4: Condolence

227 11 14
                                    

The Unknown-Chapter 4

"Someone is a killer.. but who?"

---------

Tahimik ang buong Class D. Hindi nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman sa pagkawala ng kanilang isang kaklase. Lungkot? Takot? Siguro pareho. Lungkot dahil namatay ang kanilang kaklase. Takot dahil may mamamatay tao na nakapaligid lang sa kanila.

Hindi nagturo ang kanilang guro upang bigyang respeto ang pagpanaw ng kanyang estudyante. Pinagdasal nila ang kaluluwa nito at hiniling na kung sino man ang gumawa nito sa kanya ay sana makonsensya.

Teka, konsensya? Uso pa ba 'yon? Marahil ay hindi. Isang inosenteng bata ang pinatay.

Walang nakakaalam sa dahilan ng killer.

Wala.

Habang nakatulala si Amber nakita na naman niya si Raybem na nakatingin sa kanya. Bakit niya ba ito laging nakikita? May gusto ba ito sa kanya? Kinawayan niya si Raybem at kumaway din ito sa kanya. Gumaan ang kanyang pakiramdam dahil napatunayan niya na hindi galit sa kanya ang matalik na kaibigan noon.

Break time na nila ngunit walang lumabas sa estudyante ng Class D. Ayaw nilang mamatay pa at ang nangyari kay Kclyn ay nagdala ng trauma sa kanila.

Tumayo sa harapan ang kanilang presidente na si Phoebe. "Now, class D. Ano ang gagawin natin para makatulong sa paglutas ng kaso ni Kclyn?"

Napatayo si Autumn Seera, ang babaeng maraming haters at isa rin siyang bookworm. Hindi niya makayanan ang pagmamagaling ni Phoebe. Hindi porket presidente ito ay magmamagaling na ito sa kanila. That's a no, no.

"Phoebe, you know what? Sa pulis na lang natin ipalutas yang pagpatay na 'yan besides hindi ka naman ganun katalino para lutasin 'yan." parang biglang kumulo ang dugo ni Phoebe sa sinabi ni Autumn. Hindi na nakapagtataka at marami siyang haters. Napaka-pranka niya.

"What--" hindi naipagpatuloy ni Phoebe ang kanyang sasabihin dahil biglang sumabat si Ai Lee.

"Autumn is right. It's not our job to find who's the killer. And besides if you want to solve this then do it on your own." walang ano-ano ay lumabas na si Ai Lee ng classroom. Bakit pa kasi nila kailangan kilalanin ang killer? Yeah, she's Kclyn's friend pero ano ang magagawa niya kung patay na ito? Wala naman na siyang magagawa upang buhayin pa ito.

Naging awkward ang atmosphere sa loob ng classroom. Mula sa pagkakaroon ng sagutan ngayon naman natahimik silang lahat. Iniisip nila ang dahilan ni Ai Lee at bakit ganun siya umasta. Alam ng lahat na kaibigan niya si Kclyn pero bakit tila wala siyang pakielam sa pagkamatay nito? Hindi kaya...

"Bakit kaya ganun si Ai Lee?" tanong ng isa nilang kaklase na si Keith Casper, the nerd guy of Class D. Wala siyang natanggap na sagot mula sa mga kaklase niya dahil pare-pareho silang may iniisip. Nagkibit-balikat siya at aakmang tatayo sana nang mapalingon siya sa pwesto ni Amber.

"S-sinong kinakawayan ni Amber?" tanong niya sa sarili niya. Nakita niya si Amber na nakatingin sa baba at may kinakawayan. Hindi naman siguro si Bianca yun diba? Wala siya dito.

Napasinghap ang buong class D nang biglang tumayo si Zee Santiago, bad boy of class D, at sinipa si Keith. Lagi niya kasi itong binubully. You know, bad boy at isang nerd. Perfect combination for the word 'Bully'.

"Bwisit! Ano ba ang pinagdadrama niyo diyan?! Tangna. Kumain na nga tayo!" hinila niya yung kwelyo ni Keith at tinignan ito ng masama. "Akin na." kinakabahang tumango si Keith at binigay yung baon niyang pera. Wala siyang magawa para ipagtanggol ang sarili dahil isa lamang siyang nerd. Wala din namang pake sa kanya ang iba niyang kaklase dahil sila ay mga 'heartless'.

The Unknown [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon