Nandito na kami ngayon sa school nagse-set up na para sa exhibit namin mamaya! Haaay! 5:00 pa lang ng madaling araw kami andito, puyat ne nemen!
Ang theme ng exhibit namin ay Hearts Day, ewan ko ba sa teacher namin ang tagal pa naman ng Valentines yan na agad ang theme. Pero ang mas makaka-attract ay ang Photo Booth namin at ang Free Picture with Your Crush!! Oh diba, bongga! Ako nag-isip nyan!
"Malapit na mag start handa na ba tayo Section 1?!" sigaw ko sa mga kaklase ko at oo section 1 kami x)
"Opo ma'am Eunice, nabigay mo po ba yung invitation kay sir Ian?" asar sakin ng bestfriend kong si Azi, at ang bruha tumataas-taas pa ang kilay! Si Ian kasi ay ang taong kinamumuhian ko... sa kabaligtaran haha kras lang naman eh chos! M.U. daw kami sabi nila pero hindi muna ako aasa mahirap na xD
"Oo at sisiguraduhin kong kami ang unang magpapapicture sa photo booth!" sabi ko sa kanya.
*FAST FORWARD*
Malapit na matapos ang exhibit at hindi pa rin dumadating si Ian! Halos lahat ng kaklase ko may picture kasama ng kanilang mga kalandian ay este crush pala :( hanggang ngayon may mga nakapila pa na mga lovers. Me so inggit na x_x
Nagliligpit na kami ng sumigaw ang kaklase ko "Eunice! Si Ian mo hinahanap ka!" bigla naman akong naging hyper ng marinig ko yun!!!
"Ah eh papuntahin mo dito." sabi ko. Naririnig ko na papunta na sa akin si Ian!! Heart kalma please!
"Hi Eunice, sorry ngayon lang ako dumating." sabi nya at naknampucha naman nakakatunaw yung titig oh! "Is this a photo booth? Tara picture tayo." sabi niya sabay hila sa akin sa photo booth.
"Ah eh wag na nagliligpit naman na kasi kami eh." sabi ko. Syempre pakipot perst ;)
"Yung may pakana ng 'Free Picture with Your Crush' hindi magpapapicture with her someone special?? Hindi tayo papayag diba? Tsaka sabi mo sakin kanina kayo yung una pupunta sa photo booth dibuh?! Ok lang yan! Save the best for last!" sigaw ni Azi, ke daldal talaga kahit kelan, sa huli nagpapicture talaga kami 4 shots lang naman eh...
Una........Casual lang.
Pangalawa......... Inakbayan nya ako.
Tatlo...........Wacky :P
Apat........ binulungan nya ako ng I love you sabay kiss sa cheeks. <3
