Chapter 1: Kundiman

11 1 0
                                    

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan

Nandito lang ako

Laging umaalalay

Hindi ako lalayo

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

-Silent Sanctuary,Kundiman




Napakagandang titigan ng dagat, kay sarap langhapin ng hangin, nakakatuwang pagmasdan ang mga ibong lumilipad sa himpapawid, ang alon na tila sinasayaw ng hangin. Gaano na nga ba katagal mula ng huli akong pumunta sa lugar na to? Isa? Dalawa? Tatlo? Tatlong taon na mula noon, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na muling pumunta sa lugar na ito, sa lugar kung saan ikaw at ako lang, sa lugar kung saan sa atin lang ang mundo, dito sa lugar na ito kung saan punong puno ng alaala mo.


"Elina, will you marry me?" laking gulat ko ng lumuhod si Caleb sa aking harapan at sabihin ang mga katagang iyan. Para bang lumukso ang puso ko sa saya. Hindi ko akalain na may isasaya pa pala ako.


"Yes Caleb, I do" sagot ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Yakap ko ngayon ang lalaking makakasama ko sa habambuhay, mamahalin ko hanggang sa pagtanda.


Hindi ko na napigilan ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata, hanggang ngayon masakit padin, tatlong taon na pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Bakit kailangan matapos sa lungkot ang lahat? Yung taong akala kong makakasama ko sa habambuhay, sa pagtanda bakit biglang nawala?


Tatlong taon na Caleb.

Tatlong taon na akong umaasa na babalik ka

Tatlong taon ko ng pinapaasa ang sarili ko na sa huli may ikaw at ako

Tatlong taon na nung mawala ka

Tatlong taon na,

sa lugar na ito, saksi ang dagat, alon at mga ibon sa kalungkutan dala sakin ng pagkawala mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bits and PiecesWhere stories live. Discover now