From Crush to Love </3

10 0 0
                                    

            September 29, 2012

       Before that summer bago mag-1st year, proud akong sabihin na I was never in love. Kahit ang hilig kong manood ng mga romance movies, mahirap para sa king paniwalaan yun. Kinikilig man ako pero alam kong di yun mangyayari sa akin. Hindi parating happy ending ang mga love stories sa real world. Siguro sa alternate universe lahat puros happy endings. Pero bakit dito sa real world, ang dami mong maririnig na stories about heartbreaks? Siguro nga tama ang sinabi sa Para kay B na sa limang pares ng mga taong nagmamahalan, isa lang dun sa pares na yun ang magkakatuluyan. Ang makakatuluyan mo raw ang correct love mo, hindi ang true love. Bakit ang daming kasabihan na contradicting sa ibang kasabihan? Hindi ba pwedeng magcoincide na lang ang mga kasabihan para hindi nalilito ang mga tao at nagkakaroon ng misunderstanding? Di ba pwedeng makatuluyan mo ang true love mo? Panano mo ba malalaman na siya ang true love mo? Possible kaya na naloko ka lang ng sarili mong puso kasi pinipilit mo sa puso mo na siya ang true love mo? Hindi kaya false feelings lang yan nararamdaman mo? Bakit kapag nakikita ko si Guy na kasama ang kanyang Girl, di ko maiwasang maging masaya for them at at the same time maging jealous sa kung anumang meron sila. Bakit hindi ko maiwasang sabihin sa sarili ko na sana ako na lang? Bakit hindi ako? Bakit siya? Sana ang dali lang na tanungin yun sa kanya. Hay! Bakit ganun ang love? Sabi naman dito sa pinapanood ko, Love means never having to say sorry because it comes from the heart. Porket ba galing na sa heart eh, hindi ka na magsosorry. Paano kung yung pang-aasar ko sa isang tao ay galing talaga sa puso ko, ibig sabihin hindi dapat ako magsisi na ginagawa ko yun?

            Bakit ang hirap mainlove? Ang daming questions, ang daming doubts, ang daming uncertainties. Hindi ba pwedeng maging finite ang love? Yung tipong isa lang ang sagot? Bakit sa kanya pa ako nainlove? Bakit pa ba ako nainlove? Bakit ko pa siya narinig na tumawa? Dapat maaga na lang akong umalis nung araw na yun, eh di sana di ko to sinusulat.

            May 2009, naging kaklase ko siya sa summer class. Hindi ko naman siya nun napapansin. Ni hindi nga kami nag-uusap. Yung tipong casual lang, di nagpapansinan, di din naman nagiismiran. Second week ng summer class, ang dami ko ng naging friends. Isa sa mga instant friends ko nakwento niya sa akin na crush niya si Guy. Nun ko siya unang napansin. Nung week na rin yun, naghi lang siya sa amin. Eh di kinilig si friend. Simula nun, araw-araw na namin siyang napagkukwentuhan. Hanggang sa kahit di kami nag-uusap ni Guy ay parang kilala ko na rin siya. Nagkaroon ng sports fest at post tests ng last week ng summer class. Aba, nagbabasketball pala siya kahit di katangkaran, nagchechess din siya at nasa top 10 sa English at Mathematics dun sa post test. All around pala siya at mabait pa. Nung last day, habang naglalakad ako papuntang auditorium, dumaan siya sa gilid namin ni friend at nakatawa. Dun lang tumibok ng ganun ang heart ko. Parang nagslow motion ang paligid. Hindi ko na narinig yung mga pinagsasabi ni friend. Tapos hanggang nung nakaupo na kami, sa kanya na lang ako nakatingin. Nagkacrush na rin naman ako nung high school at crush-crushan nung elementary kasi sabi nung kapitbahay namin na hinahire ni Mama para bantayan ako tuwing umaalis si Mama, kapag di ka raw nagkakacrush, abnormal ka. Ako naman na uto-uto ay naniwala. Nung gabi ring yun, pinag-isipan ko ang mga nangyari nung araw na rin yun. At napunta ako sa conclusión na baka nga nacrushan ko na rin siya dahil sa friend ko. Siguro dahil sa siya na lang topic namin araw-araw ay nainduce yung feelings ko for him.

            Hanggang magstart na ang normal semester ng first year ko sa college, hindi nalaman ni friend na crush ko si Guy. Mali kaya na di ko sinabi sa kanya? Hay. Hindi kami magkacourse ni friend at ni Guy pero silang dalawa ay magkacollege kaya mas close sila. Nakontento na ako na makarinig sa kanya ng mga kwento about kay Guy: na matalino siya, na mabait siya and the list goes on. Malimit ko siyang makita. Tuwing lab exam lang sa Chem ko siya nakikita pero di kami classmates. Nakontento na lang akong tingnan siya sa malayo kapag may chance ako. It turns out na yung roommate ko ay classmate si Guy sa lab kaya may number siya ni Guy. At alam mo ba kung anong ginawa ko? Ayun, tinext ko siya ng Buti na lang di kita nakikita ng madalas para mawala na ang pagkacrush ko sa yo.  na gamit ang number ng roommate ko kaya ayun nagtampo siya ng konti kasi baka raw malaman ni Guy. Nagreply si Guy ng Sino to? Pero di ko na nireplyan. Haha! Kapag naaalala ko yun, natatawa pa rin ako. You really do foolish things when you’re younger and inlove. 

        Nagkakacrush ako maliban sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung nagkakacrush ako ng iba para mamask yung feelings ko for him or talagang malandi lang ako. Haha! Joke! Pero seriously, hanggang ngayon di ko pa rin alam.

