Ang pag-ibig ay isang malaking hiwaga para sa mga tao. Isa itong bagay na paulit-ulit na naranasan at naramdaman ng bawat taong nabuhay sa mundo ngunit hindi pa rin magawang maipaliwanag sa detalyado at tumpak na paraan. Hindi malaman kung kelan mo mararanasan, kung paano at kanino mo ito mararamdaman. Kung anong klaseng saya at lungkot ang naidudulot nito. Kung dapat mo bang ipaglaban o ipagparaya na lang. Kung paano mo iiwasan, kakalimutan at bibitawan sa panahong kinakailangan.
Parang traffic sa araw-araw. Alam mo na marami ang nape-perwisyo nito. Pero hindi man lang maisipan at magawan ng permanenteng solusyon. Alin ba ang tunay na ugat ng problema? Ang dami ng mga sasakyan na dumadaan? Ang laki ng mga kalsadang dinadaanan? Ang mga nangongotong na traffic enforcer? O baka naman yung paraan ng pagsunod ng mga drayber sa batas trapiko?
Maraming pwedeng sisihin. Marami rin sanang pwedeng makaisip ng solusyon.
Pero kahit gaano pa man katindi ang trapik sa Pilipinas, may mga tao pa ring naniniwala na makararating sa kanilang paroroonan.Naniniwalang malalagpasan nila ang pagsubok na ito sa kanilang paglalakbay. Katulad ng mga taong naniniwalang posible pa ring matagpuan ang tunay na pag-ibig na hindi man maipaliwanag ay gustong makamit ng kahit sino man. Na sa kabila ng mga pagsubok, makakamit pa rin ang kasiyahang dulot ng isang nagtagumpay na pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Traffic
Teen FictionNakakainip na bang maghintay? Palagi ka na lang bang umaasa sa tuwing may dumadating pero nilalagpasan ka naman? Wag kang mag-alala. Parating na yung para sa'yo. Na-traffic lang yun.