Prologue

7 0 0
                                    

Sa isang bahay, mayroong isang bagong panganak na reyna ng Light & Dark District.

"Imposible walang marka ang batang iyan!", sabi ng doktor, "Papaanong walang marka ang aming anak?! Isa siya sa atin, sa amin. Imposible iyang sinasabi mo doktor!", sabi ng asawa ng reyna.

Sa kabilang distrito -Earth District. Sa bahay ng pinuno nito, ang mga mata ng hari ay biglaang umilaw at sinabi ang mga katagang ito: "Isang di pangkaraniwang prinsesa ng kaharian ang tatapos sa galit ng isang hari. Dalawang elementong kaniyang taglay. Dalawang dugo ng pinakamakapangyarihang pamilya. At ang pangalan niya ay-", biglaang hindi natapos ng hari ang kaniyang mga sinasabi ng bigla siyang manghina.Kalaunan ay bigla siyang pinuntahan ng panganay na anak nito dala-dala ang kaniyang isang taong gulang na nakakabatang kapatid,"Papa! mayroon ka bang panibagong pangitain?", tanong ng kaniyang anak,"Oo. Pumunta kayo sa Light and Dark District at sabihin mo sa reyna na ang ipangalan sa kaniyang anak ay Selena Therese Abigail", pagkatapos ng kaniyang pagksabi ay bigla na lamang umilaw ang trono ng kaniyang ama. Naluha ang kaniyang anak dahil iisa lamang ang ibig-sabihin nito, sumakabilang buhay na ang kanilang ama.

Sinunod na lamang ng kaniyang anak ang sinabi ng kaniyang ama at pumunta sa kabilang distrito.

Pagkaraan ng ilang araw ay nakarating na sila sa mismong bahay ng pinuno ng distritong ito.
"Maligayang pagdating Joseph! mayroon ka bang kailangang sabihin?", nakangiting tanong ng reyna,"Opo tita. Sabi po ni papa ang dapat na ipangalan niyo daw sa inyong anak ay Selena Therese Abigail. Ito po ay naayon sa huling pangitain niya", tugon ni Joseph ,"Ah! tungkol nga pala sa iyong ama, kamusta na siya?", tanong naman ng hari. Nagulat sila ng biglang napaluha ang binata ,"Su-sumakabilang bu-buhay n-na po si p-papa ang k-kanyang hu-huling pangitain niya ay n-nakakasiguradong m-malakas a-at h-hindi niya na po na-nakayanan", tugon muli ng pilit hindi umiyak na binata. Malungkot man ang mag-asawa ay di parin maalis sa kanila ang kanilang pag-aalala sa magkapatid kaya sila'y nagtanong muli, "Nasaan ang iyong kapatid?",tanong ng reyna,"Nasa karwahe po pinapabantay ko po muna sa aming mga taga-bantay", sagot niya ,"Dahil bata pa ang iyong kapatid, na siyang sunod na pinuno ng inyong distrito mas mabuti sigurong ikaw na muna ang pansamantalang pinuno ng inyong distrito at kapag umabot na siya ng labing walong taong gulang ay dapat ipapaubaya mo na sakaniya kung ano talaga ang nararapat sa kaniya", ngumiti naman ang binata sa magasawa at yumuko ,"Maasahan niyo pong paglilingkuran ko ang aming distrito hanggang ang aking kapatid ay maaari nang mamuno", tugon ng binata ,"Dito mo na rin patirahin muna ang iyong kapatid upang hindi gaanong mahahati ang iyong oras", sabi ng hari at tumago at yumuko na rin ang binata at lumisan muna upang kunin ang kaniyang kapatid sa karwahe at ang mga gamit nito at libro na maari nito maging gabay habang inaaral ang kailangan niyang matutunan sa kaniyang kapangyarihan.

*4 years past*

Naging matalik na magkaibigan sila Blake at Selena ngunit dahil sa panganib na maaring sila'y mapanganib ay pinaampon muna si Blake sa isang mayamang mag-asawa habang si Selena naman ay isinama muna sa kaniyang tita na naninirahan sa kabilang mundo....

At dito na magsisimula ang mga pagsubok na kailangan nilang harapin...


A/N:

SOOOO ayun may bagong storya at mabagal ang ud! makakapag ud lang ako kapag may ideas but no worries my dear readers I'll try my best na hindi aabutin ng buwan ang ud ko hindi katulad sa 'The Heir' and meron pa akong isang ginagawa still on-going 'My dear future love' at 'too innocent to be evil' tapos 'Academia de Mito' tapos ko na po sa notebook isulat yun at itatype ko nalang po yun dito and meron na rin po akong tinatype sa tablet na 'Academia de Mito 2" not gonna spoil pero yung 4 na anak na nila at yung 4 na gifted. So ayun I hope you'll understand kung matagal ang ud dahil narin po reader ako at nagbabasa ng mga stories. Hope you all enjoy the Prologue TAKE NOTE: Sa prologue lang po ang tagalog the rest of the chapters ay taglish at conyo at hinaluan ko ng mga kalokohan na gusto kong gawin in real except walang jowa so di magiging real TT___TT CHOS! MASAYA MAGING SINGLE TAMA O HINDI?!

Love YOU MAH READERS!!! <3

Guardians of AfigliaWhere stories live. Discover now