            Second semester ng 1st year. Halos palagi ko na siyang nakikita. Nainduce na naman. Tsk. Pero that time, nainduce lang siya without any reasons. Alam mo yung feeling na kapag nakikita mo siya mamumula ka na lang at susundan na lang siya ng tingin. Fortunately, though di kami close, nagha-hi siya sabay pakita ang kanyang killer smile at naghe-hello ako sa kanya tuwing magkakasalubong kami. Yan ang naging ritual namin buong semester kapag nagkikita kami.

            First semester, second year, hindi na kami masyadong nagkikita pero alam mo yung feeling na namimiss mo ang isang tao ng walang dahilan. Kaya ginawa ko ang kabaliwan na natutunan ko sa roommate ko: ang magstalk sa facebook. Nalaman ko ang schedule niya kaya yun, kapag malapit lang yung room ko sa building kung san siya nandoon, dumadaan ako sa building niya para lang makita siya.

            Second semester, second year, same time, same building ang klase namin kaya bago ako pumapasok ay hinihintay ko muna siyang dumaan para makita ko yung smile niya. Minsan, naiisip ko, masyadong pathetic ang ginawa ko pero di ko maiwasan na gawin paulit-ulit. Isang beses, paglabas ko sa klase nandoon siya sa lobby, may binibigay siyang maliit na papel. Promotion for their activity sa org. Nilapitan niya ako at binigyan niya ako ng papel at sabay sabi: Punta ka sa quiz con namin. Sasayaw ako. sabay ngiti. Alam mo yung feeling na kung pwede ka ng mamatay that instant. Take note: hanggang ngayon nasa pitaka ko yung teaser na yun. Hanggang makarating ako sa classroom ko ay pulang pula ako. Lingid sa kaalaman ko, yung friend ko na alam ang pagkacrush ko kay Guy ay nakita ang buong pangyayari, Kaya ayun, puros pang-aalaska ang inabot ko. Isang beses pa nga munting pa nilang tawagin si Guy at ipakausap sa akin. Wala na akong nagawa kundi batukan sila at mamula sa sobrang hiya though di naman lumingon si Guy.

            First semester, third year, di ko masyadong naiisip yung feelings ko for him kasi busy-busyhan ako sa acads. Pero nung Second semester, nalaman ko sa isang reliable source na kacourse niya na may nililigawan na siya. Si Girl, yung nabanggit ko sa second paragraph. Ay! Sa first pala! J Unang-una palang, alam kong he’s out of my league kaya hindi sumagi sa isip kong magkakagusto siya sa akin. Kontento na akong hangaan siya sa malayo. Pero sila ni Girl, pareho sila ng league. Pareho sila ng course, pareho silang super talino. Basta pareho sila ng league. Nalaman kong basted si Guy. Nasaktan ako for him. Alam mo yung parang ako yung nabasted. Dun na sumagi sa isip ko yung mga kataga na Sana ako na lang. Dun ko na narealize na hindi na pala crush ang nafefeel ko. In love na ako sa kanya. Sa wakas naamin ko na sa sarili ko yung fact nay un. Ang downside nun, mas masakit na ang lahat.

           First semester, fourth year, kumain kami ng dalawa kong friend sa Greenwich, napunta sa usapan sa first love. Eh alam na nila kung sino si Guy sa puso ko kaya ayun tinanong nila ako. Ayun nasabi ko sa kanila ang latest news na nalaman ko about kay Guy: sila na ni Girl. Sa wakas! Sila na. Ayoko na kasing nababalitaan na nasasaktan siya. Habang sinasabi ko yun, di ko napigilan na maiyak. Alam mo yung feeling na masakit na masakit na may mahal siyang iba pero masaya ka pa rin for him. Siguro ganun talaga ang love kapag di meant sayo at kapag di mo time. Madalas ko siyang nakikita na kasama si Girl. They look so happy together. A picture of a perfect couple. Dala-dala ni Guy ang bag ni Girl at pinapayungan si Girl. Kapag nakikita ko sila ang sakit. Promise. Pero wala eh, masaya ako para sa taong mahal ko.

            Dapat nun pa ako naniwala sa roommate ko ng sinabi niya na baka raw di na lang pagkacrush yng nararamdaman ko kundi love na. Malay ko ba na magdidilang anghel siya. Sinang-ayunan nga yun ng isa ko pang friend. Sabi niya, ang crush daw ay hanggang 3 to 6 months lang. Beyond that, mag-isip ka na. Baka love na yan. After 3 years, love na nga talaga yung nafefeel ko sa kanya hanggang ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit di pa rin siya maalis sa puso ko. Sabi nga ng isa ko pang roommate, magmove on na raw ako kasi may girlfriend na raw si Guy. Sabi ko naman, di ko naman hinihiling na maghiwalay sila kaya feeling ko naman okay lang yung nafefeel ko. Pero alam kong nagmumukha na akong pathetic. Okay lang naman sa akin. Close friends ko lang naman ang nakakaalam. Please lang. Huwag lang sana niyang malalaman hanggang sa dumating ang tamang panahon. Ang tanong, kelan kaya yun?

            Heto, hopefully, graduating na ako next semester tapos siya may isang taon pa. Kelan kaya makakarating sa kanya ang nararamdaman ko? Siguro naman, kahit makarating yun sa kanya, it will not matter kasi may “Girl” na eh. Sana makahanap din ako ng sarili kong “Guy” when the right time comes.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From Crush to Love &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon