Natapos narin kami sa pag bili nang mga gamit..
Nasa Mcdo kami ngayon kumakain habang naguusap tungkol sa mga imposibleng bagay na naging possible tulad nung napabalita na tungkol sa 'pagputi nang uwak'.. Impossible no pero nanging totoo..
"Kung pumuti ang mga uwak,may possibilidad din ba kaya na lumipad na ang mga baboy??" sabi ni Charice na isa sa pinaka baliw na tanong na narinig ko sa tanang buhay ko..
"Bobo ka rin noh! Isipin mo kaya na ang bigat bigat nang baboy para makalipad.. Gamit gamit din nang utak pag may time, hindi lang puro selfie ang inaatupag.." sagot ko sa baliw na kaibigan ko.
Habang nag uusap kami ay may apat lalaki na nakapukaw sa atensyon namin..
Si Boy 1 ay mataas, maputi, at parang suplado.
Si Boy 2 ay medyo matangkad at ka height ko lang, maputi at parang masayahin.
Si Boy 3 ay mataas, moreno at parang mahiyain.
Si Boy 4 ay medyo maliit katulad ni Charice, maputi at parang playboy..
" Sino sila at bakit napaka pamilyar nang mga mukha nila?" tanong ko kay Charice.
"Ahh.. Sila yung mga taga lower section na lumipat na sa section natin.. Magiging kaklase na natin sila simula ngayong lunes" sagot ni Charice. Kahit kailan talaga napaka updated nitong si Charice, mas updated pa kaysa sa the buzz..
"Ahhh... I see.." sabi ko
Tumingin ulit ako sa apat na lalaki na nasa kabilang table. Napaka pamilyar talaga nang mukha ni Boy 2 at si boy 1, parang nakita ko na siya dati.. saan nga ba yun??
*RECALL
*RECALL
*RECALL
Habang hinahaloglog ko yung utak ko para ma tandaan ko kung saan ko nakita yung dalawa sa kanila..
"AHHH!!! ALAM KO NA!!" sigaw ko.. Na ikinagulat nang lahat at ikinagulat ko rin..
Nakakahiya!!! Pinagtitignan kami nang mga tao,pati na yung apat na lalaki.. ang bobo ko kasi, kung bakit sumigaw pa ako!! Ayyy!!! -_-
" Ano kaba?! Bakit ka sumigaw.. ayan tuloy pinagtitignan na tayo bang mga tao" pabulong na sabi sa akin ni Charice.
"Pasensya na.. may naalala lang kasi ako. " sagot ko sa kanya..
Naaalala ko kasi kung saan ko nakita yung si Boy 2.. Siya yung nakabanga ko sa may pintuan nang classroom namin.. At si boy 1 naman ay kaklase/crushmate ko noong nasa grade 6 pa ako.. oo, naging crush ko siya noong nasa grade 6 pa ako, pero naka move on na ako sa kanya... Nang dahil diyan napasigaw ako.. -_-
"Excuse me miss"
"Uy!! Excuse daw" pabulong na sabi sa akin ni Charice..
Ano daw? Excuse? Sino? Nakaharang ba ako sa daanan parang hindi naman ahh.. "Anong excuse?" tanong ko kay Charice..
Dinuduro niya yung labi niya sa may likuran ko.. kaagad ko namang tinignan.
"Uhmm.. Hi? Pwedeng hiramin yung isang upuan? Apat kasi kami at tatlo lang yung upuan namin kaya kung ok lang sa inyo na hiramin namin yung isa?" Wow!! sino ba tong kausap ko? Parang angel? Nasa langit na ba ako?? Hindi pwede!! Hindi pa ako dapat mamatay dapat ko pang alagaan ang pamilya ko, mamahalin ko pa si Rain, pupunta pa ako sa korea, makikita ko pa sina jungkook, V, jimin, jin, papakainin ko pa yung aso ko, magkakaroon pa ako nang pamilya, magiging dok--
"Hoy! Farrah! Buhay ka pa ba? tinatanong ka nung tao oh, kung pwede bang hiramin ang isang upuan.. " pag sasambat sa akin ni Charice. Napasobrahan yata ako sa pag spa-space out..
"Ahh.. sure!" Ngayon ko lang napagtanto na si boy 4 pala yung kausap ko .
"Thank you miss.. ^_^.. BTW (by the way) ako pala si Prince" sabi ni boy 4/ Prince sabay ngiti at kaagad na binuhat yung upuan papunta sa table nila..
" omeyghad!!! Ang gwapo niya ter" hindi lang pala ako ang nakapansin sa kagwapuhan ni Prince pati rin si Charice.. pero wait anong 'ter'ang sinasabi ni Charice.. @_@
"Anong 'ter'?"
" 'Ter' shortcut ng sister.. masyado na kasing common ang 'sis' kaya 'ter' nalng. Diba ang ganda" nakangiti pang sabi sa akin ni Charice.. saan kayang planeta galing si Charice at ang dami niyang nalalaman na mga salita..
Hindi na ako nakipag talo kay Charice tungkol diyan sa 'ter' thingy niya..
"Cr lang ako." sabi ko kay Charice.
XXXXXXXXXXXXXXXXX
Charice's POV
"Cr lang ako"
Sabi sa akin ni Farrah at lumakad na siya papunta ng cr. Nang may napansin akong pamilyar na lalaki.. Oo, tama nga ako!!
"Uy! Mr. Nerd" sigaw ko sa kanya sabay kaway..
Agad namang akong hinanap ni Mr. Nerd.. Nang makita na niya ako ay agad siyang lumapit..
"Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Mr. Nerd
"Malamang kumakain.. ano pa ba ang ginagawa sa Mcdo? aber?" Pamilosopo ko sa kanya..
"Akala ko kasi nanglilimos ka dito.."
Gago pala tong nerd na ito, ha! Kung maka sabi parang kung sinong gwapo..
"Seriously?! Mukha ba akong pulubi? Sa ganda kong ito.."
"Hhahaahaha.. nag bibiro nga lang ak--.. Sh*t" sabi niya habang naka tingin sa may likuran ko.. kaya kaagad ko naman itong nilingon..
"Ahhh.. Hindi kita na inform na nandito pala ang palalabs mo" pang aasar ko sa kanya.. Alam niyo kasi matagal nang may gusto itong si Mr. Nerd kay Farrah.. ayaw lang niyang ipasabi kasi nahihiya daw siya..
"Oh! Darren nandito ka pala. Ngayon ka lang ba dumating? Gusto mong sumabay sa amin?" Hahahhaah.. nakakatuwa ang mukha ni Mr. Nerd ngayon ang pula pula. Grabe siya mag blush parang inubos lahat nang blush on sa avon..
"A-ah.. O-oo nga-ngayon lang a-ako dumating.. S-sige una na a-ako.. B-bye.."
Kahit kailan talaga pag si Farrah na ang kaharap ni Mr. Nerd palagi na lang siya nag blu-blush at na hihiya..
Hahay! Pag-ibig nga naman..
"Anong nangyari don?"
"Napana yata ni Mr. Kupido"
"Ano?" parang hindi niya yata na gets ang sinabi ko..
"Ayy.. wala.." hindi ko ne enexplain nakakatamad kasi. Tatapusin ko nalang tong pagkain ko..
XXXXXXXXXXXXXXXXXX
Farrah's POV
Ano kaya ang nangyari kay Darren?!
Bakit bigla nalang siyang umalis? Baka may kadate..
Hahay! Mabuti pa sila may love life na. Ako? Mamamatay yata ako nang single..
Lord! Help me!!