UNSPOKEN WORD - 1

3 2 0
                                    

By: Girly_A

Title: 'Di ko alam kung bakit ako nahulog sayo. Kaklaseng aking hinangaan'

Ilang buwan kong itinago sayo.
Kaklase mo ako pero para sayo kaklase mo lang ako.
Kaklase mo ako na gusto kitang tulungan sa mga pinapagawa sayo para di ka na mahirapan
Dahil sa totoo lang kapag ikaw pinapagalitan at di nakakasagot sa mga katanungan
Ayaw kong tumingin sayo kasi ako rin ang nasasaktan.
Pero para sayo kaklase mo lang ako.

Di ako makalapit sayo kahit di ko pa nasasabi sa kanila na 'Siya ang crush ko'
Sabay tapik sa balikat ng kaibigan ko at sabay sabi na 'Wag kang maingay'
Ilang araw na ang nakalipas pero alam mo na pala
Pero ba't ganun wala kang paki alam at parang ikaw pa ang umiiwas sa ating dalawa.
Nandidiri ka ba? O sadyang ayaw mo lang ako talaga
Di ko naman hiniling na maging tayo at sapat na ang kaibigan lang
Dahil sa una palang kaklase mo lang ako at nagustuhan lang kita.

Nakita kitang kasama mo ay iba 'Nagkabalikan na pala kayo? Congrats ah'
Wala akong magawa. Pwedeng mag selos pero naalala ko 'Ano bang lebel nating dalawa?' di rin tayo magkaibigan at kaklase lang talaga.
Kapag nagkakasalubong tayo di ko na maitago na hindi lang kita kaklase at gusto na kita.
Ayaw kong tumingin sa mga mata mo na nang-aakit na pilit kang pinapahulog kaya pipikit nalang para di mahulog.
Masakit ang bumagsak ng hindi nasasalo. Pero mas masakit bumagsak ang grado na wala sayong sasalo.
Kaya napagtanto ko kaklase nalang ulit tayo. Wag ng hangaan mahirap ang may iniiwasan mas lalo na kung nasa iisang lugar lang ang ating tinatagpuan.

Di ko alam kung bakit ako nahulog sayo. Kaklaseng aking hinangaan.

AUTHOR'S NOTE:

Don't forget to Click the Vote Mga Ate's at Kuya's. Thank you!

UNSPOKEN WORDWhere stories live. Discover now