I Love You! 💕

4 0 0
                                    


#July22,2017

Brand new day!
Weekend na rin kaya medyo ramdam ko nang nakaraos na 'ko sa hell week nang ganun ganun lang.

"Good morning, mag iingat ka buong araw. God bless sa results ng exam mo. 😄", text ni Miguel.

"Parang walang nangyari kagabi ah?", naisip ko nalang.

Instead of arguing with my early thoughts, ni'reply'an ko nalang siya na parang wala lang sa'kin yung nangyari. Denial stage. Ngayon ko lang gagawin yun, aba!

"Good morning din po. Wala kami class today", reply ko naman.
"Ah, good yan! Makakapahinga ka po. Alam ko naman na pagod ka nitong nagdaang araw dahil nag exam kayo", may pag-aalalang banggit niya.
"Opo, mag agahan ka na ah? Magpakabait ka", at sa di sinasadyang pagkakataon ay tila ba napagbilinan ko siya na akala mo ay girlfriend ko siya.
"Yes po, ma'am. Ano pa po ang dapat kong gawin?", masiglang sagot nito.

"What the?! Bakit ko ba nasabi yun? 😥 Baka mag-expect 'to, kasalanan ko pa", sabi ko sa sarili ko. "Ayoko pa naman nung feeling na sinasabihang paasa", dugtong pa ng isip ko.

"Baliw, basta.. syempre dapat ka magpakabait, mamaya awayin ako ng jowa mo", walang kwenta kong pagdadahilan.
"Wait, 'di pa ba tayo tapos sa issue na 'yan? Wala nga akong girlf---"
"Huuu. Sisinungaling ka pa, ayos lang yan", wika ko pa.
"Hayss. Maniwala ka naman. Ilang araw ko na pinapaliwanag sarili ko sa'yo", medyo naiinis na niyang banggit.
"Ah! So, naiinis ka na? Edi, wag ka magpaliwanag. Basic!", pabalang ko namang sagot.
"Eh, pa'no ikaw! Sinabi na ngang walang jowa yung tao, pinipilit mong meron. Selos ka ba? Yiee 😄", nang-iinis niyang tugon.
"Tibay mo talaga, 'nu? Ewan ko sa'yo", inis kong sagot. "Bahala ka sa buhay mo, dun ka na sa jowa mo, bye!", inis na dugtong ko pa.

Nakalipas ang maghapon na 'di ko ginamit ang phone ko. Nandun yung pag-aalalang baka mabaling na naman sa iba yung atensyon niya at makalimutan ako pero mas nananaig yung pride ko na bahala siya, choice niya yan. Besides, wala namang kami para magdemand ako. 💔

"Good evening, dinner ka na po", isa sa mga recent message niya sa'kin. Yung iba, 'di ko na inintinding basahin.
"Same", tipid kong sagot.

Maya-maya pa ay tumunog ang aking telepono.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba nagawa ko?", panimulang tanong ni Miguel mula sa kabilang linya.
"Wala, wala ka na dun", naiinis kong sagot.
"Mula kanina 'di pa humuhupa 'yang inis mo sa'kin?", natatawa niyang tanong.

"Aba, siraulo pala 'to eh. Naiinis ako tapos natatawa-tawa pa siya? 'Di ako nagpapatawa. Arrrrrghhh!", naiinis kong naisip.

"Eh, ano namang pake mo?", pagmamaldita ko pa.
"You know what? Napaka'challenging ng attitude mo. Hahahahaha", 'di na nga niya napigilan pa na tumawa.
"Sige, tumawa ka lang dyan. Mamaya wala ka na ulit kausap", pangbabanta ko sa kanya.
"Kaya mo?", may panghahamon sa tono ng pananalita niya.

"Aba!! Eh, presko ka pala masyado eh? Jusko! Nakakasira ka ng bait", nagkukuyom na ang mga kamay ko sa gigil.

"I love you", malambing niyang bawi.

Sandali akong 'di nakaimik. Para 'kong hinipan ng hangin sa alapaap. Ang sarap pakinggan ng mga salitang 'yun; bumabalik ako sa pakiramdam na SANA. Sana totoo na, sana pangmatagalan na, sana wala nang luha pa.

"'W-wag ka magjoke, 'di bagay", nauutal kong sagot sa kanya.
"Mahirap bang dugtungan ng too yung sinabi ko?", seryoso niyang tanong.
"Alam mo, wala akong oras sa mga pang ookray mo. 'Wag mo 'ko pagtripan dahil wala ako sa mood", nanlulumong tugon ko.

NAKAKAPANGHINAYANG. Nakakapanghinayang kasi pa'no kung totoo na pala? Pa'no kung no jokes at all na, pinakawalan ko pa? Gusto ko magsisi sa mga oras na yun pero nabanggit ko na kasi. Natatakot akong baka good timing lang pala 'to, natatakot na 'ko mag assume.

