nakakatuwang isipin na may taong dati di mo kilala..pero ngayong parte na siya ng buhay mo, ang laki ng pagbabago na dinala niya sa buhay mo..
dumarating ang mga panahon na magkalayo man kayo, bumabalik at bumabalik parin sa isip mo ang mga pagkakataon na nagkausap kayo, nagkasama, o kaya nagkabiruan, at gaano man kalungkot ang araw mo, napapasaya ka ng mga alaalang yon..
at naramdaman mo ang ibang ligaya na sa kanya mo lang nahanap..kaso, kahit pagbalibaligtarin man ang mundo, ikaw si kaibigan para sa kanya..
ang weird don, masaya ka na, kasi kahit papaano, may puwang ka sa puso niya, kahit kaibigan lang..
para sa lahat ng mga inlove sa mga kaibigan nila pero hanggang doon lang ang tingin sa kanila..
sa lahat ng mga hindi napapansin ang pagmamahal..
sa lahat ng paulit-ulit na nasasaktan pero nagmamahal parin..
maraming taon man ang lumipas, maraming heartaches man ang pagdadaanan..sa huli..
mahahanap mo parin ang taong magmamahal sayo ng lubusan :)
BINABASA MO ANG
both of us
Teen Fictionsino ang makakapagsabi na ang magulong pagkakaibigan nila ni Andrew ang magdudulot para mainlove si Christina? paano kung kaibigan lang talaga ang turing sa kanya? sasaya pa kaya ang lovelife niya?