Tyrone's Pov.
Habang naglalakad ako papasok ng school nakita ko ang mga ugok kong kaibigan na may binubully na naman.
Hays eto talagang mga demonyong to oh.
"Oh ano na naman yan?" Kunot noo kong tanong sa kanila.
"Eh ito kasing mga tarantadong to! Sa dinami dami ng estudyante dito sa campus kami pa ang napiling banggain." Galit na sabi ni Gin na tila ba umuusok ang ilong niya dahil sa galit.
"Tsk." Napairap nalang ako sa mga ugok na to.
"Oh Tyrone ang aga mo yata ngayon?" Pag iibang tanong sakin ni Blaze.
"Wala eh pinagalitan na naman ako ni dad kagabi kaya heto ako ngayon walang ibang magawa kundi pumasok."
"Gin pabayaan mo na yang mga yan, kawawa naman ang mga magulang nilang sumosustento sa pag aaral nila kung makick - out lang yan dito sa school." Walang emosyong utos ni Blaze kay Gin.
"May awa ka pala Blaze? Eh ikaw nga tong mas demonyo sating apat." Sagot naman ni Gin na ngayon binitawan na ang estudyanteng bumangga sa kanya.
"Tara na, 15 mins. nalang first period na."
" Oi kanina ka pa diyan Rocco?" Gulat kong tanong kay Rocco na ngayon ko lang napansin.
"Actually kakarating ko lang kaya tara na." Umuna na siyang maglakad papasok ng gate, sumunod na kami sa kaniya at naglakad na rin.
Habang papasok palang ako ng main door may napansin akong babaeng malayang tinititigan ang langit mula sa 3rd floor kung saan naroon ang room namin.
Huminto ako saglit at kinuha ang papel sa basurahan, pinorma ko itong pabilog at nilagyan ng bato sa loob.
Ibinato ko ito sa taas at sakto namang natamaan siya na naging dahilan para tumingin siya dito sa kinaroroonan ko.
Halatang na bulabog ko yung pag - iimagine niya at tinignan akong naka taas ang dalawang kilay at wala man lang emosyon.
"Nandiyan na ba si sir?" Hinihingal kong tanong sa kaniya para kunwari nagmamadali akong pumasok.
"Aba malay ko." Walang emosyon niyang sagot sa tanong ko.
Okay rin siyang kausap eh noh. Lumanghap ako ng maraming hangin at sinigawan siya.
" Hindi mo alam eh nandiyan ka? Paki tingnan nga! Lingon ka sa likod mo at ng makita mo kung nandiyan nga ba." Sigaw ko sakanya sapat lang para marinig niya.
Lumingon siya sa kaniyang likuran at napairap.
"Nandito na si sir." Walang gana niyang sagot sakin at sinarado na ang bintana.
Napatingin ako sa relo ko at may 8 mins. palang bago mag start ang first period.
Yun talagang tandang yun oh! Nakakainis siya pinagmumukha niya akong late eh ang aga pa naman!
As if naman may pake ako sa kaniya pwe! Bahala siya diyan. Kahit na hindi naman ako pumasok makakagraduate pa rin naman ako. Hello... kuya ko yata magmamanage ng scool nato, magmula ngayon.
Pero oo nga noh...si kuya nga ang nagma - manage nito. Hindi nga pala kami bati. Pero ang tanong ay, 'Will he let me, na magha - harian dito sa school?'
Yun nga lang. Hindi ko na magagawa ang mga ginagawa ko dati. Pero hindi ako papayag don noh! As if naman natatakot ako sa kaniya.Napa evil grin ako habang nagpatuloy sa paglalakad at umakyat na sa taas.
Nang makarating na ako sa harap ng pinto ng room dahan dahan ko itong binuksan at pumasok. Natahimik silang lahat pati na si tanda.
"I don't feel saying sorry because I know I arrived on time." Sarkastikong sabi ko. Dahil alam ko naman talaga eh na dumating ako sa saktong oras before mag start ang class hour.
BINABASA MO ANG
Fall For You.
Non-FictionHindi lahat ng bagay umaayon sa gusto mong mangyari. Hindi rin lahat ng taong gusto mo ay gusto ka rin. Magtiwala ka lang. There's always good in everything...