"Wala rin akong oras makipag-okrayan sa'yo, wala rin sa isip ko na pagtripan yung tulad mo. Alam ko 'di ka maniniwala. In'expect ko na yung ganyang reaksyon mo. At alam ko ring nabibilisan ka sa mga pangyayari. Pero 'di ko rin maintindihan kung ba't ganito nararamdaman ko tuwing kausap kita. May something sa'yo that makes you different among anybody else, na parang ayoko nang mawala ka. Kung 'di mo 'ko maintindihan, please, believe my  words.. I LOVE YOU", mahaba at sincere niyang wika.

Her words freeze the whole me. Para akong nakaramdam ng hindi pangkaraniwan; although I love you is just a common phrase that I used to hear even before. Pinilit kong pigilin yung kilig at balewalain yung mga sinabi niya pero may part sa'kin na gusto ko ulit maramdaman yung ganung feeling kahit na may halong pangamba na baka maging panandalian lang ang lahat ng kasiyahang 'yun. Gusto ko matuwa, gusto kong sumigaw sa kilig pero mas lamang yung takot na baka magdulot lang 'yun ng lungkot sa'kin sa huli.

"Huy, andyan ka pa ba?", nag aalalang tanong niya.

Sa panandaliang pananahimik ko, dun ko naisip ang tama at siguro ay dapat kong gawin...

"Bakit mo 'ko mahal?", panimula ko sa kanya.
"Alam ko pakiramdam mo na 'di pa 'ko totally moved on, alam ko masyadong mabilis at kahina-hinala ang lahat. Pero sana maniwala kang mahal kita", sagot niya sakin. "Natatakot ka ba?", dugtong pa ni Miguel.
"P-pa'no kung magkita kayo ulit at bumalik yung nararamdaman mo sa kanya? Pa'no kung tulad ka lang pala nila? N-natakot ako. Ayoko na u-umiyak, ayoko nang masaktan, p-pero.. mas ayokong mawala ka pa", nagkakandautal kong wika.

Nakarinig ako ng pagbuntong-hininga; nagsimula na rin akong makaramdam ng kaba at takot na baka magbago ang isip niya. 'Di ko rin maikakaila na sa 3 araw ko siyang nakausap at higit lalo ay nakapalagayan ng loob ay kaya ko na siyang tanggapin na lamang bilang isang bagong kaibigan.

"Natatakot ako", tangi ko na lamang nasambit.
"Bigyan mo 'ko ng chance, papatunayan ko yung intensyon ko sa'yo, na mahal kita", tipid niyang tugon.
"Sorry", maikli kong sagot.
"Sorry? Bakit? Ayaw mo ba sa'kin? Hindi mo b---"
"Sorry because I feel like I'm falling for you. I love you. And it's hard to deny that I can easily just let go of everything. 3 days were too short for us to get committed, but what can I do? Mahal na kita", dire-diretsong wika ko na siyang pumutol sa sasabihin niya.
"So, tayo na?", masigla niyang tanong.
"Yes", naluluhang wika ko.
"Yes!! Thank you, thank you!", masaya niyang sagot.
"But please, may ipapakiusap ako sa'yo", biglang napalitan ng lungkot ang masaya kong tinig ng maalala ang isang bagay.
"A-ano yun?", nagtatakang tanong niya.
"Kapag dumating yung time na bumalik siya, at naramdaman mong mahal mo pa siya, please, 'wag ka mag'hesitate na ipaalam lahat sa'kin. Matatanggap ko naman eh", malungkot kong wika.
"Basta, ipangako mo lang na mags'stay ka kahit gaano kahirap yung pagdaanan natin, magpapakabait akong asawa sa'yo", may halong pangungulit na wika niya.
"Asawa agad?", tanong ko.
"Dun din naman tayo papunta eh", masaya niyang wika.
"Go with the flow lang tayo, ayoko pangunahan lahat lalo pa't pakiramdam ko 'di ako pang anniv", nalulungkot kong sagot.
"Sus. Ilang anniv ba gusto mo", kumpiyansadong sagot niya sa'kin.
"Pareho lang tayong hanggang 6 months yung pinakamatagal, 'wag ka ngang ano dyan", sagot ko sa kanya.
"Ako partida 1 lang naman naging jowa ko, puro flings nga lang yung iba. Hayss. Eh, ikaw marami ka na naging jowa", mahabang litanya niya.
"Sige, ulitin mo pa", naiinis kong wika sa kanya.
"Hahahaha. Napipikon naman na agad yung asawa ko. I love you", malambing niyang sagot.
"Epal ka kasi. I-I love you too? Hehe", nag-aalangan ko pang sagot.
"Parang nag-aalangan ka? Napilitan ka lang ba?", nanlumong wika ni Miguel.
"Hindi. U-uhmm. Naninibago lang. Hehe. Sige na, pahinga na tayo?", tanong ko.
"Ah, ganun ba? Mmm. Sige po, good night asawa ko. Mahal na mahal kita. Pahinga ka na po", tanging nasambit na lamang niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

On This DayWhere stories live. Discover now