000 km

2K 78 10
                                    

"No one's watching us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"No one's watching us. Don't give a fuck. Wheels on the bus."

SEUNGCHEOL LET OUT A SIGH. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding ng apartment niya pagkalabas niya ng banyo. Mukhang napaaga nga ang pag-aayos niya ngayon. Kung tutuusin, dapat natutulog pa siya dahil maaga pa para dumating ang school bus. Anyway, it's the first day of his senior year. How's this for a little change?

"Change mo mukha mo, Seungcheol," natatawang sabi niya sa sarili niya habang inaayos ang buhok niya. Ipupusta niya ang lahat ng lego set ni Jeonghan, this is a one-time-only thing. Baka bukas makalawa, mabaliw na naman ang driver ng school bus nila kakahintay sa kaniya. His friends will lecture him again about the importance of being punctual tapos hindi na naman siya makikinig. Just like always.

Napangiti na lang si Seungcheol habang iniisip na huling taon na niya sa Green Meadows Academy. Kahit hindi na muna mag-college, isip-isip niya. Bukod kasi sa wala na siyang pambayad ng tuition at hindi rin naman niya alam kung anong kurso ang kukunin niya, he'd rather start working full-time para may pangsuporta sa sarili niya. Besides, alam rin naman niyang hindi sapat ang grades niya para makapasok sa kahit anong matinong college around the vicinity.

There's someone who offered to cover his tuition and expenses though, pero pinangako niya sa sarili niyang hinding-hindi na siya hihingi ng tulong sa taong 'yon kahit kailan. Never again.

At ayaw man niyang aminin, ang kinikita niya sa kung ano-anong raket ay hindi sapat para sa mga luho niya. His friends would always let him borrow some extra cash though, lalo na si Joshua, pero ayaw na niyang makaabala pa sa kanila.

Oh, right. Speaking of luho, may muntik na niyang makalimutan.

Nagpunta si Seungcheol sa kusina at binuhos na lahat ng natitirang soju sa water bottle niya. Mukhang kailangan na pala niyang bumili ulit para may panibago siyang stock. Although he's still a minor, hindi naman siya nahihirapan magpuslit ng iilang bote mula sa convenience store na pinagtatrabahuhan niya.

Clear beverage in a water bottle, no one would suspect a thing right? Tumingin si Seungcheol nang huling beses sa salamin bago kinuha ang bag na nakasabit sa likod ng pinto at sinukbit sa balikat niya.

"Alak na naman," naiiling na sabi ni Jeonghan pagkabukas ni Seungcheol ng pinto. Naghihintay na pala ito sa labas ng apartment niya at mukhang maaga rin itong nag-ayos ngayon. Well, there's something about first days of school talaga na mapapagising ka na lang nang maaga at mapapaayos ng sarili. Probably because of the idea of having a fresh start and another chance to change for the better.

Though Seungcheol is very much aware that this is just another year of him being a pain in the ass of his teachers and classmates. Fresh start? A little change? Hindi na kailangan. His life sucks at matagal na niyang tanggap 'yon. Ang tanging gusto niya na lang ngayon ay matapos 'to lahat.

WHEELS ON THE BUS / seungcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon