos kong maligo syempre nagbibis na ako. Naglagay ako ng polbo at liptint yung tama lang. Baka kasi may newbie na wafu beke leng nemen hehe."Anong pang inaantay mo dyan pasko?" sigaw ng kuya ko.
Pota! meron ata si kuya eh
"Bagong taon "
Agad ako nitong nilingon at sinamaan ng tingin.
Pumara na ako ng trycicle at habang nasa daan eh nag iisip na ako at kinakabahan kase baka mapapunta ako sa section kung saan matatalino ang mga tao. Nung grade 7 kami ay akala namin pagtungtong namin ng grade 8 ay kami padin yung magkakaklase pero akala nga lang diba so may posiblidad na hindi uli kami yung magkakaklase at sa kasamaang palad napahiwalay kaming tatlo pero okay lang na kasi kasama ko yung mga tropa kong dimunyu. Ngayon grade 9 kinakabahan na ako kase gaya nga ng sinabi ko baka mapapunta ako sa matatalino ayoko kasi dun puro nalang pataasan ng grades nakakapressure gusto ko chill lang hahaha charot. And FYI matalino ako di lang halata.
Nakarating na ako sa school at nakita ko na ang mga tropa kong mga dimunyu
"Cayy! imeshyou" sabi ni Au Cell Yah
"Imessyoutoo dyabloid" dyabloid means demunyu at mongoloid yung ang minsang tawagan namin
"Luh luh luh plastikan" yan naman si Colli Bao babae yan muka lang lalaki sa personal hahaha. Ang pinakaclose ko at ang pinakamamahal ko. Ganyan kami magmahalan diretsuhan walang kinikilingan serbisyong totoo lamang, walang halong plastikan, at sobrang natural walang halong kemikal.
"Hahaha dimunyu ka!" sagot ko
"Kay section 1 ka, ikaw lang napahiwalay" yan naman si Jay Gas lalaki at medyo may pagkababae. Alam naman namin na pusong babae sya kaso di pa umaamin pinapabayaan na namin at hinihintay namin yung time kung kelan sya maglalantad
"Ehh? dinga?" gulat at kinakabahang tanong ko. Ayoko talaga dun kasi bukod sa ayokong mapahiwalay sa mga kaibigan ko eh ayoko din dun.
"Oo nga!" natatawang sabi ni Cell
at dun nako nagduda dahil may kasamang evil laugh alam kong pagnapalipat ako hindi nila kaya. Alam kong mahal na mahal ako ng mga yan HAHAHA
"Ulol tai tai"sabi ko imposible din naman kasi akong mapapunta dun kasi di ako ganun katalino. Pero matalino ako HAHAHA
"HAHAHAHA sabi kasi ni Colli lokohin ka daw na napalipat ka "-Cell
"Dimunyu ka talaga Colli"-Ako
"Ulol HAHAHA"-Colli
"HAHAHAHAHHAHAHA"-Cell and Jay
YOU ARE READING
HaYsKoL lAyP
Teen FictionAng storyang ito ay rated SPG patnubay at gabay ng magulang ang kailangan ........ CHAROT Ang storyang ito ay ang mga storya ng mga dimunyung magkakaibigan sa kanilang hayskol layp. Kung saan hindi lumilipas ang araw na hindi sila nakakagawa ng kaba...