Chapter 1: Dinner

21 1 0
                                    

"Marieth! Are you done? Bilisan mo, nakakahiya sa mga Heirsong. Nauna na rin ang ibang Valtrimond."

Napa-irap ako sa sinabi ni Mama. Sinabi ko na sa kanya na ayaw kong sumama. And now, here she is, nagrereklamo kung bakit ang tagal kong magpalit ng damit.

"Malapit na!"

Pupunta kami sa bahay ng mga Heirsong. Doon kasi kami maghahapunan. Ginagawa namin ito tuwing ika-anim kabilugan ng buwan para magsilbing simbolo ng pagkakaibigan ng dalawang pamilya na nagsimula raw matagal na panahon na. Ewan ko nga kung bakit kailangan pa nila ng ganitong tradisyon. Eh kakain lang naman kami tapos mag-iinuman silang mga nakakatanda. Pati nga inumin nila may tradisyon din eh.

Huli kong inayos ang mukha ko. Hindi ako sanay sa marami at makapal na pampaganda sa mukha ko kasi makati...'tsaka dati na akong maganda 'no. I finished it with fixing my eyebrows bago lumabas ng kwarto ko. Bumaba ako sa sala kung saan naghihintay si Mama, Papa at ang kapatid ko na babae na si Therilyn.

Nakita ko si Mama na nagtago ng dalawang baril sa magkabila niyang hita at itinago ito sa ilalim ng kanyang palda.

Napa-iling na lamang ako sa ginawa ni Mama. Hindi talaga siya makampante kahit kailan.

We, the Valtrimond and Heirsongs are Vampire Hunters. Yes, we - i mean, my family, hunt vampires. Matagal na panahon na nang mabuo ang pagkakaibigan ng Valtrimond at Heirsong. Lahat ng ito ay nagsimula nang nagkaroon ng malawakang pagpatay sa mga bampira. Dahil isa kaming malaking bayan ay hindi imposible na dayuhin at pagpiyestahan ang aming bayan noon ng mga halimaw na uhaw sa dugo ng tao.

Nagsimula ang pagkalat ng kababalaghan nang may nakatakas na isang sugatan na bampira at pumunta sa isang kastilyo na dating tinitirhan ng pinuno ng bayan na 'to. Inakit niya ang anak ng babaeng anak ng pinuno at doon na nagsimula ang lahat.

Bago pa mapatay at maging bampira ang lahat ng tao rito, matapang na hinarap ng magkaibigan na sina Willius Andro Valtrimond at Taison Finnel Heirsong ang mga bampira at pinatay sila. Humingi rin sila ng tulong mula sa simbahan para mas mapadali ang kanilang pagpatay sa mga bampira.

Simula noon ay bumuo sila ng tradisyon at bawat miyembro ng pamilya ay kailangang matuto kung paano pumatay ng bampira.

Pero ayaoko. At hindi ko pa 'yon nasasabi sa aking pamilya.

Naramdaman ko ang kalabit ni Therilyn sa balikat ko kaya hinarap ko siya.

"Handa ka na ba?" nakangiting tanong niya habang pinapaikot niya sa daliri niya ang kaniyang kulot na buhok.

"Handa para saan?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Hindi para saan, kundi para kanino." Sa totoo lang, gusto kong tanggalin ang ngiti niya. Nakaka-inis. Alam ko na kung ano'ng ibig niyang sabihin. Inirapan ko siya at tumalikod.

"Shut up. 'Di ba ikaw rin? Gusto mo rin makita ang pinsan niya? Sino nga ulit yun?"

"G-gustav."

"Right. Naalala ko na. Sibi mo pa nga dati 'ang gwapo ni Gustav'." Ginaya ko ang boses niya habang kunwari may hawak ako na litrato.

"Ate!" she yelled. She even stomped her foot. Natawa na lamang si Mama at napa-iling naman si Papa.

"Yiee!" Tinusok-tusok ko pa siya sa tagiliran.

"Girls, stop. Tapos na ba kayo? If you're done already, sumakay na lang kayo sa karwahe. Come on, hon."

Nauna na sina Papa at Mama sa karwahe. Kaming dalawa na lang ng kapatid ko ang nasa loob. Kinuha ko ang bag ko na nasa ibabaw ng mesa. Iniwan isinuot ko 'yon at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Tumabi naman sa akin si Therilyn at isinuot ang kanyang sumbrero. Umirap siya sa akin at ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under the Vampire's CastleWhere stories live. Discover now