Naniniwala kabang hindi lang tao ang naninirahan sa mundo?Na may mga ibang nilalang pa tayong nakakasalamuha, pero di lang natin makita?
Kung hindi,
Pwes,
Maniwala ka.
Hindi man makita ng dalawang mata mo,
Hindi man maramdaman ng katawan mo,
Pero totoo sila...
Totoo ang mga Vantolian.
Mga nilalang na kung tawagin nati'y mga tao ay Engkanto.
Sila ang mga immortal na nilalang na naninirahan sa mundo na kung tawagin nila'y 'KISUEBE'.
Nahahati sa limang kaharian ang Kisuebe: ang kaharian ng mg Fiur, Unda, Lann, Aer at ang Seula.
Fiur ang tawag sa mga Vantoliang nasa ilalim ng kakayahan ng diyos ng apoy na si Bayse.
Unda naman ang tawag sa mga Vantoliang nasa panig ng diyos ng tubig na si Axel.
Lann tawag sa pangkat ng diyos ng lupa, na si Favu.
Aer naman ang tawag sa mga nilalang na nasa ilalim ng pamumuno ng diyosa ng hangin, na si Sareha.
At ang huli, ang kaharian ng Seula. Ang kaharian kung saan nagsisimula ang lahat na Vantolian. Pinamumunuan ito ng diyos ng mga kahduwa na si Taege kasama ang mga Lutzel.
Ang limang diyos na sina Bayse, Axel, Favu, Sareha at Taege ay ang mga dakilang nilalang na napili ng bathala ng lahat na bathala na si Felveso na mamuno sa lahat ng klase na Vantolian. Taglay nilang lima ang kapangyarihang magkokontrol sa lahat, at magbibigay ng magandang mundo sa mga immortal na nilalang.
Maayos ang pamumuhay ng mga Vantolian sa tulong ng apat na diyos at isang diyosa.
Hanggang sa makalipas ang ilang libong taon, nagpaabot ng magandang balita ang diyos ng lahat ng diyos na si Felveso. Oras na para magkaroon ng bagong mamumuno sa bawat kaharian ng mga iba't ibang Vantolian.
Maliban sa diyos ng kahduwa na si Taege, ilang buwan naghanap ang mga diyos ng kauring Vantolian na magiging ina at ama ng kanilang magiging anak.
Sa kabilugan ng buwan, ay ang oras para sa pagtatalik ng diyos at ang kanilang napiling kapareha.
Dahil ang pinuno ng kahariang Aer na si Sareha ay isang diyosa, walang nakakaalam kung sino ang napili ng Reyna na maging ama nang isisilang niyang supling.
Matapos ang pagtatalik, ang diyosa na si Sareha kasama ang mga napiling babaeng Vantolian ng tatlong diyos, ay nanatili ng ilang araw sa Kaharian ng Seula kung saan isisilang ang kanilang magiging anak.
Sabay na nagsilang ang tatlong Vantolian ng prinsepe. Kumalat ito agad sa kani-kanilang kaharian kabilang na ang kaharian ng mga Aer. Matapos isilang ang mga anak ng tatlong diyos, at matanggap ang basbas ng diyos ng kahduwa, nakauwi na sila sa kani-kanilang kaharian.
Subalit, ang diyosa ng Aer naman na si Sareha ay nanatili paring nasa kaharian ng Seula. Wala ni sinong nakakaalam kung nanganak na ba ang Reyna.
Dahil sa pag-aalala, napagpasyahan ng Heneral ng Aer na sunduin ang kanilang Reyna sa kaharian ng Seula. Sa pagbigay nang pahintulot ng kawal ng Seula, agad niyang pinuntahan ang silid ng kanilang diyosa.
Laking gulat ng Heneral ng wala siyang makitang bakas ng Reyna. Ni wala ring laman ang bulaklak. Ang bulaklak kung saan dapat niya isisilang ang kanyang anak.
BINABASA MO ANG
APIECE #1 : The Princess
Fantasy''Kung ikaw nga ang Prinsesa, patawad. Hindi kita maaring mahalin." APIECE PRINCESS - It is a work of fiction accessible for all. - The incidents, places, business, and others in this story are merely invention. All the characters in this story are...