Tara samahan mo ako

185 2 4
                                    

(One Shot)

Gabi-gabi nalang nangyayare to nakakatakot na ah, dati nakukuha lang sa dasal nakakagalaw na ako, hindi ko alam kung bakit lagi akong nabibiktima ng sleep paralysis, nagdadasal naman ako bago matulog, minsan nga nag aalangan na akong matulog dahil natatakot nako, pero anong magagawa ko ayoko naman magkasakit dahil sa pagpupuyat. di ko na talaga alam ang gagawin.

11:00 PM  na pala gising na gising pako, hindi pako inaantok naisipan ko nalang mag research tungkol sa Sleep Paralysis. Wala naman yatang gamot dito sa lecheng sakit na to, sakit nga ba to o nababaliw lang ako. 

Sa paghahanap ko nakakita ako ng Blog tungkol sa Astral Projection, medyo interesting yung mga nakasulat dun, Out of the body expirience, paglalakbay ng diwa habang tulog ang katawan, teka totoo ba yun?

Click

Click

Click

Ayon sa research ko pwede palang maging first stage ng astral projection ang sleep paralysis may ilang bagay lang ang kailangan kong gawin, una relax dapat ang katawan, pangalawa i-release yung takot s katawan, etc. pero parang nakakatakot gawin yun. ayoko yata subukan.

May last part pa yung Blog kung saan nakalagay yung Important reminders, pero hindi ko na binasa inaantok nako, 2 oras na pala akong nakatulala sa monitor ng computer ko, kailangan ko nang matulog.

Time Check: 1:01 AM

Click X then Shutdown.

-

-

-

-

-

Kriiiiiing....Kriiiiiing...Kriiiiiing..

7:00 AM sabado walang pasok, ang ganda ng tulog ko hindi ako nakaranas ng Sleep paralysis, sana ganun palagi gabi-gabi.

"Ben tara na dito sa baba kumain na tayo ng almusal"

"Sige po Ma, maghihilamos lang po ako"

-

-

-

Pagbaba ko dumerecho na ako sa mesa. kami lang ni mama ang tao sa bahay, si papa nasa Canada nagtatrabaho doon, yung mga kapatid ko naman  nagsipag asawa na. Naawa nga ako kay mama pag pumapasok ako sa school kasi sya lang yung naiiwan mag-isa sa bahay.

"Anak kamusta kagabi? hindi kaba sinumpong? nakatulog ka naman ba?" tanong ni mama

"Opo Ma, medyo late ako nakatulog pero mahimbing naman po ang naging tulog ko" sagot ko

Alam ni Mama ang pinagdaraanan ko, nuon nga inaaya nya ako magpatingin sa psychiatrist kaya lang ayoko.

Pagkatapos namin mag almusal nagbukas ulit ako ng Computer para ituloy yung research ko tungkol sa Astral projection at sleep paralysis. Binisita ko ulit yung Blog na nakita ko kagabi kaso hindi na bumubukas, Under maintenance yung site, pero may link dun kung saan pwede mo maka Chat yung gumawa nung blog. Pinindot ko yung link tapos lumabas yung parang chatbox na window sa screen. Nag message ako

Goodmorning. May I ask a question

Goodmorning. yes of course, what is your concern? By the way my name Is Susan Viloria

Hi My Name is Ben Albert Espinosa, Im a Filipino, I just wanna ask how can I release the fear during sleep paralysis? Thanks

I'm a Filipino too, Ah Ben walang proper way kung paano mo malalabanan ang takot mo nasayo lang yan kung paano ka magiging matapang kapag na paralyze ka habang natutulog, mahirap sa una pero kaya naman pag sanayan. Wag mo din iisipin na nakakatakot i-enjoy mo lang.

Tara samahan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon