The Deceptive
Ako si John Ray, pero Ray ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. sa panahon ngayon mahirap kumita ng pera, kaya palagi akong gipit sa mga bagay na gusto kong bilhin. minsan pa nga, para sa akin nalang ibibigay ko pa para sa iba makatulong lang. sa mundong ginagalawan natin dadating sa punto na mahirap magdesisyon, dahil kadalasan ang tama sa akin ay nagiging mali sa kanila pero ang mali sa akin minsan ay tama sa iba. Magulo ang ginagalawang mundo nating mga tao.
--- Pauwi si Ray ---
Madalas akong nadadaan sa Pearl st. kasi lagi akong bumibili ng pasalubong para sa pamilya ko.
"Ray: Kuya magkano ho itong saging nyo?
"Tindero1: Boss mura lang ho ito abot kaya lang.
"Ray: Magkano po ba?
"Tindero1: 40pesos lang boss, 1kg na yun
"Tindero1: Hindi na po kayo lugi dyan.. maganda na mura pa.
"Ray: Ahh ganun ba?!
"Ray: Ikaw kuya magkano sayo ang saging?
"Tindero2: 60pesos po isang kilo kuya.
"Ray: Mahal naman..
"Tindero1: Ganyan talaga magpresyo yan , kaya walang bumibili dyan e.
Napaisip ako, bakit yung isa mura na at maganda naman yung mga binebenta, samantalang yung katabi niyang tindero ay sapat lang ang quality ng prutas pero bakit ang mahal. Bumili ako sa mura, Syempre mas makakamura mas makakarami. kaya bumili ako ng 3kg saging at inabot ito ng 120php. Salamat at makakauwi na rin ako ng bahay.
--- Kinabukasan ---
7:39pm
Heto nanaman ako at pahirapan nanaman umuwi at sumakay, pagbaba ko ng pearl st. naisipan ko ulit huminto bumili ng maiuuwi para sa pamilya ko. Nakita ko ulit ang mura magbenta ng prutas kaya tinanong ko siya.
"Ray: Kuya magkano sa mangga mo?
"Tindero1: Huy ikaw pala yan boss 90php lang.
"Tindero1: Mura na yan para sayo, Kailangan ko kasi talaga ng pera e.
"Ray: Mukhang magaganda itong tinda mo ah.
"Tindero1: Oo naman boss, pakyawin mo na! bibigay ko ng mura sayo.
"Ray: Sige sandali lang.
"Ray: Kuya magkano sa mangga mo, magaganda din ito ah.
"Tindero2: Kuya 120php po per kilo.
"Ray: Bakit sa kanya 90 lang sayo 120?
"Ray: Ang mahal mo naman magbenta!
"Tindero2: Pasensya na po kayo kuya, mahirap po kasi kumita ng pera ngayon.
"Ray: Ahh sige salamat nalang
"Ray: Kuya pakyawin ko na lahat yan ang mura e.
"Tindero1: Salamat ayos na ayos!
Inubos ko ang paninda ng tindero ng mangga samantalang yung katabi niya mukhang wala pa ding bumibili ni isa, paano ba naman napaka mahal magbenta paano siya makakaubos ng paninda niya. Tuwang tuwa tuloy si manong at inubos ko ang paninda niya. Nagmamadali pa at sinabi niya "Salamat Boss! Ayos to mabubusog kami". Tulad ko, maguuwi rin ng pagkain para sa pamilya para kahit papaano ay mabusog din ang mga mahal ko sa buhay. Pero napansin ko ang malungkot na mukha ni Tindero2,Ewan ko ba. Namili pa ako ng iba pa, pero napansin ko talaga na walang bumibili sa kanya hanggang sa umabot na sa punto na naawa ako sa kanya, kaya bumili ako ng isang mangga sa halagang 40pesos. Sa tingin ko naman ay may mararating na ang 40pesos na yun.
Napansin ko na pag kakuha niya ng pera ko ay agad na siyang nag-ayos ng mga paninda niya at agad agad na umalis, Madaling madali siya na para bang may hinahabol na oras. Sa wakas at makakauwi na ko, Salamat sa araw na ito.
--- Pauwi na si Ray ---
8:28pm
Sa pag mamadali ko ay nakalimutan ko pa ang isa kong bilihin kaya agad ko itong binalikan, at may napansin ako sa isang store ng botika. Nakita ko dun ang binilhan ko ng mangga, napansin kong pawis na pawis siya at nagmamadali. tinawag ko siya pero lumingon lang siya sa akin, at sinigaw na "salamat kuya"
"Ray: Hoy! Aanhin mo yan?!
"Ray: Psstt! Bumalik ka dito.
Ambilis na nawala ng binilhan ko ng mangga, nang pasakay na ako at papauwi na ulit, isa lang ang tumambad sa aking mga mata, na ang binilhan ko pala ng isang pirasong mangga ay natulungan ko ng maganda. subalit may mga bagay talaga na malalaman mo nalang na nagkamali ka kapag nakita mo mismo ng iyong mga mata. Gulat na gulat ako sa mga nakita ko.
"Ray: Kuya sandali.. pakibaba na ako dito.
"Driver: Ok.
"Ray: Huy! Nawala ka kanina bat ka ba nagmamadali?
"Tindero2: May sakit po kasi ang nanay ko.
"Tindero2: kailangan ko po kasi talaga ng gamot kaya umalis na ako agad.
"Ray: Tsk.. naku kung alam ko lang talaga, o heto bumili ka ng gamot.
"Tindero2: Huwag na po , Salamat nalang po malaking tulong na po yung 40pesos mo.
"Ray: Ikaw naman wala yon,
"Tindero1: Huy! andyan ka pala boss!
"Ray: O ikaw pala.
"Tindero1: Boss dito ka muna masaya dito nagiinuman kami at kwentuhan
"Tindero1: Salamat at pinakyaw mo ang paninda ko.
"Ray:(Nagulat)
"Tindero1: Palagi mo akong binibilhan kaya, Madalas tuloy napapainom kami ng mga kasama ko
"Tindero1: Salamat Boss ah!
--- Minsan sa buhay ng isang tao, Hindi lahat ng nakikita natin ay dapat nating paniwalaan at hindi rin lahat ng naririnig natin ay pwede nating paniwalaan. Sapagka't pipiliin lamang natin ang mga bagay na dapat nating paniwalaan na sasangayon sa ating paniniwala. Kung sino pa yung mismo na humihingi ng tulong sila pa mismo ang gagamit nito para sa sariling kapakanan at ang mga tao na hindi humihingi sila pa pala mismo ang hirap na at nagtitiis lang.
- The End
![](https://img.wattpad.com/cover/25168727-288-k779671.jpg)
BINABASA MO ANG
The Deceptive
Short StoryNaisipan ko lamang pong gawin, Dahil sa pinapagawang comics :) so ako po ang gumawa ng short story para maidrawing sa comics :) i hope you enjoy, share lang salamat