KEVIN's POV
"Masyado nang malakas ang magnetic energy, doc. Baka hindi kayanin ng boundary. Kung papabayaan lang po nating ganito, hindi maganda ang magagawa ng portal sa dalawang mundo." sabi ng isang naka lab gown na mukhang propesyonal at isang doctor base sa kanyang mga sinabi.
Hindi ko alam kung nasaan ako, ang alam ko lang ay nakahilata ako sa isang stretcher habang nakatingin sa kisame.
Maliwanag ang room at white lang ang natatanging pintura nito. Nahihilo ako at hindi ko alam ang gagawin ko, kaya naman hindi ako makatingin sa paligid ko.
Gusto kong malaman kung sino ang mga nag-uusap at kung paano ako nakarating dito, dahil hindi ko rin alam sa sarili ko kung anong nangyari't kaya ako naka napapunta dito. Naka-posas ang mga paa't kamay ko sa stretcher kaya hindi rin ako makabangon ng maayos.
"Shut the power down, at pagkatapos mong gawin yon', make sure na lahat kayo'y agad na makakaalis dit-"
*BLAAGGGGGG*
Biglang bumukas ang pinto ng napakalakas. "KEVIN!", sigaw ng isang babae na hindi ko kilala kung sino at hindi ko rin makilala ang boses niya.
Kahit nahihilo ako at hindi gaanong makagalaw, pilit akong bumangon at inilingon ang ulo ko kung saan galing ang sigaw ng pangalan ko.
Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha ng isang babae. Hindi ko namalayang nakatitig lang ako sakanya habang tumatakbo siya sa kinalalagyan ko.
"Kevin! Are you okay?", tanong niya habang naghahabol ng hininga. "Dad! Please don't do this. Paano na lang si mommy?! Please dad, I'm begging you."
Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil nakaluhod lang siyang humahagulgol habang nakatingin doon sa doctor at nakahawak ang dalawa1 niyang kamay sa braso ko.
Biglang nairita ang aking mga tainga nang biglaang nagkaroon ng tuluyang matitinis na tunog sa kwarto. Bahagya rin namang lumiwanag ang room kaya't naman ipinikit ko na lang ang mga mata ko, umaasang tumigil na ang mga nangyayari sa paligid ko.
"I'm sorry anak, pero wala akong magagawa dahil ayaw kong madamay ka at ayaw ko ring mawala ka sa akin.", ani ng doktor na kinakausap ng babae kanina.
*BBUUUUUUUUUUUUUUUUGSHHHHHHHHH*
May sumbog nang malakas. Mas tumindi naman ang mga nag-titinis na tunog at umubod ng liwanag sa room.
Wala na akong marinig kundi ang maingay na tunog na iniwan ng pagsabog at ang babaeng tumatawag sa 'kin.
"KEVIN! KEVIN!"
Pahina nang pahina ang sigaw at mas lalo namang kumalat ang liwanag.
"KEVIN! KEVIN! KEVIN!", may sumisigaw.
Idinilat ko ang mga mata ko at...
Panaginip lang pala.
Hinaplos ko ang mukha ko at pawis na pawis ito. Hinawakan ko rin ang kama at basang basa naman ito.
"A-Anong nangyari?", bungad ko.
"Hindi namin alam. Kumakain lang kami at bigla ka na lamang naming narinig na nagsisisigaw. Para kang tanga, kung ano-anong lumalabas sa bibig mo. Sino namang doktor ang sinasabi mo?! Binabangungot ka nanaman, sabi ko naman sayo na tigil-tigilan mo na yang pagtatambay at pagpapagabi, ayan tuloy kung ano-an-"
Hindi ko na pinatapos ang ate ko at humiga na lang ulit ako, dahil alam kong mas marami pa yang maitatalak kesa kay Mom.
"Aba bastos ka ah! Maka-alis na nga!", naglakad palabas ang ate ko at padabog na sinara ang pinto.
YOU ARE READING
Boundary
FantasyKevin Clyde Andres is just a normal teenage boy who waits eagerly for his true love. Little did he know that the long-awaited dream of his can be found by the crust of another world.